Note: Tinanggal ko naaa, baka awayin niyo pa ako kapag hindi kayo nakatulog ng maayos hehe (≧▽≦). The phrase you read along with the former note will comeback and malalaman niyo kung sino nagsabi non.
Enjoy reading, see you on Friday!
••••••
[ C H A P T E R 39 ]
LATISHA VALENTINE
"AYOS KA LANG?" nag-aalalang tugon ko kay Wince ng makalapit siya sa akin. Binigyan ko siya ng isang basong malamig na tubig na siyang nilagok niya agad. Binalik niya sa akin ang baso at binigyan ko agad siya ng pamunas.
Bigla siyang ngumiti. "Ikaw na lang kaya magpunas sa pawis ko para sulit ang pang-iinis ko sa Duke ngayong araw?"
Sinapak ko siya sa balikat. "Pinapatakbo ka na nga ng isang libo sa training field, nagbabalak ka na naman mang-inis! Baka sa susunod mapatay ka na talaga ng Duke kung hindi ka titigil!"
"Hindi talaga ako titigil kapag wala akong nakitang umiiyak, nagmamakaawa o kaya'y magpapakamatay na Duke para lang sa pagmamahal ng asawa," nakangisi niyang sabi habang pinupunasan ang katawan niyang puno ng pawis.
"Sira talaga ang ulo mo no? Patingin na natin 'yan?" nakataas ang kanang kilay na sabi ko. Bumagsak ang aking pwet sa upuang gawa sa kahoy at pinagkrus ang aking mga braso. "Hindi ako hihingi ng tawad ngayon dahil sa ginawa mo sa party ng anak ko. Kahit lasing ka na, nakuha mo pang mang-asar, nakaloloka!"
Bigla siyang umupo sa lupa at tumingin sa akin. "May nangyari ba sa inyo kagabi, Madame?"
Naitapon ko sa kanya ang baso ng hindi inaasahan. It hit his forehead and Wince just closed his eyes to calm himself from expressing the pain and as well as his anger. "Sorry! Tangina naman kasi ng tanong mong hayop ka!"
"Madame, buwis-buhay ang ginawa ko kagabi kahit alam kong papatayin ako hindi lang ng Duke, kundi ni Hasan. Huwag mong sabihin na walang nangyari kagabi?!" asik niya sa akin.
Nanlalaki lang ang mga mata ko sa pinagsasabi niya. "Lasing ka pa rin ba? Gusto mong mabuhosan ulit ng malamig na tubig para tumino at tumuwid utak mo at sa ganoon ay mawala 'yang kahibangan mo?"
Bumagsak ang balikat nito at napabuntong hininga. "Ang dami ko ng ginawa sa buhay ko, pero bakit ang hirap pag-ayusin 'yang mga damdamin niyo?!"
"Sino ba kasi ang nagsabi na tumulong ka?" asik ko. Sinisigawan niya ako at hindi dapat ako sinisigawan ng kahit sino. Gusto kong sapakin si Wince sa ugali niyang walang kinikilalang antas ng hirarkiya.
"Madame, makinig ka," saad niya. "I am the Duchy's cupid. Marami akong nakikitang mga tao na kulang lamang ng isang tulak sa bangin para mapagtanto nila ang nararamdaman sa isa't isa. Magpasalamat nga dapat kayo sa akin dahil tumutulong ako, paano kung hindi, edi ground zero kayong lahat!"
"Tanga ka, anong klase na tulong 'yan? Inaasar mo lang silang lahat, pinagkamalan ka pang bakla," aniko.
"Kulang kasi sa suntok ang mga 'to, pero kaibigan ko kasi ang mga kupal kaya't hindi ko susuntikin, aasarin ko na lang. Naniniwala akong may magbabago kaya hangga't hindi 'yon darating, aasahan mong kahit mapuno pa sila sa akin, hindi ako titigil."
Napailing na lamang ako sa sagot niya. Napayuko na lamang ako at nilalaro ang manipis na tela ng aking damit. It's white, and the inner layer was thicker than the first layer. It is shaped like the wings of a butterfly.
"Paano kung," mahinang sabi ko. I felt Wince's stare at me but I couldn't dare to move. "Paano kung napagtanto na nila pero pinipigilan nila na sumabak?"
BINABASA MO ANG
✓ | REBIRTH OF THE REBEL [Book One]
Fantezie[Book 1] This is the rebirth of the rebel, and that villain will walk her way through triumph. ---------- Date Started: December 25, 2022 Date Ended: March 25, 2023 Genre: Fantasy, Romance, Adventure Language: English, Filipino (Taglish) Book Cover...