CHAPTER 29

3.2K 176 42
                                    

Note: This song 'Dito Ka Lang' (Flower of Evil, Tagalog OST, sang by Moira) is the root of how this story was created. Pinatugtog lang itong DKL ng ate ko one time and I felt heartbroken. After that, I kept listening to it. Hindi ako nanood ng FOE even sa KDrama or Filipino Adaptation, but this song is really killing me. Every time this is played, I remember how I came up with the plot of this story, how I imagine the Prologue, and how bitter the ending was. Kaya, mandadamay po ako and yes, damay-damay ito hahahaha. Enjoy reading!

••••••

[ C H A P T E R 29 ]

LATISHA VALENTINE

"ANG AGA MO NAMAN, MADAME!"

Impit akong napasigaw dahil sa biglang pagsulpot ni Commander Cyan sa kung saan. Aba, malay ko kung saan siya galing dahil pagliko ko lang sa kanan ay tumambad sa akin ang nakangisi niyang mukha at nagulat ako sa boses niya. Cyan scanned me from head to toe and flashed a teasing smile which made me frown in confusion.

"Buong akala ko mag-aaway kayo kagabi, pero ibang away ba 'yong nangyari, Madame?" ngumisi si Cyan ng sabihin niya 'yon.

"Mang-aasar ka ba ng ganito kaaga?" inis na sambit ko bago ko siya nilagpasan. Ramdam ko na nakasunod siya sa akin dahil rinig na rinig ko ang pagsipol niya. "Mukhang sa inyong lahat, ikaw lang ata ang gising. Nakalimutan mo ba ang sinabi ng Duke kagabi?"

"Hindi naman, mahilig lang talaga akong gumising ng maaga," masiglang sagot niya. Napaigtad naman ako ng bigla siyang humarang sa dinadaanan ko. "Madame, alam natin lahat na inutos ng Duke na hindi dapat pag-usapan ang pagiging bayolente mo kasi bukod sa atin, wala ng ibang nakakaalam. Pero, matagal ko na itong napapansin, kaya gusto ko sanang itanong, Madame."

I crossed my arms and stared at his baby face. "What is it?"

Cyan smiled like a little innocent boy. "Kapag nakakita ka ng dugo, may kamalayan ka ba sa nangyayari sa paligid mo?"

Napataas ang kilay ko. "Bakit mo natanong?"

He shrugged. "Wala lang..."

Lumiit ang aking mga mata ng marinig ko ang sagot niya. Napaismid na lamang ako ng nilabas niya na naman ang ngiti na para siyang tanga dahil kahit magsalita siya, hindi 'yan nawawala. "I am conscious, but my mobility is uncontrollable. If ever I attack you, it is against my will."

"Oh, got it!" he happily said as if what I explained made an enlightenment to him. Nagbigay lang siya ng thumbs up na siyang ikinakunot ng aking noo. Baliw ata ang lalaking 'to.

"Hindi ka ba natatakot sa akin?" nakataas ang isang kilay na sabi ko sa kanya. He suddenly crossed his arms like mine and his expression went serious as if he was deep in thought. "Cut it, Cyan. Alam kong wala kang iniisip kahit mukha kang may iniisip.".

Bigla na lang din siyang tumawa. "Ang killjoy mo naman, Madame. Pero kung sasagutin ko ang tanong mo bilang kabalyero ng Imperyo, wala akong kinatatakutan, maliban lang siguro sa isang bagay pero sa 'yo, hindi." Umiiling siya habang pinagmamasdan ako at ngumiti na naman na parang baliw.

"Kung darating ang panahon na aatakihin kita, papatayin mo ba ako?" seryosong tanong ko sa kanya. I noticed how Cyan's smile faded for a while but he eventually lifted it back again. "It is just a question, Commander. What if lang naman, at kung darating man 'yon at least alam natin ang gagawin mo."

✓ | REBIRTH OF THE REBEL [Book One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon