CHAPTER 32

2.9K 170 4
                                    

Note: In line with the celebration yesterday (nue daw? Haha jk. The Abyss celebrates its 350 followers before the month of February ends) and as promised, DOUBLE UPDATE unlocked. Una sa lahat, hindi ko kayo binibitin ha, sadyang dadaan muna sa pakipot stage ang Dukesa natin >___<. Isa pa, hindi ako sanay sa ganoong tema, pagpasensyahan niyo na lang ang utak ko hehe. It will be even soon, wait for it ^__<.

Happy 9k reads and 1k votes, ROTR! Enjoy reading!

••••••

[ C H A P T E R 32 ]

LATISHA VALENTINE

Hindi na lang ang mga Knights ang nagtatago kay Roshan, pati na rin ako. Kinakabahan ako kapag nahuli niya ako dahil alam kong wala akong kawala ngayong araw. Hinila ba naman niya ako papunta sa opisina niya kung hindi lang ako nakapag-isip ng palusot malamang hindi ako aligaga ngayon. Sinabi ko lang na iihi ako saglit pero hindi na ako bumalik. Tumakbo na ako palayo sa lugar na naroon siya.

Mapapamura na lang talaga ako ng ilang beses. Parehong nalilito at nawindang ang utak at damdamin ko sa ginawa namin at kung hindi ako nakaisip ng palusot, malamang may nangyari na. Tang-inang Roshan, sana hindi niya ako hanapin dahil gusto kong mabuhay pa bukas!

"WAAAAAH!" sabay naming sigaw ni Laphel sa isa't isa. Binuksan ko kasi ang isang aparador na alam kong walang laman pero bumungad sa akin ang mukha niya. Akala ko ay multo dahil nakadilat ang kanyang mga mata ng buksan ko ang aparador.

"Mahal na mahal ko ang aking mga paa, Madame. Ayaw kong mapilay kaya maghanap ka na lang ng ibang mapagtataguan!" saad niya at akmang isasara ang pinto subalit pinigilan ko.

"Tumabi ka," mariin kong sabi saka ako pumasok at ako na ang nagsara ng pinto. Malaki ang espasyo sa loob aparador. Kasya pa si Cyan at Wince dito kahit pawang malalaki ang katawan nila.

"Bakit ka nakikitago?" bigla niyang tanong.

"Pareho ng sinabi mo," saad ko. Madilim sa loob kaya hindi ko makita ang mukha niya. "Pinakiusapan ko na ang Duke tungkol sa ginagawa niya sa inyo pero parang nadamay ata ako."

"Naku, lambingin mo na lang kaya para maligtas mo din kami, Madame?" suhestiyon niya. Kung maliwanag lang sana ang loob, makikita ko sa mukha ni Laphel ang pang-aasar.

"Kung pwede lang siyang lambingin na hindi ako napupurwesyo, ginawa ko na," mahinang saad ko dahil baka may dumating at marinig pa kami.

"Humanda talaga si Wince bukas sa akin, kakalbohin ko siya!" Laphel said as I heard him cursed afterwards. Niyakap ko na lamang ang aking mga tuhod at pinatong ang mukha ko roon. I can't see him but I know he's mad.

"Why did you become a Knight Laphel?" tanong ko sa kanya. "Hindi naman sa minamasama ko ang posisyon mo ngayon. But, being a Knight needs to be physically equipped and not just mentally smart. By your body, parang isang suntok lang ilang buwan kang matutulog."

"Wala rin filter 'yang bibig mo, Madame, no?" he hissed, showing his displeasure by using his voice as a medium. Kalayuan ay narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Hindi naman talaga ako mag-a-apply na maging Kabalyero. I'm a junior librarian in the Royal Palace, but when the Emperor gathered nobles that he wanted to aid the Duke, I was picked to represent the RL Section. Hindi sana ako sasali, subalit kailangan kong makinig sa mga senior librarians."

"Then, how did you acquire the title of a Clover Knight?" nagtataka na tanong ko sa kanya.

"I was gifted with the title of Luck, by the Emperor himself. My knowledge will lead the Duke to success as he defends the east border of the Empire. The four leaves of clover were given to each Knight: Wince being the group's love, because his combat skills are very useful for invasion but he also possess strong willpower; Logan as hope, because archery targets to eradicate obstacles that comes our way; and Nethys as faith, because his faithfulness protects the Duke and the Empire."

✓ | REBIRTH OF THE REBEL [Book One]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon