Carina's POV
Natapos ang Kasal Oras na para pumunta sa Reception sa wakas makakain na ako! Talagang hindi ako nag-almusal kanina para magkasya sa akin ang kulay Light Pink kong gown.
Naunang lumabas sila Mama at Tito Apollo kasunod naman nila ang ibang bisita na sige ang bati sa kanila ng 'Congratulations' hindi ako makasingit sa kumpol ng mga tao naku pasakay na sila Mama ng Kotse nila! Maiiwanan nila ako dito kung hindi ako iisip ng paraan para makalapit man lang sa kanila. Talagang nagugutom na ako eh! Sinubukan kong sumingit kaso di umobra.
Nawalan ako ng pag-asang makasabay sa Kotse nila Mama ng umandar na ito palayo, nakaramdam ako ng lungkot hindi ko maiwasang umiyak na naman nakalimutan ako ng Mama ko dahil kasama niya ang bago niyang Asawa.
Isa-isa na ding nag-alisan ang mga bisita. Kanino naman kaya ako makikisabay? Isa pa Isang Buwan pa lang ako dito sa Maynila kaya hindi ko kabisado ang pasikot-sikot dito kumalam na naman ang sikmura ko naaawa ako sa sarili lalo at pinagmamasdan ako ng ibang bisita na nagsisipag-sakay sa mamahalin nilang Kotse. Nahagip ng tingin ko si Tito Argus kaso baka hindi niya ako pasakayin sa Kotse niya saka kasama niya si Tita Sofia ang Girlfriend niya. Mabait naman sa akin si Tita Sofia kaso nakakahiya kung bigla akong pagalitan ni Tito Argus sa harap nito dahil sa katangahan ko kaya ako naiwan nila Mama at Tito Apollo.
Tingin ko maglalakad ako pauwe wala din naman kasi akong Perang dala. Naglakad ako palapit sa gilid ng Simbahan para hindi nakakahiya sa mga bisita. Sa magandang Hardin ako nagpunta para palipasin muna ang Oras saka ako maglalakad kapag wala nang tao para hindi nakakahiya. Nanghihinang napaupo na lamang ako sa sementadong upuan na nasa Hardin ng Simbahan, sana mapansin ni Mama na wala ako sa Reception.
Umalis na din ang Kotse ni Tito Argus talagang hindi man lang nila ako naalala. Nagpahid ako ng luha ko gamit ang laylayan ng suot kong gown.
"Oh, isuot mo na." Utos nito. Nag-angat ako ng tingin mula sa hawak nitong Helmet. "Kanina pa kasi kita pinagmamasdan, tingin ko naiwan ka ng Tito Argus mo tama. Wag kang matakot kaibigan niya ako, tara sabay ka na sa akin." Nakangiting turan nito.
Hindi ko sana kukunin ang itim na Helmet nito kaso kumalam uli ang sikmura ko laking hiya ko ng medyo may kalakasan ang tunog non.
"I guess na nagugutom ka na." Muling sambit nito.
Ilang segundo akong nag-isip bago ko kinuha ang hawak nitong Helmet.
"Yan. Antayin mo ako dito ha Miss."
"O-okay po." Sagot ko habang hawak ko ang Itim na Helmet nito.
Naglakad ito palapit sa nakaparadang Motor ang ganda non gaya yon ng mga nakikita ko sa Magazine! Tingin ko kasing yaman din siya nila Tito Apollo at Tito Argus.
Huminto ito sa harapan ko saka ako nito tinulungan magsuot ng Helmet. "O yan hindi na yan matatanggal sa ulo mo. Kaya mo bang umangkas?"
Tumango ako. "Opo kaya po, sa Probinsiya po namin madalas inaangkas ako ng Bestfriend ko sa Bike niya. H-hahawak na lang po ako ng mahigpit para hindi ako mahulog."
Ngumiti lang ito. Guwapo ito pero masmalakas ang dating ni Tito Argus kaya hindi na ako magtataka kung madaming Babae ang nahuhumaling sa kanya kung saka-sakali.
Maingat akong umangkas sa likod na bahagi ng Motor nito saka ko inipit sa hita ko ang laylayan ng suot kong gown tutal may doble naman akong shorts na hanggang tuhod ko.
"Okay. Aandar na tayo Miss kapit ka lang ng maayos ha." Paalala nito.
"Okay po. Carina nga po pala ang pangalan ko, K-kuya Glenn." Pakilala ko.
"Kuya?" Tumawa ito. "Hindi naman tayo magkapatid kaya Glenn na lang."
"Okay. Glenn na lang. Ummm nagugutom na po ako."
"Sige hawak na aandar na tayo." Mahigpit akong humawak sa bewang nito kaso sa takot kong mahulog iniyakap ko na lang ang mga braso ko para siguradong makakarating ako ng ligtas sa Reception. Binuhay na nito ang makina ng Motor saka kami marahang umandar palayo ng Simbahan.
***Argus POV
"Ano Kuya wala pa si Carina?" Tanong ko habang sige ang lingon ko sa paligid baka sakaling naroon lang ang Babaeng yon kaso wala talaga.
"Sir, wala po si Miss Carina sa Venue tingin ko baka naiwan po siya sa Simbahan." Pagbibigay alam ng isa sa mga tauhan ni Kuya Apollo.
"Diyos ko ang Anak ko Apollo b-baka napano na siya balikan natin siya!" Nag-aalalang turan ni Ate Amelia.
Naisuklay ko sa buhok ko ang isang kamay ko nang maisip ko na baka may nangyari na sa kanya pero bakit naman ako mag-alala sa kanya e Tama lang na mangyari sa kanya yon dahil pareho lang sila ng Mama niya na Golddigger!
"Ako na lang ang babalik sa Simbahan." Wala sa sariling sambit ko.
"Salamat Argus. Pakihanap si Carina b-baka nagugutom na ang Anak ko eh hindi yon nag-almusal dahil baka hindi daw magkasya sa kanya ang gown niya." Iyak nito saka yumakap kay Kuya.
"Ako ng bahalang humanap sa kanya. Enjoy your day." Tumalikod na ako at nagmamadaling naglakad papuntang parking lot nadaanan ko si Sofia pero hindi na ako nag-abalang magpaalam pa tutal naman busy siya sa pakikipaglandian sa ibang Lalake.
Nasa labas na ako ng Venue patungo kung saan ko pinarada ang Kotse ko ng dumaan sa mismong harapan ko si Glenn sakay ng Motor nito at may angkas na Babae. Matagal kong tinitigan ang angkas nitong Babae pamilyar kasi sa akin ang hitsura nito.
Pinarada ni Glenn ang Motor niya sa di kalayuan sa Kotse ko naunang bumaba ang angkas niyang Babae sunod si Glenn saka nito tinulungan sa pag-alis ng Helmet ang Babae. Ganon na lang ang asar ko ng makilala kung sino ang Babae ng yon! Si Carina at nagsisimula na siyang lumandi sa mayayamang Lalake talagang gaya siya ng Ina niya!
Hindi nila ako napansin sabay pa silang pumasok sa loob ng Venue at mukhang close na close pa silang dalawa na nagpakulo ng dugo ko pero bakit naman? Ah basta! Humanda siya sa akin.

BINABASA MO ANG
Captiva Decus
Roman d'amourMagagawa mo bang mahalin ang taong alam mong kahit kailan ay hindi ka pinakitaan man lang ng pagpapahalaga? Paano kung bigla niyang yanigin ang Mundo mo? Anong gagawin mo? Uobra ba ang malaking agwat ng inyong mga edad? Susugal ka ba sa Bawal na P...