TATLUMPUT TATLO

649 21 0
                                        

Carina's POV

Balikwas ako ng bangon. Sinipat ko ang kabilang gilid ng higaan ko. Panaginip lang ba ang lahat ng ‘yon? Kagabi lang kasama ko siya tapos ngayong paggising ko wala na siya— mapait akong napangiti baka nga panaginip ko lang si Argus.

Maingat akong tumayo dahil malaki na ang tiyan ko malapit na nga pala akong manganak marahan kong hinila ang kumot para tupiin saka ko iyon ipinatong sa ibabaw ng unan ng bumukas ang pinto ng kwarto agad akong napalingon sa gawi nito at ganon na lang ang gulat ko ng makita ko si Argus na kapapasok lang na may hawak na isang basong gatas. Ibig sabihin hindi panaginip yung kagabi! Totoong kasama ko siya at hinalikan pa niya ako kagabi!

Lumuwag ang pagkakangiti sa mga labi niya.  “Goodmorning. Dinalhan kita ng maligamgam na gatas good for Babies.”

Inilang hakbang lamang niya ang distansya namin habang titig na titig ako sa bawat galaw niya hanggang ngayon hindi ako makapaniwalang totoong andito nga siya.

Huminto at yumuko si Argus ng marating nito kinatatayuan ko saka ako hinagkan sa pisngi.

“Mamaya na ang  biyahe natin pauwi sa Maynila kaya mag-almusal ka na muna.” 

Kinuha ko mula sa kamay nito ang gatas saka iyon dahan-dahang ininom.  “Ang sarap!”

Ngumisi ito sabay kabig sa bewang ko dinala niya ako sa pagitan ng mga hita niya.  “I miss you a lot. Sorry for those times that I wasn't with you babawi ako pangako.”

Hindi na ako sumagot sa halip ay pinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya saka ko siya niyakap ng mahigpit sapat na iyon para ipadama sa kanya kung gaano ako kasaya na nasa tabi ko siya ngayon.

“Don't cry. Halik na sa kusina nakahanda na ang almusal bago tayo umalis.”

Tumango-tango lamang ako bilang sagot.
Magkahawak kamay kaming lumabas ng kwartong tinutulugan ko at nagtungo sa kusina naroon na sina Ninang Luz at Ninong Nestor ko.

“O tamang-tama mag-almusal na tayo para hindi kayo gabihin sa biyahe n'yo pabalik ng Maynila.”  Turan ni Ninang.

Umupo ako sa katabing upuan nito habang nasa kabilang dulo naman si Argus sakto lang kasi sa apat na katao ang mesa nila Ninang. Ipinag sandok ako ni Argus ng sinangag at pritong itlog pati hotdog.

“Ang dami naman nito b-baka hindi ko maubos.”  Nahihiyang pigil ko sa kanya ng maglalagay pa sana siya ng isa pang hotdog.

Tumawa Ninong.  “Ganyan talaga  mag-alaga ang Asawa kaya masanay ka na Carina. Basta ba padalhan n’yo agad kami ng imbitasyon kapag fix na ang Kasal ha.”

“Po? Kasal? Sino po ang ikakasal?” 

Humagikhik si Ninang sabay sulyap kay Argus.  “Hindi pa ba sinasabi sayo ni Argus.”

Nilingon ko din si Argus bago muling pumihit sa direksyon ni Ninang.  “Ang ano po?”

“Pakakasalan kita pagbalik natin sa Maynila.”  Sabat ni Argus.

“O ayan sinabi na niya sayo, Carina. Anong sagot mo?”  Pigil ni Ninong ang mga ngiti niya na kanina ko pa napapansin.

Napatitig ako kay Argus. Tumayo ito at may kinuha sa bulsa ng suot niyang pantalon saka ko lang napansin na yun pa din ang suot niyang damit kagabi ng magkita kami sa dalampasigan. Napigil ko ang hininga ko ng niluhod niya ang isang tuhod sa paanan ko saka nito nilahad ang hawak na singsing hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin basta na lamang tumulo ang mga luha ko alam kong ito na ‘yung gaya sa mga palabas sa TV na lumuluhod ang Lalaki para alukin ng kasal ang natitipuhan nilang Babae. Dinig ko ang mahinang singhot ni Ninang baka umiiyak din siya gaya ko talagang napaka babaw lang nga mga luha naming dalawa.

Captiva Decus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon