Argus' POV
Mabilis ang ginawa kong paghakbang papunta sa parking lot agad kong pinindot ang remote key ng Kotse ko para maisakay ko agad si Carina na wala ng tigil sa kaka-iyak habang kalong ko para itong Bata na nagsusumiksik ang mukha sa dibdib ko. Tingin ko napahiya siya ng tanggalin ko ang suot niyang Sandals.
"Tahan na. Ibibili na lang kita ng bago. Sorry dahil ipinasuot ko pa sayo yung panget na Sandals na yon." binuhay ko ang makina ng Sasakyan at pinaandar ito palayo sa Lugar.
Panay ang sulyap ko kay Carina habang naiyak para itong aping-api na nakabaluktot ng pagkaka-upo at yakap ang mga tuhod hindi ko tuloy alam kung paano ito patatahanin.
Malapit na kami sa MOA nang may makita akong mga nagtitinda ng tsinelas at sandals sa gilid ng kalsada oo nga pala nasa Baclaran na nga pala kami muli kong pinagmasdan si Carina napako ang tingin ko sa mga paa nito.
Tumikhim ako. "Nasa Baclaran na pala tayo gusto mo bang tumingin muna ng pwede mong maisuot sa paa bago tayo dumeretso ng MOA?"
Nag-angat ito ng tingin saka nagpunas ng luha alam kong nakita din nito ang mga nagtitinda sa gilid ng Kalsada. Nilingon ako nito. "W-wala naman akong Pera pambili, A-Argus."
Napangiti ako sa paraan ng pagbanggit nito sa Pangalan ko. "Didn't I told you that I will provide you everything you need from now on."
Tumango naman ito.
"Ano gusto mo bang bumaba muna tayo dito sa Baclaran?"
Muli itong nagpahid ng mga luha. "Sige kaso wala akong tsinelas eh.". ginalaw-galaw pa nito ang mga daliri sa paa.
Natawa ako. "Wait hanap muna tayo ng pwede paradahan."
Sa labas ng Heritage Hotel ko ipinarada ang Kotse saka ako unang lumabas.
"Dito ka muna Carina bibili lang ako ng tsinelas mo para makababa ka."
Nilingon nito ang paligid halata sa mukha nito na naninibago sa dami ng tao. "Wag kang magtagal ha, Argus."
Talagang napapangiti ako sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ko. Sinilip ko ito bago ko tuluyang isara ang pinto ng Kotse. Inilang hakbang ko lang ang Kariton na naglalaman ng madaming panindang tsinelas may napili na ako agad para sa kanya Isang pink na tsinelas sigurado akong bagay yon sa kanya.
Kinuha ko iyon. "Magkano?"
"100 po diyan Sir." sagot ng Binatilyong nagtitinda.
Dumukot ako sa bulsa ko saka ko binigay dito ang halaga ng binili kong tsinelas.
"Salamat po Sir."
Tumango lang ako saka ako bumalik sa Kotse pinindot ko ang remote key kaya tumunog ito alam ko kasing hindi marunong magbukas ng lock si Carina.
"Sa akin yan?" nakangiting tanong ni Carina habang namimilog ang mga mata na nakatitig sa hawak ko.
Pumasok ako sa loob ng Kotse saka ko ibinigay sa kanya ang tsinelas sinukat niya ito kung kanina sige ang iyak niya ngayon labis ang tuwa nito talagang nagustuhan niya ang binili ko.
"Salamat Argus. Ang ganda! May bago na akong tsinelas!"
"Nagustuhan mo ba Carina?"
Sunod-sunod itong tumango saka tumingin sa malayo. "Diba sabi mo ibibili mo ako ng mga damit?"
Mukhang nababasa ko na ang nasa isip nito ah. "Oo. Bakit?"
Lalong lumaki ang pagkakangiti ni Carina saka ako hinawakan sa kanang kamay. "Dito mo na lang ako ibili ng mga Damit saka siguradong masmura dito kesa sa Mall."

BINABASA MO ANG
Captiva Decus
RomanceMagagawa mo bang mahalin ang taong alam mong kahit kailan ay hindi ka pinakitaan man lang ng pagpapahalaga? Paano kung bigla niyang yanigin ang Mundo mo? Anong gagawin mo? Uobra ba ang malaking agwat ng inyong mga edad? Susugal ka ba sa Bawal na P...