Carina's POV
Panaka-naka akong tumutulong kina Ninong sa pag-aasikaso sa Car wash kahit na madalas nila akong sabihan na magpahinga na lamang sa loob ng bahay ayoko kasing abusuhin ang pagiging mabait nila sa akin at sa dinadala ko.
“O baka mapano ka naman niyan alalahanin mong malaki na ang tiyan mo ha dapat kasi wag ka na lang magbuhat-buhat kaya naman namin ng Ninong mo ang gawain dito sa shop natin.”
Maayos kong binaba sa malapad na mesa ang mga panindang basahan ni Ninang Luz may kabigatan nga pero kaya ko pa namang magbuhat. Pinagpag ko ang ilang alikabok bago ko binalingan si Ninang.
“Magaan lang naman po eh saka nakakahiya po sa inyo ni Ninong, libre na nga po ako sa lahat tapos tutunganga lang po ako at walang gagawin man lang.”
Hinagod ni Ninang ang buhok ko saka ako tinapik sa balikat. “Naku! Carina ang swerte talaga sayo ng Mama mo kasi bukod sa maganda ka na eh talaga namang napaka sipag at napakabait mo pa. Hmmm ganito na lang tutal gusto mong tumulong. Saglit lang.”
Tumalikod ito at humakbang papasok sa loob ng bahay paglabas nito may dala na itong kahoy na mukhang frame at sa gilid nito may mga pako. Huminto ito sa kinatatayuan ko.
“O heto tuturuan na lang kaya kita kung paano gumawa ng Basahan madali lang naman ito para pampalipas oras mo na rin pero bago yan kailangan muna nating mag gupit ng mga tela para may magamit tayo sa paggawa ng Basahan natin. Ano okay ba sayo yung naisip ko?” Nakangiting saad nito.
Na-touch ako sa effort ni Ninang para hindi ko maramdaman na wala akong silbi nangilid na naman ang mga luha ko.
“Naku, umiiyak na naman ang inaanak ko. Naku. Naku. Halika at ng mayakap kita.” Marahan ako nitong kinulong sa mga bisig niya naaalala ko si Mama sa tuwing niyayakap ako ni Ninang kaya lalo tuloy akong naiiyak namimiss ko na si Mama.
“Tahan na Carina baka maging iyakin si Baby paglabas. Magiging okay din ang lahat. Malay mo isang araw biglang magpakita dito ang Mama mo diba.”
Umiling ako. “H-hindi niya po alam na umuwi po ako.”
“Ganon ba. Basta tahan na paano tayo magsisimula niyan kung umiiyak ka diba.”
Pinilit kong kontrolin ang sarili ko tama naman si Ninang wala kaming matatapos na Basahan kung sige ang iyak ko dapat maging matured na ko dahil malapit na akong maging Nanay. Kumalas ako sa pagkakayakap ni Ninang at pinahid ko ang mga luha ko.
“Yan tama yan Carina dapat maging matatag ka! Heto ang gunting tig-isa tayo umupo ka muna diyan at kukunin ko lang yung mga telang gugupitin nating dalawa.”
“Okay po.”
Pumuwesto kami ni Ninang sa gilid lang ng Carwash shop mililim naman kasi at presko hindi gaya sa Maynila na mainit dahil sa dami ng nagtataasang building.
Sinimulan ko ang paggugupit ng mga tela madalinlang naman pala dahil isang direksyon lang ang tabas ng mga ito kailangan ko lang hatiin sa masmaliit na piraso ang bawat tela sa una nakakalito pero ng magamayan ko na ayun aliw na aliw na ako at nakakarami na rin ako ng kulay na natatabas na tela.
“Nakaka-aliw hindi ba? Kelan ko lang rin natutunan yang paggawa ng basahan eh. Medyo dumadami na rin kasi ang naghahanap kaya maramihan na ang bili namin ng tela ng Ninong mo doon sa kabilang Bayan.”
“S-salamat po.”
“Ayan ka na naman eh. Naku magagalit Ninongo kapag narinig ka na naman niyang ganyan. Hindi ka ibang tao sa amin okay.”
Tumango ako saka ko itinuon ang pansin sa paggugupit kahit paano nakalalimutan ko ang tunay na dahilan kung bakit ako narito ngayon. Makalimutan ko man sila pero hindi ang sakit na nararamdaman ko ngayon.
***
Argus POV
Natrace ko lahat ng dinaanan ng kotse ni Glenn at sa Cagayan ako nito dinala. Buti at may mga koneksyon ako kaya nakakuha ako ng mga CCTV footage. Umaasa akong naroon ngayon si Carina. Iuuwe ko na siya sa oras na makita ko siya.
Mabilis ang patakbo ko ng kotse tutal wala namang gaanong Sasakyan sa kalsada nasasabik na akong makita siya tiyak na malaki na ang tiyan niya gusto ko siyang mahawakan at ikulong muli sa mga bisig ko nagsisisi ako kung bakit hindi ko man lang binisita ang l*ntik na cellphone ko kaso huli na para sisihin ko pa ang sarili ko ang dapat kung gawin ngayon ay hanapain ang mag-ina ko.
Magdidilim na ng matunton ko ang property na pagmamay-ari ni Glenn may kalakihan ito napansin ko agad ang nakasaradong maliit ng tindahan na nasa gilid lamang ng gate nakaramdam ako ng pagnanais na makita ang nasa loob non alam kong si Carina ang tumatao doon. Bumaba ako ng kotse ko saka ako naglakad palapit ng tindahan naka-lock ito pero hindi naman mahirap sirain ang pinto nito at gusto kong makasigurado kaya isang malakas na tadyak ang pinakawalan ko.
Bumukas ang pinto ng maliit na tindahan mga gulay pala ang laman nito. May nakita akong notebook siguro listahan yon kinuha ko iyon unang pahina palang tumulo na ang luha ko ng mabasa ko ang pangalan ko tingin ko nagle-lettering si Carina libangan niya habang nag-aantay ng mga bibiling costumer sa paninda niya.
Binuklat ko ang sunod na pahina.
“Baby Atlas, five months ka na. Love ka ni Mama.” Basa ko sa nakasulat. Napangiti ako yun pala ang gusto niyang ipangalan sa magiging Anak namin. Sabik na akong makita siya. Ang sabi ni Glenn tinakasan daw siya ni Carina. Mahigpit kong hinawakan ang notebook saka ako lumabas ng tindahan.
“CARINA!” Sigaw ko sa pangalan nito tiyak na lalabas siya sa oras na marinig niya ang boses ko. Nag-antay ako kung merong lalabas mula sa loob ng Villa kaso bigo ako.
“CARINA. SI ARGUS ITO IUUWE NA KITA!” Muling sigaw ko umaasa pa rin akong may lalabas kaso wala talaga. Saan ko naman siya hahanapin ngayon? Mag-isip ka Argus!
Kung tatakas ako saan ako pupunta? Inilagay ko ang sarili ko sa sitwasyon ni Carina para makakuha ako ng sagot— Tama! Sa Bayan!
Nilingon ko sa huling pagkakataon ang Villa bago ako tuluyang sumakay sa Kotse ko. Sana merong makapagbigay sa akin ng impormasyon kung nasaan si Carina. Sana.
BINABASA MO ANG
Captiva Decus
RomantizmMagagawa mo bang mahalin ang taong alam mong kahit kailan ay hindi ka pinakitaan man lang ng pagpapahalaga? Paano kung bigla niyang yanigin ang Mundo mo? Anong gagawin mo? Uobra ba ang malaking agwat ng inyong mga edad? Susugal ka ba sa Bawal na P...
