DALAWANGPUT-LIMA

962 21 1
                                        

Carina's POV

Naging maayos naman ang pagtira ko sa poder ni Glenn. Hindi ako gaanong nakaramdam ng pagkabagot dahil sa pinayagan niya akong magtanim-tanim ng mga gulay at halaman sa malawak niyang bakuran meron na rin akong mangilan-ngilan na kakilala ang kaibahan lang ng buhay ko ngayon ay hindi na ako nilalait ng mga tao kahit na nagtitinda ako ng mga tanim kong gulay sa gate ng Bahay Bakasyunan ni Glenn. Mabait naman si Glenn siya pa nga ang nagpagawa ng maliit kong tindahan meron itong bubong at kuryente para daw may elektrikpan ako habang nag-aantay ng mga Customer na bibili ng paninda ko kahit paano kumikita ako at iniipon ko iyon ayoko kasing pati ang panganganak ko e sagutin pa ni Glenn.

Malaki na ang tiyan ko Limang buwan na saka unti-unti ko na ding natanggap na kinalimutan na ako ni Argus ni hindi man lang siya pumunta dito sa La Union para makita man lang ako at ang magiging Anak namin, nasa ang gilid ng mga mata ko baka init lang ng katawan ang habol niya sa akin at ako naman naniwala naman sa kanya! Pinunasan ko ang tumulong luha mula sa mata ko saka ko sinipat ang orasan ko na nakasabit sa dingding ng tindahan. Mag-a-ala-singko na pala.

Isa-isa ko ng tinabi ang mga gulay ko sa basket saka ko sinara ang tindahah ko oras na kasi para magluto ako ng hapunan mamaya andito na si Glenn at tiyak na gutom yun kaya magluluto ako ng Tinolang Manok! Dinobol check ko muna ang tindahan ko saka ako naglakad patungong Villa dumiretso ako sa kusina bitbit ko ang sariwang Papaya at dahon ng Sili ganun din ang Sibuyas at Luya. Hinugasan ko ang mga iyon bago ko pinatulo sa lababo kinuha ko ang isang buong Manok sa loob ng Ref saka ko iyon hiniwa ng maliliit sinunod ko ang mga rekado ng matapos ako ginisa ko na ang Sibuyas at Luya saka ko nilagay ang Manok at konting tubig hinayaan ko muna itong kumulo saka naman ako naghanda ng maisasaing na bigas sa kaldero ng rice cooker hinugasan ko muna iyon bago ko sinalang kusa na itong maluluto kaya yung Tinolang Manok ang binantayan ko hanggang sa maluto ito. Pinatay ko na ang stove saka ako umakyat sa kwarto ko para maglinis ng katawan.

Ilang minuto lang ang itinagal ko sa loob ng banyo dahil malamig ang tubig baka makasama kay Baby kung magbababad pa ako. Isang kulay pink na duster ang isinuot ko nahagip ng mga mata ko ang wallet ko na naglalaman ng mga kinita ko biglang nangati ang mga kamay ko kaya kinuha ko iyon doon ko na lang sa baba bibilangin habang inaantay si Glenn.

Tahimik akong naglakad paglabas ko ng kwarto ko. Natigilan ako ng makita ko si Glenn nasa Sala siya ni hindi ko man lang namalayan ang pagdating niya bahagya akong nakaramdam ng kaba ng titigan ako nito namumula ang mga mata niya parang may kakaiba sa kanya ngayon. Ngumisi ito bago tumayo para salubungin ang pagbana ko sa hagdan.

“Hello, Carina. How's your day? Babe.”  Agad akong kinabig nito sa bewang ko saka ako sinibasib ng halik! Naalala kong bigla ang simula ng lihim naming relasyon ni Argus ganitong-ganito iyon ngunit iba ang pakiramdam ko kay Glenn. Natatakot ako sa kanya!

Pinilit kong makawala mula sa pagkakayakap nito saka ko siya buong lakas ng tinulak kasabay ng malakas na sampal! Sigurado akong nayanig ko siya! Ramdam ko ang pamamanhid ng kanang palad ko na ginamit ko pansampal sa mukha niya. Pinunasan ko ang mga labi ko.

“Wow.”  Hinaplos nito ang pisngi na tinamaan ng palad ko.  “Ganito din ba ang ginawa mo sa kaibigan ko? Ano to pavirgin epek ka pa ba Carina!?”  Muli ako nitong kinabig sa bewang ko pero nanlaban ako kinagat ko ang kamay niya hindi ko yun tinantanan hanggat hindi ko nalalasahan ang dugo!

“F*ck!”  Nabitawan ako ni Glenn.   “Wala kang utang na loob! Pinakain kita at pinatira sa pamamahay ko tapos ito pa ang igaganti mo sa akin! Ipapaalala ko lang sayo na hindi ka na sariwa! Pinagsawaan ka na ni Argus! Asan siya ngayon ha! Diba ni hindi ka nga niya makumusta! Umaasa ka pa rin bang seseryosohin ka niya!? Isa ka lang mababang uri ng Babae!”  Sabay sunggab nito sa akin kaya umiwas ako hanggang maabot ko ang makapal na libro saka ko iyon hinampas sa mukha ni Glenn tingin ko nahilo ito kaya sinamantala ko na ang pagtakas! Mabilis pa sa kidlat ang ginawa kong pagtakbo habang hawak ko ang may kalakihan kong tiyan ayokong maabutan niya kami kaya tiis lang muna!

Narating ko ang Bayan. May mga bukas pangtindahan ng mga damit kaya bumili ako ng ilang piraso pati bag na magagamit ko.

“Manang saan po ang sakayan ng Bus dito sa La Union?”  Tanong ko na ikinakunot ng noo nito.

“La Union?”  Ulit nito.

“O-opo. Di po ba nasa La Union po tayo ngayon?”  Pigil ko ang mga luha ko. Niloko ba ako ni Glenn?  Nanlumo ako ng umiling si Manang. Niloko nga niya ako.

“Nasa Cagayan ka Miss. Teka naliligaw ka ba?”

Umiling ako.  “Hindi po. E pwede ho bang ituro nyo na lang ho sa akin yung sakayan ng Bus p-papuntang Leyte po.”

Sinipat nito ang kabuuan ko saka napako sa tiyan ko ang mga mata nito. Bumuntong-hininga ito.  “Libre na ang mga binili mo mukhang kailangan mo ng Pera. Saglit lang at sasamahan kita sa sakayan ng Bus para hindi ka maligaw.”

Sunod-sunod na ang pagbagsak ng mga luha ko lalo na ng yakapin ako ni Manang. Naalala ko si Mama hinahanap-hanap ko siya ngayon ko kailangan ng pagkalinga niya kaso alam kong galit pa rin siya sa akin. Wala akong ibang pwede kong matuluyan kung sakaling babalik ako ng Maynila kaya uuwi na lamang ako kung saan ako nagmula doon sa isla. Doon ko palalakihin ang Anak ko kahit wala si Argus kakayanin ko. Ayoko ng ipagsiksikan pa ang sarili ko sa mga taong nagawa na akong kalimutan. Magiging parte na lamang sila ng masayang alaala ko!

***

Sinamahan nga ako ni Manang sa Terrminal ng Bus na papuntang Leyte pinabaunan pa niya ako ngakakain dahil mahabang biyahe daw ang pauwe sa probinsyang iyon.

Abot-abot ang dasal ko na sana hindi akoaabutan dito ni Glenn tiyak na ikukulong niya ako sa Villa niya. Nakahinga lamang ako ng maluwag nang magsimula ng umandar ang Bus kumaway na sa akin si Manang. Hinding-hindi ko makakalimutan ang kabaitan niya siya ang naging kakampi ko nungga sandaling walang-wala na akong pag-asa pa.

Sumandal ako sa malambot na upuan ng Bus saka ko hinaplos ang tiyan ko.  “Anak. Sorry kung tumakbo si Mama ha. Uuwi na tayo. Doon kita palalakihin sa isla maganda doon pangako aalagaan kita gaya ng ginawa sa akin ni Mama pero lahit kailan hinding-hindi kita ipagtatabuyan sakaling makagawa ka ng mga bagay na hindi ko magugustuhan. Anak kita kaya mananatili akong nasa tabi mo. I love you.” Bulong ko.

Kinuha ko ang kumot na binigay ni Manang saka ko iyon ibinalot sa katawan ko medyo lumalamig na kasi ang aircon ng Bus. Itutulog ko na muna ang pagod ko. Bukas paggising ko tiyak na panibagong simula na para sa akin at sa Anak ko.

Captiva Decus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon