IKA-SIYAM

721 32 3
                                        

Argus POV

Inaayos ko ang kuwelyo ng suot ko Black Polo shirts ko mahagip ng tingin si Carina nasa Sala ako kaya kitang-kita ko ito mula sa malaking bintana ng Mansyon abalang abala si Carina sa pagbabanlaw ng Kotse ko may gamit itong timba kahit meron namang hose para sa tubig. Naaaliw akong pagmasdan ito kaya nagtungo ako sa pinto para masmakita ko ito ng maayos. Pagkatapos nitong banlawan ang Kotse ko mabilis niya itong pinunasan totoo nga na dati siyang nagtatrabaho sa Carwash makikita naman sa mga galawan niya. Ilang sandali pa at isa-isa ng niligpit ni Carina ang mga nagamit niyang basahan at nilagay iyon sa loob ng timba saka iyon binitbit.

"Carina."  Tawag ko sa kanya habang palapit ako sa Kotse ko.

Agad itong lumingon sa direksyon ko.

"T-tapos ko na pong linisin ang Kotse nyo Tito Argus."  Sagot nito habang sige ang punas ng pawis sa noo.

"Pansin ko nga. Buksan mo ang gate aalis na ako."   Utos ko saka ko binuksan ang pinto ng Kotse ko at pumasok.

Tumango lang si Carina naglakad ito palapit sa malaking Gate para buksan iyon. Pinaandar ko ang Kotse ko, saglit akong huminto sa tapat nito bago lumabas ng gate.

"Wag na wag kang aalis ng Mansyon. Kung ayaw mong magalit ako."

Aligaga itong tumango.  "Opo. Dito lang po ako. Anong oras po kayo uuwe?"

Nagsalubong ang dalawa kilay ko sa tanong nito.  "Sino ka para tanungin ako kung anong oras ako uuwe? Hindi kita Girlfriend Carina. Yung nangyari sa pagitan natin kagabi e bayad mo yon para sa Dalawang Linggong gastos ko sayo, tingin mo ba nag-iwan si Kuya ng Pera panggastos mo. Isara mo ang gate pag-alis ko."

"O-opo. Sorry po."  Naka-yukong sagot nito.

                             ***

Gabi na nang maka-uwe ako kasama ang mga Kaibigan ko nabitin kasi kami sa Club na pinuntahan namin kaya dito na lang sa Bahay namin itutuloy ang inuman namin.

Bumaba ako ng Kotse ko para buksan ang Gate may mga susi naman ako ng bawat pinto ng Mansyon ni Kuya kaya kahit anong oras ako umuwe pwede.

Kanya-kanya kaming dala ng Sasakyan namin kaya kanya-kanya din kami sa parking space na nasa bandang gilid lang ng Mansyon.

"Oi mukhang may tao ata sa loob bukas pa ang ilaw eh."  Si Kieth na kabababa lang ng Kotse nito.

"Meron naman talaga andyan si Carina eh diba Pare."  Sabat ni Glenn na Todo ang ngiti. Sinimangutan ko ito.

"Ay, oo yung Magandang instant Pamangkin ni Argus!"

"Boses mo nga Daniel nakakahiya sa mga Kapitbahay."   Saway ko saka ako humakbang palapit sa pinto para susian yon kaso hindi pa ako nakalapit nang bigla iyong bumukas.

"Carina?"  Gulat kong tanong akala ko kasi tulog na siya--- inantay ba niya ako?

"Hi, Carina."   Bati ng Apat na loko-loko.

Tipid na ngumiti lang sa kanila si Carina.

"Bakit gising ka pa?"   Yamot kong tanong.

"H-hindi po ako makatulog eh."

"Ha? Bakit dala ko bang higaan mo ha Carina?"  Bumaling ako sa Apat. "Pasok na kayo."   Aya ko sa mga ito.

"Hindi po pero nakakatakot po kasing matulog mag-isa dito kasi ang laki po ng Mansyon ni Tito Apollo." Katuwiran nito.

Tumikhim si Glenn ng makalapit sa amin.  "Hi Carina hindi ako lasing konte lang ang ininom ko kahit itanong mo pa sa kanila."  Turo nito sa Tatlo na agad na nagtungo sa mini Bar at nagbukas ng Alak na maiinum.

Ngumiti dito si Carina bagay na ikinainis ko.  "Matanda na po kayo Kuya Glenn kaya nasa inyo na po yan kung dadamihan nyo ang inom nyo o hindi."  Walang gatol ng sagot nito na ikinagulat ni Glenn kahit ako nagulat may pagkaprangka din pala ang isang to ah.

"BOOM Glenn! Sa iba mo na lang gamitin yang karisma mo mukhang walang talab sa Pamangkin ni Argus eh narinig namin yon Pare!"  Buska ni Daniel na ikinatawa naming lahat.

Natigilan ako ng magsalita si Carina. "Ipagtitimpla ko po muna kayo ng Kape Tito Argus."

Tumango lamang ako habang habol tingin naman si Glenn na halatang nasaktan sa sinabi ni Carina hindi niya expected na babarahin siya nito, well dapat lang dahil akin na siya sa ayaw at sa gusto niya.

"Hoy, kung pumunta na kaya kayo dito para masmasaya!" Mapang-asar na tawag sa amin ni Keith.

"Tara na."   Tapik ko sa Balikat ni Glenn.

Sabay kaming naglakad palapit ng mini Bar at pumuwesto ng upo ilang minuto pa at dumating si Carina may dala itong tray na naglalaman ng limang tasang Kape agad na lumapit dito si Glenn kinuha nito ang tray Mula kay Carina.

"Salamat po."  Sambit nito at ngumiti pa talaga siya! Humanda siya sa akin pag-alis ng mga mokong na 'to.

"Wow naman talaga ang nagagawa nga naman ng inlove hahamakin ang lahat mapansin lang kahit walang pag-asa!"  Muling buska ni Daniel.

"Wew. Inggit ka lang Pare."  Asar na sagot ni Glenn.

"Palapag na lang po dito sa counter yung tray Kuya Glenn."

"Okay sabi mo eh."   Ngiting wagi ang loko halatang nagpapalapad ng papel itong si Glenn kay Carina.

"Salamat po uli."

"Naku basta ikaw Carina walang problema."   Nag-blush pa ang loko ah.

"Oi bakit ka namumula Glenn? Hoy Bata pa yang si Carina noh umayos ka magugulpi ka ni Argus."  Tatawa tawang turan ni Daniel.

Nawala ang ngiti ni Carina ng makita nito ang reaksyon ko.   "Ummm--- aakyat na po ako Tito Argus. A-aalis pa po ba uli kayo?"

"Bakit?"

Tumingin muna ito sa paligid natatakot ba siya na baka may makita siyang multo?   "N-natatakot po kasi akong maiwan mag-isa dito eh."

Matagal kaming nagkatinginan ni Carina. Takot nga siya sa multo. "Hindi na ako aalis. Sige na matulog ka na."

"Talaga po!"  Masayang turan nito at sa gulat ko bigla ako nitong niyakap natahimik kaming lahat Lalo na si Glenn.   "Salamat po Tito Argus. Nakakatakot po kasi dito ang tahimik po masyado. Sige po akyat na po ako. Bukas ko na lang po ililigpit yan lahat Goodnight po."  Saka ito bumitaw at dali-daling daling umakyat sa taas.

"Ehem! Mukhang may Busted na agad kahit wala pang first move ah!" Tumawa ito pero wala sa amin ang nakitawa sa sinabi nito kaya kusa itong tumigil.

"Wala naman kasi sa hulog Keith." Komento ni Edward sabay higop ng mainit na Kape.  "Maganda si Carina ha, hindi kayo magkadugo diba Argus."

Sa pagkakataong ito naging seryoso bigla ang aura sa paligid.

Huminga ako ng malalim bago kumuha ng isang tasang Kape.  "Oo, bakit naman Pare?"  Balik kong tanong kay Edward ang masasabi kong Bestfriend ko.

"May spark kasi kayong Dalawa parang kayo ni Sofia dati bago mo nalaman na nagloloko pala siya."  Sagot nito.

"Wag mo nang ipaalala sa akin yung Babaeng yon for Formality na lang kaya kami nananatiling magkasama at alam niya yon, kung hindi lang ako pinaki-usapan nila Tito at Tita talagang 'who you' na lang siya sa akin."  Seryosong sagot ko kay Edward.

"Ed, naman wag mong ikumpara si Carina kay Sofia, maharot ang isang yon patago nga lang. Basta iba si Carina okay. Saka hindi naman ang mga gaya ni Carina ang tipo nitong si Argus diba Pare."   Nagkatinginan kami ni Glenn alam kong Babaero ito halos lahat naman sila pero ngayon ko lang ito nakitang interesado sa isang Babae, pano kaya kapag nalaman niyang nakuha ko na si Carina ano kayang magiging reaksyon nitong looking to?.

Hindi ko ito sinagot pero ngumisi ako saka ko hinigop ang tinimplang kape ni Carina tingin ko may dapat kaming pag-usapan mamaya.




Captiva Decus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon