Argus POV
Nakatanggap ako ng tawag mula sa hindi kilalang numero hindi ko na sana sasagutin ng sumagi sa isipan ko na baka may kinalaman ito kay Carina. Kinuha ko ang cellphone ko para sagutin ito.
“Hello?” Bunga ko.
“Sir Argus Montreal?”
“Ako nga.” Sagot ko.
“Dito po ito sa Condo ni Sir Glenn. Andito po siya kauuwi niya lang bale naka-hold po siya sa opisina ng building namin dahil sa reklamo nyo po. Maaari nyo na po siyang puntahan ngayon, Sir.”
Nabuhay ang dugo ko sa wakas makikita ko na rin si Carina! Tiyak na malaki na ang tiyan niya ngayon! Halos limang buwan ko din siyang walang tigil na hinanap pero talagang ni anino niya hindi ko makita ang galing magtago ni Glenn. Agad akong lumabas ng penthouse ko saka ako sumakay sa private elevator ko diretso sa basement parking lot ng Condominiums building na pagmamay-ari ko. Malalaki ang bawat hakbang na tinungo ko ang nakaparadang itim na Maybach pinindot ko ang remote key nito saka ito tumunog senyales na bukas na ito agad kong kinabig ang pinto ng drivers seat saka ako pumasok sa loob binuhay ko ang makina at pinahaharurot iyon palabas ng basement parking lot.
Hindi ko na muna tinawagan sina Kuya Apollo at Ate Amelia balak ko kasi silang surpresahin. Nanginginig ang mga kamay ko habang nagmamaneho hindi ko maisip kung paano ako magpapaliwanag kay Carina sa sandaling magkita na kami.
Hindi naman gaanong trapik kaya madali kong narating ang Condo ni Glenn. Agad akong sinalubong ng mga empleyado nito.
“Sir. Dito po tayo. Medyo nagwawala po si Sir Glenn kaya hindi po namin siya makausap ng maayos parang wala po kasi sa sarili.
“Why are you locking me here! It's against the law! Idedemanda ko kayong lahat!” Sigaw ng ahas kong kaibigan.
Rinig na rinig ko ang reklamo nito sa mga Staff ng Condo building niya tingin ko high na naman siya kaya ganito siya kagaspang ngayon.
Huminto kami sa saradong pinto. Hinawakan ng empleyadong sumalubong sa akin ang knob. Nilingon muna ako nito
“Sir. Advice ko lang po cool lang po kayo ha.” Paalala nito.
Tumango lang ako.
Tumikhim ito kaya bahagyang nangunot ang ulo ko.
“K-kasi Sir, ano— mag-isa lang po si Sir Glenn at may sugat po siya sa kamay p-parang kagat po ng tao eh.”
Umigting ang panga ko sa narinig. Kagat ng tao? Baka may ginawa siyang hindi maganda kay Carina! Sinubukan kong kalmahin ang sarili ko saka ako muling tumango.
Nagsisisigaw na naman si Glenn ngunit natahimik ito ng bumukas ang pinto at ako ang una nitong nabungaran.
“A-Argus? P-Pare?” Pilit itong ngumiti kahit halat sa tononnito ang pagkabalisa ng makita ako. Napansin ko ng itago nito ang kaliwang kamay tingin ko yun ang tinutukoy ng kasama ko na kinagat ng tao.
Humakbang ako papasok sa loob ng opisina. Umatras si Glenn.
Naningkit ang mga mata ko. “Mukhang kinakabahan ka ata.”
Pinalapad pa nito ang pagkakangiti talagang inaasar niya pa ako ng lagay na ‘yan!
“Ganun ba. Alam mo ba kung bakit ako narito ngayon?”
“Hindi. Bakit nga ba Pare?”
Hindi na ako nakapagpigil kaya tinabig ko ang mesang nakapagitan sa aming dalawa saka ko ito sinunggaban sa kwelyo nito at idiniin sa pader. Umawat ang.mga empleyado ng Condo ngunit agad din silang kumalas ng umangil ako.
“Nasaan si Carina? Nasaan ang mag-ina ko!?” Hasik ko habang matahang kong pinipiga ang leeg nito wala akong pakialam kung mam@tay pa siya ngayon sa hatapan ko ang mahalaga ay makuha ko ang mag-ina ko!
Pumasagpasag si Glenn pinilit nitong abutin ang mukha ko saka ako pilit na itinulak palayo sa kanya ngunit malas lang niya dahil wala akong balak bumitaw hanggat hindi niya ibinabalik sa akin si Carina!
“Saan mo tinago si Carina! Akala ko kaibigan kita! Sinungaling ka! H*yop ka! Nung araw na tinawagan kita para wag kunin si Carina nagsinungaling ka! Kasama mo na pala siya! Paano mong naatom.na itago siya sa akin! Buntis si Carina sa Anak namin! Nasaan si Carina! Saan mo siya tinatago!” Sigaw ko habang paulit-ulit ko itong binabalya sa pader.
“Sir! Tama na ho baka matuluyan nyo po ang kaibigan nyo! Tama na po Sir!”. Awat nito.
Tuluyan kong nabitawan si Glenn ng hilahin nila ako sa magkabilang braso. Pabagsak na lumagabog sa sahig ang traydor kong kaibigan saka ito habol hiningang umubo ng umubo.
Hinila naman ako palayo ng mga Staff na may hawak sa magkabilang braso ko. Pumagitna ang isa sa kanila.
“Sir naman huminahon po kayo. Hindi po malulutas ang problema kung ganyan po kayo.”
Nahimasmasan ako sa sinabi nito. Sunod-sunod ang mura ko pinakawalan ko ang galit ko sa kaibigan ko na matagal ko ng kinikimkim. Gusto ko siyang ibaon ng buhay sa lupa pero hindi ko pwedeng gawin dahil ayokong magdusa ang magiging Anak namin ni Carina kung sakaling makulong ako. Huminga ako ng malalim sako ko itouling tinanong.
“Nasaan si Carina?”
Itinaas ni Glenn ang mga kamay. “Nakita mo ba ito Pare?”. Tukoy nito sa nakabendang kamay. “Si Carina ang may gawa niyan. Kinagat niya ako! Pagkatapos ko siyang pakainin at patirahin ng libre sa pamahay ko nagawa niya akong kagatin! Tapos ikaw naman sinakal mo pa ako! Gusto mo bang malaman kung nasaan na siya!? Pwes hanapin mo na lang dahil tinakasan niya ako! Isang halik lang naman ang gusto pero ang Babaeng yon sinampal niya ako kaya nagalit ako—.”
“H*yop ka!” Muli ko itong sunugod saka ko dinakma ang kwelyo nito. “Pap*tayin kita! Kapag may nangyaring masama sa mag-ina ko isinumpa kong pap*tayin kita!”
“SIR TAMA NA PO! AWAT NA!” Muli na naman nila akong kinabig para makawala si Glenn sa mga kamay ko.
“Kaibigan kita Glenn! Paano mong nagawa sa akin ito! Pinalampas kita nung pinakialaman mo si Sofia dahil kaibigan kita! Pinahalagahan ko pa rin kung anong meron sa pagitan nating dalawa! Pero si Carina! Mapap*tay kita! Buntis siya at alam mo yan pero nasikmura mo soyang gawan ng hindi maganda! Alam kong gumagamit ka pero wag mo akong pwersahin na ako mismo ang maglalagay sayo sa kulungan! Tandaan mo ito simula sa araw na ito hindi na tayo magkakilala! Wag na wag ka ng magpapakita sa akin dahil ibabaon kita ng buhay!” Saka ko binawi ang mga braso ko mula sa pagkakahawak ng mga Staff dumiretso ako palabas ng pinto ng opisina baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya kung sakaling magtagal pa ako sa loob.
Saglit akong huminto sa lobby ng Condo building hindi ko alam kung saan ako magsisimulang maghanap kay Carina.
“Sir.”
Nilingon ko ito.
“Para po mapanatag kayo e dadalhin po namin si Sir Glenn sa Police Station para kung sakaling mahimasmasan na siya e makakausap nyo ho uli siya. Tungkol naman ho sa problema nyo eh sana po mahanap nyo na po yung mag-ina nyo.”
“Salamat ho. Siguro babalik na lang ako sa ibang araw para maka-usap siya.”
“Tama ho iyan Sir wag po kayong mawalan ng pag-asa makikita nyo rin yung hinahanap nyo.” Tinapik ako nito sa balikat bago ito tuluyang bumalik sa opisina kung saan nila hinold si Glenn.
Naglakad ako pabalik ng kotse ko. Anong silbi ng mga koneksyon ko at pera kung hindi ko mahahanap si Carina. Saglit akong natigilan sa gilid ng Sasakyan ko ginala ko ang mga mata ko hanggang mahagip ko ang CCTV camera na nakainstall sa bawat establisyemento na katabi ng Condo ni Glenn. May naisip na akong paraan kung paano ko malalaman kung saan dinala ni Glenn si Carina tiyak kong naroon siya.
Kinuha ko ang cellphone ko at nagdayal sa Assistant ko para kontakin lahat ng commercial building dito sa area na ito.
Malalaman ko rin kung nasaan ka. Hintay ka lang Carina.
BINABASA MO ANG
Captiva Decus
RomantikMagagawa mo bang mahalin ang taong alam mong kahit kailan ay hindi ka pinakitaan man lang ng pagpapahalaga? Paano kung bigla niyang yanigin ang Mundo mo? Anong gagawin mo? Uobra ba ang malaking agwat ng inyong mga edad? Susugal ka ba sa Bawal na P...
