TATLUMPO

570 20 0
                                        

Argus POV

Pinarada ko sa gilid ng kalsada ang Kotse ko wala akong ibang picture ni Carina kundi ang nasa cellphone ko lamang sana naman merong kahit isa man lang dito ang makapagbigay sa akin ng kahit anong impormasyon tungkol sa kanya hindi na ako mapakali kakaisip para na akong mababaliw!

Inisa-isa ko ang bawat nadadaanan kong  tao umaasang may nakakakilala kay Carina pero kahit isa sa kanila walang nakakita man lang sa kanya. Saan ako magsisimulang maghanap sa kanya?

Halos paubos na ang mga tao nagsisiuwian na ang iba nagulat ako ng huminto ang mga paa ko sa harapan ng isang Tindahan ng mga damit.

“Magandang gabi po. May nagustuhan po ba kayong desenyo?”  Tanong nito sa akin.

“H-ho?”

Ngumiti ito saka lumapit sa akin.  “Bweno baka kako may nagustuhan ho kayong bilhin sa mga paninda ko.”

Saka pumasok sa isipan ko ang tungkol kay Carina. Ipinakita ko sa kanya ang screen ng hawak kong cellphone.

“May nakita ko ba kayong Babae na ganito ang itsura?”  Kinakabahang tanong ko. Saglit na natahimik ang matandang babae maingat nitong sinuri ang larawan ni Carina bago umangat ang tingin sa mukha ko.

“Buntis ba ang Babaeng hinahanap mo?”

Nabuhayan ako ng loob sa wakas merong nakakakilala kay Carina!

“Opo Manang. B-buntis po siya sa Anak namin h-hindi ho soyang tagadito sa lugar na ito kaya ho hinahanap ko siya nagbabakasakaling may nakakita sa kanya.”  Pigil ko ang emosyon ko ayokong ipakita sa kaharap ko na mahina ako. Lalaki ako kaya dapat matatag ang loob ko.

Ngumiti ito habang nanatiling nakatitig sa akin.  “Alam mo ayos lang na umiyak paminsan-minsan.”

Doon na tumulo ang mga luha ko siguro si Carina ang kahinaan ko kaya ganito ako ngayon talagang gustong-gusto ko na siyang makita.

Nagpatuloy ito sa pagsasalita.  “Nakakabuti paminsan-minsan ang pag-iyak para gumaan ang dinadala natin.”  Bumuntong-hininga ito.   “Ganitong oras din nung bumili siya sa akin ng mga damit halata sa itsura niya na may tinatakasan siya kabado kasi siya naawa ako sa kanya kaya hindi ko na pinabayaran ang mga napili niyang damit isa pa ang akala niya nasa La Union siya tingin ko niloko siya ng taong tinatakasan niya. Hinatid ko siya sa sakayan ng Bus papuntang Maynila ang sabi kasi niya uuwi daw siya ng Leyte e walang biyahe diretso dun kaya pamaynila ang Bus na sinakyan niya.”

“S-salamat ho Manang.”  Walang humpay ang agos ng mga luha ko ramdam ko ang takot ni Carina base sa kwento nito. Kailangang makita ko na siya!

Tinapik ako nito sa balikat.  “Wala iyon. Basta kapag nakita mo na siya alagaan mo siyang mabuti at wag na wag mo na siyang hahayaang mawala sa paningin mo magandang bata siya at halatang mabait pa kaya kung sakaling ikaw ang Ama ng dinadala niya eg napakaswerte mo kasi nakahanap ka ng gaya niya.”

Sunod-sunod ang tango ko. Minabuti kong mag-iwan ng pabuya sa Matandang Babae tutal naituro naman niya kung nasaan si Carina. Tumanggi ito kaya nilapag ko na lamang sa Tindahan nito ang halata ng pabuya nito saka ako umalis.

Sa Leyte ako sunod na maghahanap sa mag-ina ko.

***

Carina's POV

Gabi na naman katatapos lang naming maghapunan kaya heto naggugupit muna ako ng tela pandagdag sa gagawin naming Basahan habang nagpapaantok na rin. Naiisip kaya nila ako? Si Mama kaya hinahanap ba niya ako? Sana oo gusto ko na din kasi siyang makita.

“O ang tahimik mo na naman diyan baka mapano si Baby niyan.”

Nilingon ko si Ninang saka ako nagpahid ng luha ko.  “Ah. Naggugupit lang po ako pampaantok po.”

“Naku ang inaanak ko nagsisinungaling pa sa akin parang hindi kita kilala ah. Alam mo sigurado naman akong hinahanap ka na ng Mama mo. Pwede ka namin ihatid dun sa kanya kung gusto mo.”

Sunod-sunod ang iling ko.  “Ayoko po kasi galit po sa akin si Mama. Sinira ko po kasi lahat ng pangarap niya para sa akin.”

Humakbang palapit sa kinauupuan ko si Ninang saka nito siniguradong naka-lock na ang gate ng Shop.  “Nagsisisi ka ba?”

Nagsisisi? Hinaplos ko ang tiyan ko saka ako sumagot.   “Mahal ko po ang Baby ko ganun din po ang Papa niya kaya wala po akong pinagsisisihan. Gusto ko lang po sanang humingi ng sorry kay Mama e.”

“Tama yan Carina. Yang Baby mong yan ang kayamanan mo nabuo man siya sa di inaasahang panahon lagi mo lang iisipin na ibinigay yan sayo ni Lord at siguradong si Amelia matutuwa yun sa oras na makita na niya ang Apo niya!”  Masayang wika ni Ninang.

“Sana nga po.”

“O siya kapag antok ka na pumasok ka na sa loob ha at bukas isasama kita mamimili kami ng ilang gamit sa shop gaya ng Car shampoo may kamahalan yun kaya talagang bina-budgetan namin alam mo naman yun diba saka para makapasyal ka din. Basta maaga tayo bukas ha.”

“Okay po. Maya-maya po ako matutulog tatapusin ko lang po muna ito.”

“Sige.”  Saka ito pumasok sa loob ng bahay.

Banayad kong hinaplos ang tiyan ko. Gustong kinaka-usap siya nawawala kasi ang lungkot ko sa tuwing ginagawa ko yon. “Anak. Mamamasyal tayo bukas excited ka na ba? Ilang buwan ding wala dito si Mama namiss ko din itong lugar na ito dito kasi ako pinanganak at dito din kita ipapanganak basta wag mong pahirapan si Mama ha.”

Tinapos ko ang paggugupit ko saka ko niligpit ang mga ginamit kong tela at gunting. Oras na para matulog.

***

Maaga akong nagising sinadya ko talaga para ako ang maghahanda ng pang-almusal naming tatlo nila Ninong at Ninang.  Kinuha ko ang tirang kanin sa loob ng ref magsasangag kasi ako. Nagpirito na rin ako ng itlog at tuyo.

“Wow ang bango naman niyan, Nak.” Bungad ni Ninong sa kusina.  “Naku ang aga mo namang gumising baka magkulang sa tulog si Baby ha. Ay siya nga pala malapit ka ng manganak ilang buwan na lang e may naisip ka na bang pangalan para sa kanya?”

“Meron po.”  Sagot ko habang binabaliktad ang mga pritong tuyo sa kawali.  “Atlas po.”

“Atlas. Wow tunog mayaman! Pero teka paano naman kung Babae si Baby? Pang lalaki kasi ang Atlas diba.”

Sinandok ko na ang mga tuyo at nilagay sa pinggan saka ko pinatay ang kalan.  “Atlas pa rin po Ninong para po unique.”

“Ganon. Sabagay astig kung sakaling babae ang Apo naming tatlo diba. Atlas aba bagay!”  May pamamalaking turan ni Ninong.

Napangiti ako kahit iniwan kami ni Papa di naman ako nagkulang ng pagmamahal ng isang Ama dahil kay Ninong siya ang nagtatangol sa akin sa tuwing may umaaway sa akin noong bata pa ako.

“O natulala ka ng bata ka? Halika na at mag-almusal ka na mamaya sasaluhan na tayo ng Ninang mo inaayos lang niya yung higaan namin eh.”

Umupo ako sa bakanteng upuan. Masaya ako sa kabila ng sitwasyon ko kahit paano hindi nila ako itinuring na ibang tao at habambuhay ko iyong tatanawin na utang na loob ko sa kanilang dalawa.

Captiva Decus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon