Carina's POV
Dalawang araw sin ang biniyahe ko sa wakas at naka-uwi na ako sa lupang sinilangan ko. Magkahalong tuwa at lungkot ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan ko ang pamilyar na tanawin mula sa bintana ng Bus. Dito sa lugar na ito ako nagka-isip at lumaki dito ako namulat sa reyalidad na hindi lahat ng tao ay mababait na laging nakahandang tumulong sayo dahil nang iwan kami ni Papa walang tumulong sa amin ni Mama maliban lang sa Ninong ko na may-ari ng maliit na Car-wash sa Bayan. Ramdam ko na naman ang pag-iinit ng magkabilang gilid ng mata ko kay minabuti kong humugot ng malalim na buntong hininga para kalmahin ang sarili ko.
Malayo pa ay tanaw ko na ang Nestor's Car wash. Inayos ko na ang strap ng bag sa balikat ko saka ko kinalabit si Manong driver.
“Dito na lang po ako.”
Tumango ito saka nito maingat na hininto ang Bus. Tumayo na ako para bumaba. Inalalayan ako ng ilan sa mga pasahero kaya nagpasalamat ako sa kanila.
“Okay ka na ba dito Ganda?” Nakangiting tanong ni Manong driver.
“Opo. Okay na po ako dito.”
Inayos muna nito ang manibela saka ito tumayo at bumaba ng Bus. “O heto kunin mo na maliit na halaga lang yan kaya pagpasensyahan mo na ha.”
Nanubig ang paningin ko hanggang sa di ko na napigilan ang mga luha ko. Tinanggap ko ang perang binigay nito kahit paano pandagdag ko din yon sa gastusin sa panganganak ko.
“S-salamat po. A-ang bait nyo po sa akin.” Piyok ko hanang sige ang singot ko.
“Ano ka ba sino pa bang magtutulungan diba tayo-tayo din. Okay wag ka ng umiyak. Kada weekend may biyahe ako dito sa lugar ninyo bale mag-aabot na lang ako sayo pinakatuling na rin.” Ngumiti ito. “M-may Anak din kasi akong Babae noon kaso nawala siya kasi hindi ko siya inintindi halos pareho kayo ng sitwasyon nabuntis siya ng Boyfriend niya saka iniwan tapos ako pinagtabuyan ko siya matagal bago ko natanggap ang sitwasyon ng Anak. Hinanap ko siya kaso nang makita ko na siya malamig na siyang bangkay sabi ng mga Doktor nalaglag daw ang dinadala ng Anak ko at hindi kinaya ni Jessica masyado pa kasi siyang bata hanggang hindi na huminga ang Anak ko. Nagsisisi akong hindi ko siya inunawa. Nung binanggit ka sa akin ni Anton yung Konduktor naalala ko bigla ang Anak ko.”
Naantig ako sa sinabi iyon ni Manong driver kaya sige ang tulo ng mga luha ko kaya wala ring humpay ang punas ko sa pisngi ko. Hindi ko akalaing ibang tao pa talaga ang magpapahalaga sa akin.
“S-salamat po uli. Manong.”
“O basta sa susunod na weekend dito mo ako aantayin ha para maabutan man lang kita kahit papaano. Isa pa siguradong magbabago din ang isip ng mgaagulang mo sa ngayon talagang magagalit pa sila pero pasasaan pa at huhupa din ang galit na iyon. O sige bibiyahe na kami medyo inip na din ang mga pasahero ko eh.” Paalam nito bago muling sumakay sa Bus.
“Salamat po!” Kaway ko sa papalayong Bus.
“Carina? Ikaw na ba yan?”
Agad ko itong nilingon. Si Ninang Luz ang Asawa ni Ninong Nestor ko. Gulat na gulat ito ng makita ang may kalakihan kong tiyan.
“A-anong— anong nangyari sayong bata ka?” May pag-aalalang tanong nito. Nanginginig pa ang mga kamay nito ng ikulong ako nito sa yakap.
“Ninang—.” Saka ako humagulhol ng iyak parang lahat ng sama ng loob ko natunaw dahil sa mahigpit na yakap nito. Bukod kay Mama si Ninang Luz lang ang talagang nagmamahal sa akin at si Ninong Nestor mga Best friend sila ni Mama simula mga bata pa sila kaya parang tunay na Anak na rin ang turi nila sa akin.
“Sssshhhh… ayos lang ang lahat okay. Wag ka na munang magsalita ha.” Humiwalay ito ng pagkakayakap sa akin saka kinulong sa mga palad nito ang mukha ko. “Andito kami ng Ninong mo ha. Welcome ka dito kahit anong oras alam mo yan diba.”
Sunod-sunod ang tango ko hindi ko kayang magsalita sige lang ako iyak at hagulhol.
“Matutuwa ang Ninong mo kapag nakita ka. Sarado ang Shop dahil nag-renew ng permit ngayon ang Ninong mo. Mamaya andito na din ‘yon. Halika sa loob para makapagpahinga ka muna at makakain na rin.”
Hawak kamay akong inalalayan ni Ninang Luz papasok ng bahay nila na nasa tabi lang ng Car wash. Inasikaso ako ni Ninang pinagtimpla niya ako ng mainit na gatas ar meron ding tinapay gaya dati magiliw ako nitong tinanggap sa tahanan nila ang swerte ko dahil sila ang kinuha ni Mama para maging pangalawang Magulang ko kahit noon pa hindi nila ako pinabayaan. Tahimik lamang akong nakaupo sa harap ng hapag kainan nila habang si Ninang nagtungo sa bakanteng kwarto nila para atusin iyon dahil dito na daw muna ako titira hanggat hindi pa kami nagkaka-ayos ni Mama.
Wala akong tinago kay Ninang lahat ng nangyari kwenento ko pati kung paano ako nabuntis ng nakababatang Kapatid ng Asawa ni Mama.
“Mahal mo ba siya?” Tanong ni Ninang ng matapos na ito sa pag-aayos sa gagamitin kong kwarto.
Tumango ako.
“Sabi mo pwenersa ka niya diba?”
Muli akong tumango habang sige lang ang kain ko ng tinapay pakiramdam ko kasi gutom na gutom ako kaya parang kulang pa sa akin ang kinakain ko ngayon.
“Gets ko na. Baka kasi na love at first sight ka sa Kapatid ng Amain mo kaya may Baby ka na ngayon. Tama ba ako?”
Nag-init ang mga pisngi ko nahihiya akong aminin kay Ninang na nagustuhan ko din ang mga nangyari sa amin ni Argus.
“Ayos lang ‘yan Carina. Ang swerte nyo nga dahil nakabuo agad kayo kahit panakaw-nakaw lang eh kami ng Ninong mo tumanda na lang ng ganito eh talagang hindi kami binibiyayaan ni Lord kaya wag kang mag-isip ng kung ano ha dahil yang Baby mo biyaya yan dahil mabait kang bata.”
Nahinto ako sa pagnguya saka ko tinitigan si Ninang. “Galit na galit po sa akin si Mama. T-tapos hindi po alam ni Argus na buntis ako eh. Ninang ayoko pong magaya sa akin ang Anak ko na lumaking walang Tatay. Ang hirap-hirap po lalo na kapag napagkakaisahan ako ng mga kaklase ko kahit mga tao sa paligid ko pinagkakatuwaan nila ako dahil wala akong Tatay ang sasakit po ng mga sinasabi nila pati si Mama nolalait nila kahit wala naman kaming ginagawang masama sa kanila.”
Muli akong niyakap ni Ninang. “Tama na. Kung sakaling hindi ka panindigan ng Lalaking gumawa sayo nyan eh andito naman kami ng Ninong mo ah palalakihin natin si Baby. Saka kung mahal ka nung Kapatid ng Amain mo hahanapin ka non kahit saang lupalop ka pa ng Mundo magpunta susundan ka non.”
“T-talaga po, N-Ninang?” Utal-utal kong sambit habang sige ang hikbi ko.
“Oo. Talagang-talaga.” Pagpapalakas nito sa loob ko.
Nakarinig kami ng ugong ng makina ng Sasakyan tingin ko si Ninong Nestor na iyon. Natigilan itp pagpasok sa pinto ng bahay ng makita ako na nakaupo sa hapag kainan habang yakap ni Ninang. Napako ang tingin ni Ninong sa tiyan ko pero walang itong sinabi sa halip ay lumapit ito sa akin saka ako hinagkan sa noo.
“Welcome home Carina.”
Yun lang at muli na naman akong humagulhol ng iyak tingin ko hindi na ata mauubos ang mga luha ko. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil binigyan niya ako ng mga taong nakahandang dumamay sa akin kahit hindi ko sila kadugo. Alam kong mahal ako ni Mama at nasasaktan lang siya sa mga nangyari at sa naging resulta— nabuntis ako sa di inaasahang pagkakataon at sa Kapatid pa ng Amain ko.
BINABASA MO ANG
Captiva Decus
RomanceMagagawa mo bang mahalin ang taong alam mong kahit kailan ay hindi ka pinakitaan man lang ng pagpapahalaga? Paano kung bigla niyang yanigin ang Mundo mo? Anong gagawin mo? Uobra ba ang malaking agwat ng inyong mga edad? Susugal ka ba sa Bawal na P...
