DALAWANPUT-ANIM

955 26 0
                                        

Carina's POV

Umaga na ng marating ko ang Maynila agad akong nag-panic baka kasi makita ako dito ni Glenn pero ipinaliwanag ng Konduktor sa akin na pagbaba ko ng Terminal ay sasakay pa uli ako ng Bus na biyaheng Leyte kaya habagya akong nakampante. Binaling ko ang pansin ko sa labas ng bintana ng Bus may napansin akong malaki at malapad na gusali tingin ko yun na ata ang sinasabing Terminal ng Konduktor.

“PITX.”  Basa ko sa malaking letra sa itaas na bahagi ng gusali. Umikot ang sinasakyan kong Bus hanggang makapasok sa loob non.

Maingat akong tumayo ng huminto ang Bus. Isa-isang nagbabaan ang mga kapwa ko pasahero. Nahihiya akong magtanong sa kanila kung saan ako dapat sumakay para marating ko ang Leyte.

Nakababa na ako ng Bus ng mahagip ng tingin ko ang kausap kong Konduktor kanina mukha itong mabait kaya minabuti kong sa kanya lumapit para magpatulong.

“M-mawalang galang lang po, Kuya.”  Kiming pasintabi ko para balingan ako nito ng pansin habang abala ito sa pagtulong sa ibang pasahero.

“O, may maitutulong ba ako sayo Miss?”  Nakangiting tanong nito.

Tumango ako.  “Magpapatulong lang po sana ako kung saan po ako pwedeng sumakay ng biyahe papuntang Leyte. H-hindi ko po kasi alam.”

Ramdam ko na naaawa ito sa akin matagal niya akong tinitigan saka ngumiti.   “Halika isasakay kita sa Bus. May ticket ka na ba?”

“Ticket po?” 

“Oo, kasi biyaheng probinsya na iyon.”  Sagot nito.

“G-ganon po ba? Wala pa po eh. Saan po pwedeng makabili non?”  Kinuha ko ang wallet ko sa bulsa ng suot kong bestida saka ko binilang ang laman nito bago alo.muling tumingala kay Kuya.  “M-magkano po yung ticket?”

Nagkibit-balikat ito.  “Tara. Doon tayo sa Bus na iyon. Sagot ko na ang ticket mo.”

Napaluha ako sa narinig ko si Kuya ang pangalawang tao na nagmagandang loob sa akin. 

“S-salamat po.”  Habang sige ang punas ko ng mukha ko na basang-basa na ng luha ko.

“Wala yon. Halika sunod ka sa akin.”

Nauna itong naglakad at humalo sa mga tao habang ako tahimik na nakasunod lamang. Huminto si Kuya sa tapat ng isang Bus na may nakalagay ng karatulang Leyte. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko magkahalong tuwa at lungkot. Tuwa dahil nakatakas ako kay Glenn at lungkot dahil uuwi akong mag-isa unang beses ko itong mamumuhay na malayo si Mama sa akin. Gusto kong bumalik sa Mansyon pero natatakot ako kay Mama baka kung ano pang gawin niya sa akin kapag nakita niya ang mabilog kong tiyan. Si Argus kaya? Alam kaya niya na nasa Cagayan ako? O baka talagang doon ako dinala ni Glenn para hindi kami magkita ng kaibigan niya siguro may dahilan ang lahat ng kabaitang ipinakita sa akin ni Glenn. Kahit noon pa man ramdam kong may gusto siya sa akin ang kaso nga lang hindi ko kayang dayain ang damdamin ko talagang si Tito Argus ang isinisigaw ng puso ko kahit hanggang ngayon mahal na mahal ko pa rin walang nagbago sa nararamdaman ko kung sakaling andito siya tiyak na hindi yon papayag na madala ako ni Glenn at lalong magagalit yon kapag nalaman niyang pinagtangkaan akong g@hasain ng kaibigan niya. Alam na kaya niyang buntis ako? Limang buwan na ang tiyan ko. Matutuwa kaya siya kapag nakita niya ako sa ganitong itsura o babalewalain na niya ako kasi medyo tumaba na ako bawal kasi sa buntis ang nagugutom.

Para akong nahimasmasan ng may tumapik sa kanang balikat ko. Bahagya pa akong napaatras buti na lang at maagap akong hinawakan ni Kuya sa braso kung hindi baka natumba na ako.

“Miss. Ayos ka lang? Baka may masakit sayo? Kanina ka pa kasi namin pinapaakyat ng Bus kasi mamaya aalis na e nakatulala ka kaya tinapik na kita. Okay ka lang ba?”  Nag-aalalang turan nito saka ko napansin ang mga tao sa paligid namin na halos lahat na sa akin ang tingin bakas ko ang awa sa mga mata nila parang nakikisimpatya sila sa akin lalo at may kalakihan na ang tiyan ko.

“S-sorry po Kuya.”  Kinapitan ko ng mahigpit ang dala kong bag saka ako marahang naglakad.

“Wala yon. O dahan-dahan ha.”  Paalala nito.

Inalalayan ako ni Kuya hanggang maka-upo sa loob ng Bus nasa likuran lang ako ng Driver. Inayos ko ng pagkakapatong sa mga hita ko ang bag ko saka ako nagpasalamat.

“Salamat po Kuya.”

“Naku. Wala yon. Heto na ang ticket mo ha saka nagbilin na rin ako sa Driver na alalayannka lalo na kapag nasa stop-over kayo para kumain bawal magutom ang mga buntis eh.”

“Oo. Kaya kung may kailangan ka.magsabi ka lang ha. Teka heto isinama na kita sa pagbili ko ng mamemeryenda meron na ring mineral dyan. Maya-maya aalis na tayo.”

Nanginginig pa ang mga kamay ko ng kunin ko ang ibinibigay nitong plastik na naglalaman ng mga pagkain at inumin alam kong gusto nila akong tulungan halatang-halata naman kasi sa itsura ko ang tunay kong sitwasyon. Awang-awa ako sa sarili ko pero wala naman akong magagawa kundi tanggapin ang pagmamagandang loob nila.

Muling bumuhos ang mga luha ko niyakap ko ang binigay nitong plastik na akala mo nakasalalay doon ang buhay ko.  Ilang araw din ang biyahe kayaalaking tipid sa akin ang kawang-gawa nila.   “S-salamat po ng marami tatanawin ko pong malaking utang na loob ito— s-salamat po talaga.”

“Hay naku. Pinaiyak mo si Ganda. Ikaw talaga Martinez!”  Biro ni Kuya Konduktor sa Driver ng Bus na maghahatid sa akin sa Leyte.

Tumawa ito.  “Basta wag kang mahiya sa akin ha Ganda. Tawagin mo na lang akong Kuya Ray. Kapag may kailangan ka magsabi ka lang dito lang naman ako sa harapan mo eh.”

“Opo. Opo.”. Sunod-sunod ang tango ko.

Nagpaalam na sa akin si Kuya Konduktor saka ito bumaba ng Bus aandar na kasi kami. Huminga ako ng malalim babalik na ako sa lugar na pinanggalingan ko marahan kong hinaplos ang tiyan ko lalaban ako para sa Anak ko kahit natatakot akong manganak mag-isa kakayanin ko. Iluluwal ko siya sa Mundo kahit ako lang magiging maayos kaming mag-ina. Ngayon ko naramdaman ang pagod ko sumandal ako sa malambot na upuan ng Bus habang nakatanaw sa labas ng bintana. Ming gumuhit ang mainit na likido sa pisngi ko hinayaan kong tumulo ang mga luha ko para pagdating ko sa Leyte ubos na ang mga luha ko. Hindi na ako iiyak magiging matapang ako gaya ni Mama— si Mama. Sunod-sunod ang pagbagsak ng mga luha ko ng maisip ko si Mama sinayang ko ang lahat ng sakripisyo niya dahil sa isang Lalake. Sana pagdating ng tamang panahon magawa man lang ni Mama na tanggapin ang magiging Apo niya. Sana—.

Captiva Decus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon