DALAWANGPO

570 25 0
                                        

Carina's POV

Tinuon ko ang oras ko sa pag-aaral gusto kong makapagtapos gaya ng pangarap para sa akin ni Mama kaya kahit mahirap ang mga lesson ko kesa dati e talagang sinisikap kong maipasa ang bawat subject ko ni hindi ko namalayan ang paglipas ng bawat oras, araw, linggo hanggang sa naging buwan simula ng nagpaalam sa aki si Tito Argus na pupuntang Amerika para asikasuhin ang isa sa mga Hotel nila doon na nagkaroon ng problema. Napalingon ako sa kalendaryo April. 1 na pala napangiti ako dahil naka-isang buwan na pala kami ni Tito Argus ano kayang pwede kong iregalo sa kanya? Tatayo na sana ako para markahan ang kalendaryong nakasabit sa gilid ng kama ko ng bigla akong makaramdam ng pagkahilo buti na lamang at nakahawak ako sa study table ko kaya hindi ako natumba nanlalamig din ang pakiramdam ko ilang beses ko din itong naramdaman kaso binalewala ko lang baka kasi stress lang dahil sa school kaso parang palala ata ng pala o baka naninibago lang ako sa mundong ginagalawan ko ngayon lalo na sa school ko dahil malamig sa loob ng classroom namin.

Huminga ako ng malaim saka muling bumalik sa pagkaka-upo sa upuan isinandal ko ang likod ko talagang hilong-hilo ako. Kinuha ko ang cellphone sa ibabaw ng mesa ko saka ako nagtext sa numero ni Tito Argus para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko ngayon ilang minuto din akong nag-antay ng reply nito ngunit talagang wala gaya ng mga nauna kong text sa kanya kahit tawag ko hindi niya sinasagot nakaramdam ako ng lungkot baka iniiwasan na niya ako dahil ayaw na niya sa akin maraming magagandang babae sa Amerika baka nakahanap na siya ng ipapalit sa akin. Nagsimula na akong umiyak ng bumukas ang pinto ng kwarto ko.

“Anak? Bakit? M-may problema ka ba?” Nag-aalalang tanong nito saka ito lumapit sa akin at dinama ng likod ng palad nito ang noo ko.  “Wala ka na namang lagnat ah. Ay naandiyan nga pala sa baba si Glenn yung kaibigan ng Tito Argus mo ipinaalam ka niya sa akin na ipapasyal ka daw niya kasi yung last time daw na pumunta siya dito e hindi daw pumayag ang Tito mo kaya sa akin na siya mismo dumeretso.”

Nag-angat ako ng tingin ka Mama talagang umiikot ang paningin ko.

“Ayos ka lang ba Anak?”

Hindi ko na kaya pa. Naramdaman ko na lamang ang pagbagsak ko sa sahig  kasabay ng malakas na sigaw ni Mama. Talagang nahihilo ako. Bumigat ang talukap ng mga mata ko gusto kong makita  si Tito Argus. Namiss ko na siya…

***

Glenn’s POV

Narinig ko ang malakas na sigaw ng Mama ni Carina kaya walang sabi-sabing tinakbo ko ang pinanggalingan nito hanggang marating ako sa bukas na pinto ng kwarto pumasok ako doon tumambad sa akin ang nakahigang anyo ni Carina na halatang nawalan ng malay.

“A-ano pong nangyari?!”

“Glenn! Pakiusap tulungan mo ako dalhin natin ang Anak ko sa Ospital! W-wala dito si Apollo! Ang Anak ko!”  Dama ko ang hinagpis nito alam kong takot na takot ito lalo at namumutla si Carina.

Agad kong nilapitan ang mag-ina saka ko binuhat si Carina nagmamadali kaming lumabas ng kwarto sunalubong naman kami agad ng ilan sa mga kasambahay nila nagbilin sa mga ito ang Mama ni Carina na dadalhin namin ng Ospital ang Anak. Halos takbuhin ko ang kotse ko binalot ako ng kaba lalo at putlang-putla ito.

Pinauna kong pumasok si Ate Amelia saka ko maingat na hiniga si Carina sa backseat.

“Wag kang mag-alala Ate, magiging maayos si Carina.”  Pagpapalakas ko ng loob nito kahit kabado talaga ako. Tinapakan ko agad ang silinyador at pinatakbo ang kotse ko sa pinakamalapit na Ospital.

***

Carina's POV

Marahan kong minulat ang mga mata ko bahagya akong nabahala ng kulay puting kisame ang agad na bumungad sa akin medyo kinabahan ako kaya nilingon ang paligid ng kwartong kinalalagyan ko nagulat pa ako ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Mama kita ko ang galit sa mukha nito ng maglakad siya palapit sa akin.

Captiva Decus Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon