Carina's POV
Huminto kami sa tapat ng isang building siguro ito na yung sinasabing Condo ni Glenn.
“Andito na tayo. Asa 6th floor ang Unit ko.” Nauna ito bumaba para pagbuksan ako ng pinto. Inalalayan niya ako palabas ng kotse.
“S-salamat.”
“It's nothing. Ummm kukunin ko muna sa likod yung mga maleta mo. Saglit lang.”
May narinig akong tumunog kaya nilingon ko si Glenn. Ngumiti ito sa akin at kinuha ang cellphone saka iyon sinagot hindi ko kilala kung sinong kausap niya pero tingin ko hindi maganda ang tinatakbo ng usapan nila kita naman sa kilay ni Glenn na kulang na lang eh magdikit sa sobrang lapit. Napansin nitong nakatingin ako sa kanya kaya ngumiti ito at bahagyang lumayo. Sino kayang kausap niya?
Pinutol nito ang tawag saka bumaling sa akin. “Ummm get inside the car.”
“Ha? Kababa ko lang saka diba dito ako tutuloy sa Condo unit mo?” Protesta ko sa biglang pagbabago ng isip nito.
“Yeah sinabi ko nga iyon. Nawala sa isip ko na ngayon nga pala ang uwi ng pinsan ko dito sa Pinas at sa Condo ko soya tutuloy.” Nakangiting saad nito.
“Ganun ba. K-kung ganun pala hahanap na lang ako ng pwede kong matuluyan. S-salamat sayo Glenn.” Humakbang na ako papuntang likod na bahagi ng kotse para kunin ang mga gamit ko ng pigilan ako nito.
“No, Carina. Look pwede naman kita dahil sa isa sa mga Rest house namin saka siguradong dun mas mag-e-enjoy ka kasi malawak ang pwede mong galaan dun kasi probinsya. Ano okay lang ba sayo?”
Nawala ang mga agam-agam ko ng marinig ko ang sinabi nito sa totoo lang wala akong alam na maaari kong puntahan dito sa Maynila.
“Ano okay lang ba sayo na doon kita dadalhin ngayon. Carina?” Pukaw na tanong sa malalim kong pag-iisip.
“Ah. S-sige. Ayos lang sa akin. Kapag kaya ko na hahanap ako ng trabaho para mabayaran ko ang pagmamagandang loob mo sa akin, Glenn.”
Tumawa ito pero halatang pilit iyon. “Nevermind Carina. Alam mo namang gusto kita diba kaya kung ano ang sa akin e sayo na din at sa Baby mo.”
Hindi ako nakasagot para kasing may kung ano sa sinabing iyon ni Glenn bahagya akong nakaramdam ng kaba ngunit hindi ako nagpahalata sabagay malalaman ko naman agad kung may gagawin siyang hindi ko magugustuhan. Hindi na rin naman ako ang dating Carina na masyadong bago sa lahat kahit paano may mga natutunan naman ako habang kasama ko si Tito Argus.
“B-Baby namin ni Argus.” Paglilinaw ko.
Nawala ang ngiti nito saka naging pormal ang ekspresyon nito. “Okay. Baby nyo nga pala iyan ni Argus. Sorry. Pero if ever na hindi ka niya— alam mo na andito naman ako eh willing to wait.”
“Uuwi siya para sa amin. Ummm alam ba ni Argus kung saan yung Rest house nyo?”
Agad itong tumango. “Oo naman. Sa La Union tayo pupunta.”
“La Union.” Ulit ko.
“Oo kaya pumasok ka na sa loob ng kotse kasi malayo ang byahe natin.”
Sinunod ko ang sinabi nito. Pumasok ako sa loob ng kotse pagdating doon tatawagan ko na lang si Argus para alam niya kung nasaan ako at sasabihin ko sa kanyang magiging Tatay na siya sana naman matuwa siya.
***
Glenn's POV
Sorry Carina pero hindi na kita ipapakita pa kay Argus kung makita ka man niya o di talagang para kayo sa isa't-isa pero kung hindi it only means na para ka sa akin naunahan lang ako ng lokong yun!
Mahaba ang biyahe kaya umorder na lang ako sa drive-thru ng Jollibee para makakain siya at ang Baby. Ngayon alam ko na kung bakit ang init ng ulo sa akin ni Argus kasi kursunada pala niya ang Anak ng Asawa ng Kuya niya. Bilib dun ako sa kanya talagang nagawa niyang bakuran si Carina at heto nga nabuntis pa niya ang lupeth din ng isang ‘yon.
“Inaantok ka ba?” Tanong ko habang nasa kalsada ang tingin ko.
“M-medyo ang dami ko kasing nakain.”
“Pwede ka namang matulog tapos gigisingin na lang kita kapag andun na tayo sa Rest house. Teka merong Ministop may gusto ka bang bilhin?”
Hinunto ko ang kotse sa gilid ng gasoline station ako na lamang ang lumabas para bumili ng ilang mineral water at makakain mas maganda ng marami akong stock ng pagkain sa backseat lalo at may kasama akong buntis mabilis pa naman silang magutom. Kumuha ako ng ilang balot ng tinapay at mainit na siopao saka mga juice. Bumalik din ako agad sa kotse ng mabayaran ko ang mga pinamili ko napangiti pa ako ng makita ko si Carina na kumaway sa akin ang sarap sa pakiramdam sana akin na lang siya.
“Akala ko ba inaantok ka?” Tanong ko ng buksan ko ang pinto ng backseat para doon ilagay ang mga pinamili ko hindi nakaligtas sa paningin ko ang lunok laway na tingin ni Carina sa hawak kong mainit na siopao.
“Anong gusto mo, Asado o Bola-bola?”
Nahihiya akong tinitigan ni Carina. “M-meron ding para sa akin?”
“Oo naman diba sabi ko sayo ako na munang bahala sa inyo ni Baby mo habang wala sa sa Pinas si Argus.”
Tumango ito. Mukhang nakuha ko ata ang tiwala niya. “Hindi pa ako nakakatikim niyan Glenn. Ano bang masmasarap sa dalawa?”
Sinarado ko ang pinto ng backseat saka ako nagtungo sa gawi ng drivers seat binuksan ko ang pinto saka ako pumasok nilock ko ang pinto mahirap ng masalisihan ng mga magnanakaw.
“Sayo na lang itong Asado saka may sauce yan masarap yan kainin habang mainit pa.”
“Salamat, Glenn. Ang bait mo naman sa akin.” May hatid na kakaibang kilig ang paraan ng pagkakabanggit nito ng salitang iyon talagang gusto ko si Carina ibang-iba siya sa mga Babaeng nakilala ko. Siguro yun din ang nakita sa kanya ni Argus kaya nung makakita siya ng pagkakataon eh talagang sinunggaban na niya. Paano kung hindi ako nag padala sa pang babakod ni Argus kay Carina magiging kami siguro. Hindi naman mahirap pakisamahan si Carina napakasimple nga lang niya walang arte sa katawan at marunong sa gawaing bahay.
Pagkatapos naming kumain umpisa na naman ng mahabang byahe namin ilalayo ko siya sa Lalaking ‘yon. Nakatulog din sa wakas si Carina kaya iniba ko ang plano sa halip na sa La Union ay sa Cagayan ko siya dadalhin hindi alam ng Argus na may nabili akong property sa lugar na iyon kaya siguradong hinding-hindi niya makukuha sa akin si Carina.
Huminto muna ako sa gilid ng kalsada saka ako nagtipa ng mensahe para sa Assistant kong si Jacob ibibilin ko muna sa kanya ang kumpanya at kung may maghahanap sa akin bahala na siyang gumawa ng rason kung nasaan ako at lalong hindi naman niya talaga alam kung nasaan ako. Gusto kong makasama ko si Carina ayos lang kahit hindi sa akin ang bata ang mahalaga tanggap ko naman at ako ang kikilalanin niyang Ama.
Pinagmamasdan ko ang maamong mukha ni Carina para siyang anghel na bumaba sa lupa kahit tulog aiya hindi maitatago ang natural nitong ganda.
“Sorry pero sa pagkakataong ito ako naman ang subukan mong mahalin.”
BINABASA MO ANG
Captiva Decus
RomanceMagagawa mo bang mahalin ang taong alam mong kahit kailan ay hindi ka pinakitaan man lang ng pagpapahalaga? Paano kung bigla niyang yanigin ang Mundo mo? Anong gagawin mo? Uobra ba ang malaking agwat ng inyong mga edad? Susugal ka ba sa Bawal na P...