Argus' POV
Halos paliparin ko ang kotseng minamaneho ko para lang makarating agad sa Mansyon ni Kuya Apollo nag-aalala ako kay Carina at sa dinadala niya hindi ko akalaing makakabuo kami. Lumabo ang paningin ko saka ko namalayang tumulo na pala ang luha ko wow first time kong umiyak. Nadutdot ko ang busina ng sasakyan ko ng maipit ako sa l*ntik na trapik. Sunod-sunod ang ginawa kong busina kaya may ibang motorista ang sinigawan ako ang iba kinatok pa talaga ang bintana ng kotse ko. Tinapakan ko ang gas pedal ng magsimula ng umusad ang mga sasakyan na nasa unahan ko nilagpasan ko ang mga ito.
Sige ang pahid ko sa mga luha ko naiisip ko si Carina tiyak na takot na takot siya lalo na kay Ate Amelia. Binilisan ko pa ang pagmamaneho gusto ko ng makita ang mag-ina ko. Nagsisisi ako kung bakit hindi ko sinisilip man lang ang cellphone ko masyado akong naging apektado sa problema ng Hotel kaya napabayaan ko si Carina at ang magiging Anak namin.
***
Hindi ko na inantay pa na pagbuksan ako ng gate nagmamadali akong bumaba ng kotse ko saka ko patakbong pumasok sa service gate iniwan ko sa labas ng bakuran ng Mansyon ang kotse ko.
“CARINA!” Tawag ko pagkapasok na pagkapasok sa ko sa loob ng Mansyon pero walang lumabas na Carina kaya muli kong sinigaw ang pangalan nito.
“Sir Argus. W-wala na po dito si Miss Carina.” Turan ng isa sa Kasambahay ni Kuya.
Nagdilim ang paningin ko sa narinig hindi ako makapaniwalang talagang hinayaan nga nilang isama ni Glenn si Carina!
“Anong ginagawa mo dito sa pamamahay ko! Ang kapal din naman ng mukha mo! Pagkatapos mong galawin ang Anak ko talagang may lakas ka pa ng loob na magpakita dito!” Singhal ni Ate Amelia habang nasa dulong itaas na bahagi ng hagdan matalim ako nitong tinitigan. “Sinira mo ang kinabukasan ng Anak ko!”
Dumating si Kuya nagulat pa ito ng makita ako ngunit agad ding bumaling sa Asawa saka ito pinuntahan.
“Tama na Amelia. Andito na ang kapatid ko wala na rin tayong magagawa dahil andyan na ‘yan isa pa sigurado naman akong pananagutan ni Argus si Carina. Pag-usapan na lang natin ito kawawa naman yung Bata isa pa Anak mo ‘yon dapat inuunawa mo siya.” Mahabang paliwanag ni Kuya.
Tinapunan ito ni Ate Amelia ng matalim na tingin. “Nasasabi mo lang yon dahil wala ka sa sitwasyon ko! Dahil hindi mo naranasang magutom at maghirap! Hindi mo naranasang pandirigan at pagtawanan ng mga tao! Ipinanganak ka kasi mayaman habang ako mahirap! Iniwan ako ng Tatay ni Carina at kailangan kong kumayod para sa aming dalawa! Lahat ginawa ko hindi ba't isa sa mga parokyano ko sa Club kaya alam mong katawan ko ang kapalit ng kakarampot na perang inuuwi ko para kay Carina sa Anak ko! Nagpakasal ako sayo dahil alam kong mabibigyan mo ng magandang kinabukasan ang Anak ko pero hindi ko akalaing ang.magiging kapalit non! Kinuha lang naman ng kapatid mo ang puri ng Anak ko! Sana naiintindihan mo din ako!” Sigaw nito.
“Naiintindihan naman kita Amelia ang sa akin lang ay seryoso naman ang kapatid ko sa Anak mo. Hindi siya uuwi dito sa pilipinas kung balewala lang si Carina sa kanya. Sana naman kumalman ka muna yon lang ang hinihingi ko sayo. Kung anuman ang naranasan mo dati dagil sa Tatay ni Carina sana kalimutan mo na iyon dahil nandito na ako para alagaan ka at ang Anak mo.”
Yumugyog ang mga balikat ni Ate Amelia kaya kinabig ito ni Kuya palapit sa kanya at kinulong sa mga braso nito. “Tahan na. Magiging maayos din ang lahat. Ang importante ay ang matanggap mo muna si Argus at Carina tingin ko naman may damdamin din ang Anak mo sa Kapatid ko.”
Nilingon ako ni Ate Amelia. “Kung talagang mahal mo nga ang Anak ko mahahanap mo siya at kapag nahanap mo na siya hindi na ako tututol sa relasyon ninyo. P-pero wag na wag mong sasaktan ang Anak ko dahil babawiin ko siya sayo!”
Para akong nabunutan ng tinik sa sinabing iyon ni Ate Amelia. Lumuwag ang kaninang naninikip kong dibdib sa wakas hindi na namin kailangang ilihim ang relasyon naming dalawa!
Pinilit kong hindi tumulo ang mga luha ko pero talagang malaya silang umagos gaya kanina lalo na kapag sumasagi sa isip ko na nagbunga ang mga sandaling pinagsaluhan namin ni Carina. Pinahid ko ng dalawang kamay ko ang mga luha ko saka ko tiningala sila Kuya Apollo at Ate Amelia.
“S-salamat, Ate. Makaka-asa kang hindi ko sasaktan si Carina. M-mahal ko siya. Sorry kung pinakialaman ko siya talagang hindi ko lang napigilan ang sarili ko pero wala akong pinagsisisihan sa lahat ng nangyari dahil mahal ko siya at ang magiging Baby namin. K-kukunin ko siya at iuuwi dito sa Mansyon ako na ang magpapaaral sa kanya. Salamat talaga, Ate.”
Isang tango lamang ang isinagot nito. Bumaling ako kay Kuya. Tumango rin ito kaya nagpaalam na ako. Pupuntahan ko pa si Glenn para kunin ang mag-ina ko!
***
Muli akong sumakay sa kotse ko saka iyon pinaharurot. Alam ko kung saan pwedeng dalhin ni Glenn si Carina kaya iisa-isahin ko ang mga lugar na pagmamay-ari niya kahit nagmagandang loob pa siyang tumulong talagang patitikimin ko siya ng kamao ko! Hindi niya dapat binitbit ang mag-ina ko! Anong akala niya sa kanila mga tuta na pwede niyang kunin at dalhin kung saan niya pwedeng dalhin! Hindi ko din naman masisisi si Ate Amelia sa naging desisyon niya, Ina siya at normal lang na galit siya sa nangyari sa kaisa-isa niyang Anak. Ako lang ang dapat sisihin kung bakit nasa ganitong sitwasyon ngayon si Carina.
Nasa high way na ako papunta sa Condo ni Glenn ng maalala kong binigyan ko nga pala ng cellphone si Carina kaya dali-dali kong kinuha ang phone ko para silipin kung may mga text o tawag ito.
“Sh*t!” Bulalas ko ng makita lahat ng text messages nito ganun din ang mga missed call nito. Kinabig ko sa tabi ng kalsada ang kotse ko tingin ko kailangan ko munang huminto saka ko isa-isang binasa ang mga text ni Carina. Umapaw na naman ang mga luha ko sa dami ng text niya pero ni isa wala akong sinagot ganun din ang mga tawag niya.
“St*pid!” Kastigo ko sa sarili ko masyado akong naging abala sa pag-ayos sa negosyo namin kaya nawala sa isip ko si Carina siguro natatakot na siya ngayon. Binasa ko ang pinakahuli niyang mensahe.
Carina (Received)
Musta ka na Argus? Masama na naman pakiramdam ko. Nahihilo na naman ako eh.Kagat-labi kong dinala sa kaliwa kong dibdib ang hawak kong cellphone saka ako umiyak napakawala kong kwentang Boyfriend hindi ko siya naprotektahan! Wala ako sa tabi niya kung kailan niya ako higit na kailangan!
Ilang minuto ko ring inulit-ulit na basahin ang mga text ni Carina bago ko dinayal ang numero nito kaso bigo ako dahil si Ate Amelia ang sumagot at gaya ng inaasahan ko umiyak ito ng umiyak alam siguro niyang hindi ko pa kasama ang Anak niya kaya minabuti ko na lamang na ibaba ang tawag ko saka ko muling binuhay ang makina ng sasakyan ko.
Nagtungo ako sa Condo ni Glenn ang kaso walang tao doon nakipag matigasan pa ako sa mga empleyado ng Condominiums at para matahimik ako ipinakita nila sa akin ang mga CCTV footage nahagip nun ang sasakyan ni Glenn na huminto at mula doon ay bumaba si Carina. Muling tumulo ang mga luha ko ng makita kong muli ang mukha niya. Nakunan din nun ang oras na tumawag ako kay Glenn para sabihing uuwi ako ng Pilipinas kaya wag na wag siyang magtatangka na kunin ang mag-ina kaso binaba lang nito ang tawag ko ngayon alam ko na kung bakit dahil kasama na niya si Carina! Kitang-kita ko ang muling pagpasok nila ng Kotse saka ito umandar palayo. Naikuyom ko ang mga kamao ko saan kaya niya dadalhin ang mag-ina ko! Humanda siya sa akin! Talagang itatago niya si Carina at ang Anak namin! Susuyurin ko lahat ng lugar na pwede niyang puntahan at sisiguraduhin kong manghihiram siya ng mukha sa aso!
“S-sir. Okay lang po ba kayo?”. Tanong ng isa sa mga Security ng Condo Building.
Napansin ata nito ang aura ko parang gusto kong pum*tay ng tao ngayon at si Glenn yun!
Marahan akong tumango.
“Yes. I'm alright. Just notify if he comes back. I need to get my Girl.” Nanghihinang usal ko.
“Okay po, Sir. Irereport ko po ito sa Head office namin para magawan po ng aksyon para malalutang po si Sir Glenn kung saka-sakali po pero hindi po ako nangangako sa inyo ha.”
Muli akong tumango. “Okay. Sige. Salamat.”
Bigo akong lumabas ng opisina ng Security Staff ng Condo pero hindi ako susuko! Hahanapin ko si Carina at iuuwe ko sila ng Anak ko!
BINABASA MO ANG
Captiva Decus
RomansaMagagawa mo bang mahalin ang taong alam mong kahit kailan ay hindi ka pinakitaan man lang ng pagpapahalaga? Paano kung bigla niyang yanigin ang Mundo mo? Anong gagawin mo? Uobra ba ang malaking agwat ng inyong mga edad? Susugal ka ba sa Bawal na P...