Glenn's POV
Ginising ko si Carina. Bahagya itong umunat bago nagmulat ng mga matamedyo nagulat pa siya ng makita ako kaya di sinasadyang naitulak niya ako. Lumagabog ako pabalik ng driver's seat.
“Aray—.” Pikit mata kong daing ng tumama sa pinto ang ulo ko.
“Naku! S-sorry Glenn! Hindi ko sinasadya!” Habol nito sabay kabig sa kaliwang braso ko. “Sorry.”
Napatitig ako sa kamay nito na nasa braso ko kakaiba sa pakiramdam ang init ng palad nito saka ako bumaling sa maganda niyang mukha naroon ang pag-aalala nito sa nangyari.
“Sorry. Glenn.” Kagat-labing ulit nito na sinabayan pa ng pisil sa braso ko.
Mahina akong tumawa hinawakan ko ang kamay nito. “It's nothing hindi naman ako nasaktan andito na kasi tayo kaya ginising kita. Ummm natakot ka ba at mukha ko ang nakita mo hindi mukha ni Argus.”
Bahagyang natigilan si Carina nangingilid na naman ang mga luha niya kaya minabuti ko ng lumabas ng Kotse para pagbuksan ito ng pinto.
Umikot ako sa passengers seat. “Baba ka na. Dahan-dahan lang ha. Kukunin ko muna yung mga maleta mo sa likod ng kotse.”
Nilahad ko ang kanang kamay ko kaso hindi naman ako pinansin ni Carina mag-isa itong lumabas ng passengers seat. Manghang iginala nito ang paningin sa buong paligid nag-aagaw na kasi ang liwanag at dilim kaya medyo dramatic ang kalangitan na bumagay sa lugar.
Abala ako sa pagkuha ng mga gamit niya ng magsalita siya. “Ang ganda pala dito sa La Union.”
Nakaramdam ako ng sundot ng konsensya dahil wala naman kami sa La Union gaya ng pagkakaalam niya. Maganda ng umiwas ako sa presensya ni Argus kaya dito ko siya dinala sa Cagayan sa bagong bili ko ang property. Sigurado naman akong malilibang siya habang naandito.
Tumikhim ako. “Ammm oo maganda nga dito kaya binili ko itong lugar na ito alam mo na para dagdag sa koleksyon ko ng Bahay Bakasyunan kapag ummm nagkapamilya na ako in the future.”
Nilingon niya ako saka ngumiti. “Wow ang swerte naman pala ng mapapangasawa mo kasi may plano ka na para future nyo.”
Ramdam ko ang lungkot sa tinig ni Carina kung alam lang niya na siya ang gusto ko baka sakaling mawala ang bigat ng dinadala niya ngayon na problema ang kaso mukhang si Argus ang laman ng puso at isipan niya. Nahihinayang ako sa pagkakataon ngayon alam ko na kung bakit ganun na lang ang reaksyon ng taong yun sa tuwing nilalapitan ko si Carina kasi gusto niyang siya ang dadali hindi ibang lalaki kahit kailan talagang matinik sa babaeng ang kaibigan kong iyon kaso minalas lang siya kay Sofia. Maganda at sopistikada si Sofia galing pa sa mayamang angkan ang kaso hindi na siya inosente na gaya ni Carina. Magaling nga siya sa kama pero iba pa din ang walang muwang sa kamunduhan. Isang beses ko lang naman tinikman si Sofia kaya nagkalamat ng konti ang pagkakaibigan namin ni Argus. High ako non ng bumisita mismo ang Girlfriend niya sa Condo ko para lang sabihin sa akin na nag-iinit siya syempre palay na ang lumalapit tatanggihan ko pa ba.
Uming ako para matigil ang pag-iisip ko tungkol sa nakaraan. Bitbit ko ang dalawang maleta ni Carina ng lumapit ako sa kanya
“Let's go inside.” Aya ko.
Nauna akong maglakad habang tahimik lamang na nakasunod si Carina sa likuran ko. Nilapag ko sa veranda ang mga hawak ko para kunin ang susi sa loob ngnbulsa ng suot kong pantalon saka ko sinusian ang pinto. Marahan ko iyong tinulak para bumukas. Humakbang ako sa gilid para bigyang daan si Carina.
“Pasok na feel at home ha.” Nakangiting turan ko kita ko ang paghanga sa mga mata ni Carina habang pinagmamasdan ang kabuuan ng Villa. “Halika sunod ka sa akin dun sa taas, lima ang kwarto dito sa Villa bale isang Masters bedroom at apat na guestroom meron na ding mga banyo un kaso joint bathroom yun meaning kailangan mong i-lock yung parehing pinto mula sa loob kasi tagusan yun papunta sa kabila pang kwarto.”
“Ah.” Tanging sagot ni Carina habang nakasunod sa akin.
“Okay we're here.” Saka ko binuksan ang pinto gamit ang susing dala ko. “Ito ang magiging kwarto mo at yun naman ang sa akin.” Turo ko sa pinto ng Masters bedroom.
Sinilip muna nito ang loob ng kwarto bago humakbang sa loob huminto ito sa gitna saka imikot paharap sa akin.
“A-ang laki naman ata nito para sa akin, Glenn.”
Napangiti ako gustong-gusto ko sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ko. Sana ako na lang ang Ama ng dinadala niya. Isang tango lamang ang sinagot ko sa kanya.
“Ummm. Salamat. K-kapag pamilyar na ako sa lugar hahanap ako ng trabaho para hindi ako maging pabigat sa'yo.”
Pumasok na din ako sa loob ng kwarto. Nilapag ko malapit sa Cabinet ang dalawang maleta saka ko binigay kay Carina ang susi ng kwarto niya ganun din ang susi ng front door ng Villa.
“Hindi ka pabigat sa akin. Ako ang nag-alok ng tulong kaya walang kaso sa akon kung ako ang gagastos sa lahat ng pangangailangan mo habang nandito ka sa poder ko.” Saad ko habang nakatitig sa mga mata niya.
“Salamat uli. Ummm may balita ka ba kay Argus? Kasi simula ng umalis siya kahit isa sa tawag at text ko hindi siya sumasagot n-nag-aalala na kasi ako. K-kung meron lang naman.”
Si Argus pa rin ang iniisip niya kahit na pinabayaan siya ng isang yon!
Napakamot ako sa batok ko. “Ah, wala eh pero tingin ko naman pupuntahan ka non dito sa La Union kapag nakabalik na siya sa ngayon— bale magpahinga ka muna dyan habang ako bibili muna ng panghapuna natin wala kasi akong stock ng groceries dito. Okay lang ba kung maiwan muna kita dito saglit?”
“I-la-lock ko na lang yung pinto pag-alis mo.”
Tumalikod na ako. “No need. Ako na lang ang mag-la-lock just take some rest okay.”
“S-sige.”
“Lock this door.” Kinabig ko pasara ang pinto. Humakbang lamang ako palayo ng marinig ako pag-click ng safety lock.mula sa loob ng kwarto.
***
Carina's POV
Ginawa ko ang sinabi ni Glenn na i-lock ang pinto. Muli kong pinagmasdan ang loob ng kwartong tutuluyan ko simula sa araw na ito ang ganda ng disenyo ng at mukhang malambot din ang kama. Lumapit ako sa mga maleta ko tingin ko dapat umpisahan ko ng iayos ang mga damit ko sa Cabinet mukhang magtatagal ata ako dito gaya ng sabi ni Glenn pupuntahan naman daw ako dito ni Argus— sana lang hindi niya ako nakalimutan. Hindi pa nga pala niya alam na buntis ako!
Hinanap ko ang cellphone na binigay sa akin ni Argus ngunit ganun na lamang ang panlulumo dahil wala ito sa loob ng maletang dala ko bala kinuha ni Mama.
Napaupo ako sa sahig saka ako tahimik na lumuha habang hinahaplos ko ang tiyan ko.
“Anak sorry kung sige ang iyak ni Mama ha. Namimiss ko na kasi ang Papa mo. Tingin mo hahanapin ba niya tayong dalawa? Sana ‘oo’ g-gusto ko kasing mabuo tayo ayokong magaya ka sa akin na lumaking walang Tatay. D-dito.muna tayo titira sa kaibigan ng Papa mo wala kasi akong trabaho at lalong wala akong kamag-anak kundi ang Lola mo lang kaso galit pa siya sa akin. Sana maging maayos ang lahat pagbalik ng Papa mo.”
BINABASA MO ANG
Captiva Decus
Roman d'amourMagagawa mo bang mahalin ang taong alam mong kahit kailan ay hindi ka pinakitaan man lang ng pagpapahalaga? Paano kung bigla niyang yanigin ang Mundo mo? Anong gagawin mo? Uobra ba ang malaking agwat ng inyong mga edad? Susugal ka ba sa Bawal na P...