Argus POV
Muli akong umupo sa mesa ko hindi ko maialis sa direksyon ng mesa ni Carina ang tingin ko lalo at nakadikit na naman sa kanya si Glenn. Mahina kong nahampas ang mesang kina-uupuan ko buti na lamang at medyo maingay kaya hindi gaanong dinig ang nilikha nitong tunog.
Hindi ko na matiis pa ang eksenang nakikita ko kaya minabuti ko na lang na tumayo at lumabas ng Venue. Magpapahangin muna ako pampawala ng asar!
Nahagip ng tingin ko si Sofia may kasama na itong Lalake at tingin ko uuwe na sila o magpapakama na naman siya paki ko matagal na kaming tapos. Lalo lang nag-init ang ulo ko naalala ko na naman ang mga nangyari bago kami naghiwalay ng tuluyan.
"What the f*ck is this?!" Bungad ko ng mabuksan ko ang pinto ng Kuwarto namin ni Sofia may kasama siyang Lalake at hindi lang Isa kundi Apat they're doing the gangb*ng!
"Argus!" Gulat na gulat pa ito habang hindi magkandatuto kung paano tatakpan ang hubad niyang Katawan. "I-I can explain---."
"Explain? What? How you cheated on me Sofia?!" Binalingan ko ng masama tingin ang Apat na Lalake na tingin ko ay sarap na sarap sa Babaeng mapapangasawa ko habang ako babad na babad sa pagtatrabaho para sa Kumpanya at para sa Future naming Dalawa.
Luhaang umiling iling si Sofia. "N-no Argus--- just let me exp---." Hindi ko na ito pinatapos pa tumalikod ako at humakbang palabas ng Condo Unit na kinuha ko para sa aming Dalawa.
"Argus! Please hear me out----please." Yakap nito sa likod ko na naghinto ng hakbang ko.
Huminga ako nang malalim. "One minute. You have only one minute to defend yourself."
Humikbi ito. "I-I'm sick--- h-hindi ko kayang pigilan ang sarili ko Argus! Kahit ayaw ko hindi ko kaya! Iniwan mo ko dito sa Pilipinas mag-isa hindi ako susumpungin kung andito ka lang sa tabi ko!"
Marahas kong tinabig ang mga braso nitong nakayakap sa bewang ko. "And your saying na kasalanan ko pa kung bakit ka naghanap nang iba! Look Sofia umalis ako dahil sa Trabaho ko dahil kailangan ako ng Kumpanya para sa atin lahat ng ginagawa ko tinigil ko ang pambababae ko nung naging tayo. Why? Kasi Mahal kita! Look we are not getting any younger at gusto ko nang magkapamilya pero sinira mong lahat!"
Muli akong humakbang palapit sa pinto naabot ko na ang doorknob ng muling magsalita si Sofia.
"I'm Nymphomaniac, Argus. Sorry I really am. Please don't leave me I love you with all my heart c-can we start again." Pagmamaka-awa nito.
Nilingon ko ito. "Wala nang tayo Sofia. Hindi ko ugaling pinapagamit sa iba ang mga pag-aari ko alam mo yan." Binuksan ko ang pinto at lumabas ng Unit namin. Hindi na nagawa pang humabol ni Sofia.
Mahirap tanggapin ang Sitwasyon lalo at mga kapwa niya Modelo ang mga Lalakeng kumakama sa kanya. Pinagtatawanan nila ako habang pinagsasawa nila ang mga sarili nila sa Katawan ng Girlfriend ko sa tuwing wala ako!
Mahal ko si Sofia kaya nasaktan ako ng husto sa nadatnan ko at sa mismong Kuwarto pa namin. Wala na ngang kami pero nananatili pa rin kami sa tabi ng isa't isa dahil Business partner ko ang Papa niya for Formality na lang ang Relasyon namin malaya niyang nagagawa ang mga gusto niyang gawin hinahayaan ko na lamang siya.
Muli akong bumalik sa loob. Nagpaalam na ang mga Bagong Kasal para sa kanilang Honeymoon. Naiwan ang ibang bisita ang iba naman nagpasya na ding umalis. Sinipat ko ang kinaroroonan ni Carina mukhang namomorblema na naman siya kung paano siya makaka-uwe Sige ang tingin nito sa paligid sino naman kayang hinahanap nito e nasa harap naman niya si Glenn. Natigilan ako ng magtama ang mga tingin namin ni Carina ramdam ko ang pagkabog ng dibdib ko, ilang sigundo lang niya akong tinitigan bago ito nagbaba ng tingin at yumuko na para bang nahihiya.
"Let's go. Ihahatid na kita sa inyo." Dinig kong presenta ni Glenn ng makalapit ako sa puwesto nilang Dalawa.
Hindi umimik si Carina.
Muli itong inalok ni Glenn na ihahatid pero hindi ito umimik. Tingin ko tinandaan niya ang bilin ko kanina. Good girl. Napangisi ako.
"You're here." Pukaw ko sa Dalawa. Nag-angat ng mukha si Carina kaya binigyan ko ito ng matalim na tingin kita ko ang rumehistrong takot sa mukha nito. "Uuwe na tayo."
Nilingon ako ni Glenn. "Uy, Pare. Ummm isasabay mo na siya?" Lumingon ito sa paligid. "Paano naman si Sofia?"
Tumaas ang isang kilay ko sa tanong nito parang nananadya. Akala siguro nito e hahayaan ko na siyang makuha si Carina ng ganon ganon na lang alam ko naman na naikama na rin niya si Sofia kahit hindi nila aminin hindi naman ako Tanga para hindi yon mapansin.
Ngumisi ako. "May kasama na siyang maghahatid sa kanya. Akala ko ba Ikaw ang nakatoka sa kanya ngayon? Wow ha dumadami na pala kayong mga fling ni Sofia congrats."
Tumikhim ito.v "Naku, Carina wag mong bigyan yon ng masamang kahulugan ha. Girlfriend kasi ni Argus yon kaya close din kami dahil Pare ko itong si Argus eh." Paliwanag nito.
Nagpapalit-palit ng tingin sa amin si Carina. "H-hindi naman po ako tsismosa para makialam sa Buhay ng iba." Seryosong sagot nito na nagpahinto ng pekeng tawa ni Glenn. Pahiya ang loko.
"Tumayo ka na diyan Carina uuwe na tayo." Utos ko saka ako humakbang alam ko naman na susunod ito sa akin.
"Okay. See you around na lang Carina and nice meeting you." Pahabol ni Glenn.
"Salamat po pala. Sige po." Dinig kong sagot ni Carina kay Glenn.
Konte na ang mga tao nag-uwian na din ang iba, medyo tahimik na ang paligid kaya rinig na rinig ko ang malutong na tunog ng suot na heels ni Carina nagmamadali ito sa paghakbang kaya binagalan ko ang lakad ko nakalimutan kong maliit na Babae nga pala siya ibig sabihin maliit din ang bawat hakbang na kaya niyang gawin.
Buti at madaling makuha sa tingin itong isang ito mukhang magkakasundo kami.

BINABASA MO ANG
Captiva Decus
RomanceMagagawa mo bang mahalin ang taong alam mong kahit kailan ay hindi ka pinakitaan man lang ng pagpapahalaga? Paano kung bigla niyang yanigin ang Mundo mo? Anong gagawin mo? Uobra ba ang malaking agwat ng inyong mga edad? Susugal ka ba sa Bawal na P...