Argus' POV
Nagtatawanan kami sa joke ni Daniel at ni Keith ng umeksena si Glenn. "Gusto ko si Carina, Pare."
"Ha? Teka joke ba yon?" Nakangising tanong ni Keith.
Siniko naman ito ni Daniel. "Wala ka talaga sa hulog." Saad nito bago muling nagsalin ng Alak sa hawak na baso.
Hindi na ako sumagot at lalong hindi ako natawa sa sinabi nito. Pinagmasdan ko lamang si Glenn, magiging kakompetensya ko ba siya kay Carina?
"Gusto mo?" Tumikhim si Edward. "Alam mo Pare, Bata pa si Carina parang nasa teens pa lang kung titignan mo e Ikaw? saka parang Tatay ka na niya."
Nagsalin din ito ng Alak sa baso. "Age doesn't matter naman diba saka tinamaan ako eh." Tinuro pa nito ang kaliwang dibdib.
"Asus ang corny mo Glenn! Ganyan ba ma-inlove ang Babaero bumabaduy ang mga linyahan ha!" Tatawa-tawang saad ni Keith habang ako seryosong naka-upo lamang at nakikinig ayoko ng tinatakbo ng usapan kaya wala akong ganang makigulo pa sa kanila.
"Argus. Pare." Binalingan ko ito ng tingin. "May Boyfriend na ba si Carina?"
"Aba, mukhang seryosohan na talaga ito ha, don't tell me na Kasal mo naman ang susunod kong pupuntahan Glenn." Banat ni Daniel.
Huminga ako ng malalim saka sumandal sa single couch na kina-uupuan ko. "Hindi ko alam, bakit hindi mo na lang siya tanungin saka kilalanin mo muna siya bago mo landiin mayayari ka kay Kuya kapag ginaya mo lang si Carina sa mga Babae mo isa pa paano na si Sofia."
"Hindi ko siya igagaya sa iba Pare at hindi naman kami ni Sofia. Tingin ko tinamaan ako kay Carina." Nakangiti pa ang loko! Ayos ah aagawin pa niya sa akin si Carina pagkatapos niyang pagsawaan ang ex ko!
"Ayos ka lang ba Argus?" Nagkatinginan kami ni Edward isang tango lang ang isinagot ko dito bago ko muling binalingan si Glenn. Gaya ko galing din ito sa may kayang Pamilya at matikas din ito meron din itong angking kaguwapuhan na natural lang naman sa mga gaya namin kung talagang liligawan niya ng seryosohan si Carina magiging tagilid ako pero who cares hanggang Kama ko lang naman si Carina!
"Patutunayan kong seryoso ako sa Pamangkin mo." Dagdag pa ni Glenn. "Simple lang si Carina gaya ng hinahanap ko sa isang Babae kapag naging kami lahat kayo invited sa Kasal namin!"
"Hoy!" Bato ni Keith ng throw pillows kay Glenn. "Kasal agad? Wala ka pa ngang the moves yon talaga agad e mukhang hindi ka sasagutin nang isang yon eh. Sa Ganda at Bata non Pare tiyak na hindi ka papansin non!"
Natawa ako sa Banat na yon ni Keith. Kaso mukhang pursigido ang loko na mapasagot si Carina--- well let's see akin lang si Carina sisiguraduhin kong walang ibang Lalake ang makakahawak sa kanya kahit Kaibigan ko pa. Sabay lagok ko ng hawak kong baso na may lamang Alak.
"Argus bukas liligawan ko na si Carina. Baka pwedeng maging tulay kita para mapasagot ko siya agad." Pangungumbinsi nito.
Sensya na Glenn baka ilaglag pa kita sa tulay! Sabay tawa ko sa kalokohang naisip ko.
"Anong nakakatawa?" Tanong nito.
"Naku. Naku baka lasing na si Argus ang mabuti pa eh umuwe na tayo medyo nakakadami na din ako mahirap na baka mahuli pa tayo ng Pulis makuha pa lisensya natin." Tumayo na si Edward. "Kayo hindi pa ba kayo sasabay?"
Tumayo na din ang Tatlo para umuwe. Hinatid ko ang mga ito sa labas para pagbuksan ng Gate.
Kanya-kanya pa talaga sila ng busina bago lumabas ng Gate.
Si Glenn ang pinakahuling lumabas. Huminto ito sa harap ko at sumilip sa bintana ng Kotse niya. "Basta bukas Pare babalik ako."
"Bahala ka." Walang gana kong sagot.
"Okay!" Saka nito pinaandar ang Kotse.
Isinara ko na ang Gate tahimik akong naglakad pabalik sa loob ng Mansyon. Tinanaw ko muna ang bintana ng Kuwarto ni Carina nakapatay ang mga ilaw sanay pala siyang matulog ng madilim. Napangiti ako.
***
Carina's POV
Nagising ako dahil may naramdaman akong parang may humalik sa pisngi ko. Nanlaki ang mga mata ko ng masiguro kong meron nga akong kasama sa loob ng Kuwarto ko! Agad akong nag-panic kailangang maka-isip ako ng gagawin baka kung ano pang mangyari sa akin! Ramdam ko ang mainit nitong hininga sa batok ko at ang mainit nitong Katawan sa likod ko teka ibig bang sabihin nakahiga din itong Lalakeng to sa Kama ko?!
Bahagya pa itong umungol kaya kinilabutan ako. Agad akong bumangon sabay sampal ng malakas sa mukha nito bahala na kung saan tumama ang palad ko basta ang mahalaga nasampal ko ito at buong lakas ko itong itinulak para mahulog sa Kama ko! Malakas na kalabog ang sunod kong narinig pati isang malutong na mura sa takot ko nagmamadali akong bumangon tinakbo ang pinto. Hindi ko magawang buksan ang pinto siguro dahil sa nagmamadali ako. Dinig kong bumangon ito at naglakad mukhang palapit na siya sa akin kaya sumigaw ako ng pagkalakas-lakas!
"T-TITO ARGUS! TULONG PO PLEASE! MAY LALAKE PO SA KUWARTO KO!" Sigaw ko.
"Ah. Talaga ba Carina?" Pamilyar sa akin ang boses na yon. Natigilan ako kasunod non ang pagtunog ng switch ng ilaw ng Kuwarto ko. Hawak nito ang parte ng mukha na tinamaan ng sampal ko. Napakagat labi ako dahil pulang-pula yon.
"Tito Argus?" Takang tanong ko.
"Ako nga sino pa ba sa akala mo! Ang sakit ng sampal mo ha di ka pa nakontento talagang nilaglag mo ko sa Kama mo."
Nahihiyang napakamot ako sa ulo ko. "Sorry po akala ko po kasi kung sino na eh saka naka-lock po yung pinto ng Kuwarto ko kaya hindi ko po inaasahang makakapasok kayo."
"Wow naman." Tumalikod ito sa akin saka naglakad pabalik sa Kama ko at humiga. "Natural may susi ako ng lahat ng pinto dito kahit yang banyo mo meron din ako kaso di ko na babalakin pang bosohan ka ang sakit eh matatanggal ata pangga ko." Pabagsak itong humiga sa Kama ko. "Dito ako matutulog ngayong gabi."
"O-okay po." Pinagmasdan ko si Tito Argus ang haba niya talaga. Napahawak ako sa dibdib ko parang biglang nawala ang kaba ko ng malaman kong si Tito Argus lang pala ang Lalakeng katabi ko kanina sa Kama. "Ikukuha ko po kayo ng yelo pampawala po ng paga."
"Humiga ka na lang dito." Tapik nito sa bakanteng pwesto ng Kama ko. Sinunod ko na lamang ang gusto nito tahimik akong humiga patalikod sa kanya saka ko niyakap ang isang unan pinilit kong pumikit kaso hindi na ata ako inaantok eh nilingon ko si Tito Argus mukhang nakatulog na siya unti-unti akong lumapit sa kanya saka ko inunan ang ulo ko sa dibdib nito. Tingin ko gusto ko si Tito Argus pero alam kong bawal kasi mag-asawa na ang Mama ko at si Tito Apollo at alam kong pampalipas Oras lang ako nito. Aminado ako sa sarili ko na unang beses ko pa lang nakita si Tito Argus talagang humanga na ako sa kanya ng husto tapos may nangyari pa sa amin.
Nag-angat ako ng tingin sa mukha nito. "Wag kang mag-alala hindi malalaman nila Mama ang nangyari sa atin, Tito Argus." Saka ko ito hinagkan sa labi kahit alam kong hindi ito tutugon.
Baka ito na nga ang tinatawag nilang Love? Masaya pala kapag nakaramdam ka na ng Love. Ipinikit ko na din ang mga mata ko kailangang maaga akong gumising bukas para ipaghanda si Tito ng Almusal at may mga liligpitin pa ako sa baba.
BINABASA MO ANG
Captiva Decus
RomantikMagagawa mo bang mahalin ang taong alam mong kahit kailan ay hindi ka pinakitaan man lang ng pagpapahalaga? Paano kung bigla niyang yanigin ang Mundo mo? Anong gagawin mo? Uobra ba ang malaking agwat ng inyong mga edad? Susugal ka ba sa Bawal na P...
