Argus POV
Sinundan ko ang mga ito hanggang makapasok ng Venue dumeretso si Carina sa Mama niya na halatang umiiyak agad nitong niyakap ang Anak talaga palang matindi ang bonding nilang mag-ina. Lalapit na sana ako nang umeksena si Glenn may dala na itong Plato na naglalaman ng pagkain kita ko ang gulat ni Carina ng makita iyon pero agad din namang napalitan ng tuwa. Hinagkan ni Ate Amelia ang Anak saka umupo si Carina sa isang mesa na nakalaan para sa kanya kabuntot si Glenn na ngiting-ngiti!
"Babe. Are you okay?" malambing na tanong ni Sofia sabay kapit sa braso ko.
Nilingon ko ito saka ako tumango.
"Gusto mo na bang umalis?"
"Hindi pa tapos ang Okasyon, Sofia. Kung gusto mo nang umuwe you can go it's my Brother's Wedding." Iniwan ko itong nakatulala hindi na kami in a good terms at alam niya ang dahilan kung bakit kaya hindi niya ako masisisi kung bakit ganito ako ngayon sa kanya. Sayang ang Tatlong taon na ginugol ko sa Relasyon namin. Kahit kailan talaga ang mga Babae hindi marunong makontento sa kung anong meron sila.
Kumuha ako ng isang shot ng Wine ng may dumaan ng Waiter saka ako umupo sa bakanteng mesa kung saan tanaw na tanaw ko si Carina at Glenn ewan ko ba kung bakit naaasar ako basta ang alam ko hindi ko nagugustuhan ang nakikita ko ngayon, inubos ko ang laman ng hawak kong Wine glass saka ako nagtawag pa ng Waiter para sa Isa pang-shot buti at hindi na lumapit pa sa akin si Sofia alam niyang masama ako kapag wala sa mood. Naaasiwa ako sa tuwing nginingitian ni Carina si Glenn.
Nag-umpisa ang program tinawag ng MC sina Kuya at ang Asawa nito para tumayo sa gitna.
"Okay! Alam nyo na ba kung ano ang gagawin natin?!" Bibong tanong ng Baklang MC naghiyawan ang mga kababaihan hindi naman halatang excited sila.
"Ayun oh! Alam na alam ng mga Girls! Kaso yung mga Dalaga lang yung pwedeng sumali kaya doon sa mga Misis na eh better luck next life na lang po, charot na maharot!" Tili pa nito sa hawak na mic kaya nagtawanan ang mga tao. Nilagok ko pa ang laman ng hawak kong Wine glass ng makita kong tumayo si Carina at humalo sa ibang mga Babae na pumuwesto sa gitna.
"O ayan na ang mga naggagandahang Dalaga natin gaya ng Bride natin ngayon na ubod ng Ganda! At dahil Araw niya ngayon siya ang Reyna!". Muling nagtawanan ang mga tao.
"Nakapuwesto na ba ang lahat? Walang tulakan at balyahan ha alalahanin niyong naka-gown at dress kayo nakakahiya sa mga Pogi dito kayo din." Tumawa na naman ang mga ito.
Tumalikod na si Ate Amelia para ihagis ang hawak niyang bouquet.
"Wait lang po Madame wag excited sa paghagis baka ako ang makasalo, charot! I will count po muna ha."
Tumango tango si Ate Amelia habang naghanda na sa pagsalo ang mga Babae.
"Okay ihagis na yan!" Mabilis na sambit ng Baklang MC kaya agad na lumipad sa ere ang Bulaklak na hawak ni Ate Amelia. Sinundan kong maige kung kanino babagsak ang Bulaklak kaso hindi ko gaanong makita kung sino ang nakasalo.
"Mama! Nakuha ko po ang Bulaklak nyo!" Tuwang tuwang sambit ni Carina habang nakataas pa ang kamay nito na may hawak sa Bulaklak.
"Wow! Ang Ganda naman ng Anak ni Madame manang mana sa Ina. Halika dito Beh kasi si Sir naman ang maghahagis kaso syempre kailangan munang kunin ni Sir ang garter sa makinis na legs ni Madame!" Naitakip ko ang mga kamay ko sa taenga ko sa lakas ng hiyawan ng mga bisita habang titig na titig ako kay Carina na namumula sa hiya sa sinabing iyon ng MC.
Umupo na si Ate Amelia sa upuan na nakapuwesto sa gitna dumagundong ang kantyawan at hiyawan ng mga tao lalo na nang ipasok na ni Kuya ang mga kamay sa laylayan ng gown ng Misis niya para kunin ang garter.
BINABASA MO ANG
Captiva Decus
RomanceMagagawa mo bang mahalin ang taong alam mong kahit kailan ay hindi ka pinakitaan man lang ng pagpapahalaga? Paano kung bigla niyang yanigin ang Mundo mo? Anong gagawin mo? Uobra ba ang malaking agwat ng inyong mga edad? Susugal ka ba sa Bawal na P...
