KABANATA 1

707 15 1
                                    

Karen's POV

Napabalikwas ako ng bangon ng may humila sa buhok ko saka ako hinatak kaya bumagsak ako sa sahig ng Guest Room namin.

"Ahas ka Karen!"   Galit na sigaw ng Ate Katrina saka niya walang pakundangan na hinila ang mahaba kong buhok napahiyaw ako sa sakit non naroon din sina Mama at Papa na halatang dismayado sa akin.

"Tama na, Kat!"   Awat ni Mama saka siya pumagitna sa amin ni Ate.

Mahigpit kong hinawakan ang kumot na tanging takip ko sa katawan.

"What the?!"   Singhal ni Kuya Macus ng magising siya.

Bumaling sa kanya si Ate Katrina. "Masarap ba ang Kapatid ko ha!"  Saka  pinaulanan ng sampal at suntok si Kuya Marcus kaya umawat si Papa.

Gulong-gulo si Kuya Macus sa mga pangyayari saka niya ako matalim na tinitigan kita ko sa mga mata niya ang pandidiri sa akin.

"Wala akong maalala ang natatandaan ko lang ay nalasing ako yun lang yon, Babe."  Itinakip niya sa bewang ang isa pang kumot saka tumayo para lapitan si Ate Katrina kaso tumakbo palabas ng Guest room si Ate.

Humarang si Papa ng akmang hahabulin ni Kuya Marcus si Ate. "Tama na. Pakakasalan mo ang Anak kong si Karen dahil nagalaw mo na siya sa ayaw at sa gusto mo!"  Mariin ang bawat bigkas ni Papa ng mga salita saka ako tinitigan. "Ikaw naman ni hindi mo na inisip ang Ate mo nakakahiya ka tumayo ka diyan at ayusin mo ang sarili mo kahit kailan puro sakit lang ng ulo ang hatid mo sa amin ng Mama mo!"

Marahan akong tumayo saka ako iika-ikang lumabas ng Guest room. Nagtungo ako sa kwarto ko ni-lock ko ang pinto pagkapasok ko saka ako sumandal dito rinig na rinig ko ang sigawan ni Papa at Kuya Macus.

"No! Hinding-hindi ko pakakasalan ang Anak nyo! Siya lang ang may gusto nito hindi ako! Si Katrina ang mahal ko at hindi si Karen!"   Sigaw ni Kuya Macus.

Tuluyan nang umagos ang mga luha ko. Nabalewala ang effort ko akala ko kapag may nangyari na sa amin e magugustuhan na niya ako hindi pala lalo lang siyang nagalit sa akin pati sila Mama at Papa siguradong magagalit na sa akin, ano ng gagawin ko. Kumuha ako ng damit saka ako pumasok sa banyo para maligo.

Alam kong ikinahihiya ako ni Papa kumpara kay Ate Katrina dahil matalino si Ate at maganda hindi gaya ko kahit si Mama halatang si Ate din ang bet lahat ng gawin ko hindi nila napapansin man lang napapansin lang nila ako kapag pumapalpak ako. Lage naman eh.

Inayos ko ang sarili ko pagkatapos kong maligo saka ako humiga sa kama ko parang hindi ko kayang magpakita sa kanila dito na lang muna ako sa kwarto ko pahuhupain ko muna ang tensyon na ginawa ko marahan kong ipinikit ang mga mata ko.

Nagising ako sa malakas na katok mula sa pinto ng kwarto ko agad akong bumangon baka si Papa lalo lang siyang magagalit sakaling hindi ko siya pagbuksan.

Dahan-dahan ang ginawa kong pagpihit sa doorknob nagulat ako ng makita kung sino ang kumakatok.

"K-Kuya Macus."

Salubong ang makapal niyang  kilay habang nakatitig sa akin napaatras ako ng itulak niya ang pinto ng kwarto ko dahilan para bumukas iyon ng tuluyan.

"K-Kuya."   Garalgal kong sambit.

"Ang galing mo din Karen hiwalay na kami ng Ate mo dahil sa kalokohan mo! Para sabihin ko sayo kahit kailan hinding-hindi kita magugustuhan! Malayong-malayo ka sa Ate mo! Kaya wag kang umasa na pakakasalan kita o susustentuhan! Kung mabuntis ka man kasalanan mo yon!"

Saka siya mabilis na tumalikod pero bago pa siya makalayo ay nasabi ko ang mga gusto kong sabihin.   "M-mahal kita Kuya Macus. S-sorry."

Huminto lang siya ng ilang minuto saka muling humakbang palayo.

"W-wag kang mag-alala hindi ko na po ipipilit ang sarili ko sayo saka k-kung may mabuo hindi kita aabalahin Kuya. Sorry po uli."  Saka ko isinara ang pinto.

Hindi na ako lumabas pa ng kwarto ko hiyang-hiya ako sa ginawa ko pero wala akong pinagsisisihan.

Tumunog ang cellphone ko. Si Papa tumatawag siya. Sinagot ko ang tawag niya.

"H-hello, Papa."   Kabadong usal ko.

"Mag-impake ka ng mga gamit mo at umalis ka sa pamamahay ko hindi ko kailangan ng Anak na gaya mo!" Singhal niya sa kabilang linya.

"P-papa w-wala po akong mapupuntahan."  Iyak ko.

"Wala akong pakialam! Dapat hindi na lang kita pina-aral puro sakit lang ng ulo ang binibigay mo sa amin ng Mama mo! Simula sa araw na ito hindi na kita Anak! Ikinahihiya kita!" Pinutol na niya ang tawag kaya hindi ko na nagawa pang magmakaawa. Saan ako pupunta? Alam kong galit talaga si Papa baka kung ano pa ang magawa niya sa akin kung sakaling makipagmatigasan pa ako.

Tumayo ako at nagtungo sa cabinet ko kumuha ako ng isang backpack bag at isang malaking tote bag para doon ilagay lahat ng kailangan kong mga damit. Kinuha ko ang wallet ko pati ang perang naipon ko sa alkansya ko iniwan ko ang mga Credit card at ATM card ko sigurado naman akong pina-cut na yon ni Papa. Hindi ko na dinala ang mga gamit ko sa School pati ang uniform ko.

Hapon na ng magpasya akong lumabas ng kwarto ko wala daw sila Mama at Papa ganon din si Ate Katrina kaya tahimik akong naglakad palabas ng bahay namin. Pinagmasdan ko muna ang kabuoan ng kabahayan mula sa labas saka ako humakbang lalayo aalis na ako. Kasalanan ko naman kung bakit nasa ganitong sitwasyon ako ngayon dahil sa kalokohan ko.

Kailangang makahanap ako ng Trabaho para may pera pa din ako sakaling maubos ang ipon ko sa ngayon iisipin ko muna kung saan ako magpapalipas ng gabi alam kong mahal ang mangupahan mauubos ang ipon kung saka-sakali.

Hindi ako sumakay ng Jeep o Trisikel maspinili ko ang maglakad para makapag-isip ako ng maayos paminsan-minasab e sumasakit ang pagitan ng hita ko kaya hirap na hirap akong maglakad ito na ang karma ko sa ginawa ko sa Relasyon ni Ate Katrina ko kaya tama lang na nahihirapan ako ngayon!

Bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko simula sa araw na ito ako na lang mag-isa— lage naman eh.




Only when I SleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon