KABANATA 12

450 26 13
                                    

KABANATA 12

Macus' POV

Binuhat ko mula parking lot si Karen hanggang marating namin ang Unit ko. Maingat ko itong binaba para kunin ang susi sa bulsa ng pantalon ko.

Humakbang na ako kaso natigilan ako ng mapansin kong nakatayo lang si Karen sa gilid ng pintuan.

Nag-aalalang nilapitan ko ito.  "Bakit may masakit ba sayo?"

Agad itong kumapit sa mga braso ko.  "Nahihilo po ako Kuya."

"Ganon ba?"  Muli ko itong binuhat, sinara ko ang pinto saka ako naglakad   tungo sa kwarto. Inayos ko ang mga unan para bahagya siyang naka-upo.

"Magpahinga ka muna dito. Ummm tungkol sa Ate mo wala kang dapat alalahanin ha."

"Bakit po?”

Tumikhim ako. Sinuklay ko ang mahaba nitong buhok.  "Kasi matagal na kaming hiwalay kung anuman ang meron kami dati tapos na iyon. Ikaw lang sapat na, Karen."

Hindi ito umimik. 

"Patutunayan ko sayong Ikaw lang. Alam kong mahalaga ako sayo kahit dati pa nagkataon lang na sa maling Oras at Lugar tayo nagkakilala, pinigilan ko ang sarili ko na mahulog sayo kaya nung gabing may nangyari sa atin ginusto ko rin naman iyon ang kaso lang naunahan ako ng ego ko dahil Girlfriend ko pa non ang Ate mo. Sorry kung nasaktan kita. Dito ka lang wag mo akong iwanan, Karen. Nawala na si Baby ayokong pati ikaw mawala din. Hinanap kita nung Araw na pinabayaan kita at ngayong nakita na kita gagawin ko ang lahat para maging masaya tayo uli gaya dati."

Umiwas ito ng tingin at pumikit.

Napangiti ako ng bahagya.  "Sige magpahinga ka na muna. May mga aasikasuhin lang ako."

***

Karen's POV

Lumabas ng kwarto si Kuya Macus kahit ano pang sabihin niya hindi maibabalik pa ang buhay ng Anak ko lalong hindi ko na kayang maging gaya kami ng dati. Hinding-hindi ko kayang kalimutan ang mga salitang binitiwan niya nung Araw na iyon kaya wala na siyang dapat asahan pa sa akin. Sana namatay na lang din ako kasama ng Anak ko. Ayoko na. Lahat ng taong pinahalagahan ko binabalewala lang ako at sa kaso ni Kuya Macus nasasabi lang niya ang lahat ng yon  dahil sa awa sa sinapit ko, kaya ko namang mabuhay na wala siya sa tabi ko— kaya kong mabuhay mag-isa.

Kapag kaya ko na uli lalayo ako pupunta ako sa lugar na walang nakakakilala sa akin at doon ako mag-uumpisang muli ng ako lang at tanging sarili ko lang. Kung talagang paaaralin nga ako ni Kuya titiyakin kong makakapagtapos ako saka ako lalayo.

Nayakap ko ang sarili ko nakakapanibago kasi wala na ang medyo umbok kong tiyan wala na ang nag-iisang matatawag kong Pamilya hinayaan kong tumulo ang mga luha ko tahimik akong magluluksa sa pagkawala niya.

"Sana mapatawad mo ako, Anak. Masyadong nagpadala sa emosyon si Mama kaya nangyari 'to— s-sorry."

******

Madilim na ng magmulat ako ng mga mata ko nakaramdam ako ng gutom kaya tumayo ako mula sa kama saka ako dahan-dahang naglakad palabas ng kwarto.

Narinig kong may kausap sa cellphone si Kuya Macus medyo stress ito kaya sa halip na magsalita ay naglakad na lamang ako papuntang kusina nagugutom na kasi ako at gusto ko ng kumain.

"What—?"  Sagot nito sa kausap sa kabilang linya.  "I'll call you later."

He cut the call and place his phone on the TV rack and smiles at me.  "Hi, you're awake sakto at nagkapagluto na ako ng panghapunan natin."

Mabilis itong lumapit sa akin upang alalayan akong maglakad kahit kaya ko naman. Dahan-dahan lang ang ginawa kong paghakbang.

"Salamat po, Kuya."  Sambit ko ng maka-upo na ako.

Ngumiti ito saka ako pinagsilbihan. Tahimik lamang kami habang kumakain ng hapunan.

"Nga pala may naisip ka na bang papasukan na School o ihahanap kita?"

Nilunok ko muna ang pagkaing nasa bibig ko bago ko ito sinagot.  "Meron na po."

"Talaga? Saan naman 'yan?"

"Sa Las Piñas po."

Saglit itong nag-isip.   "Medyo malayo yun dito ah meron namang mga Public schools dito sa malapit gaya ng Pasay."

Umiling ako.  "Doon po kasi nag-aaral si Nathan."

"Nathan?"  Kunot-noong ulit nito.  "Sino naman 'yon?"

"Best friend ko po, Kuya."

"Ah."  Sumubo ito at ngumuya inabot nito ang baso ng tubig upang uminom.   "Paano mo naging Best friend 'yon? E ang layo ng Hamilton sa Las Piñas diba?"  Takang tanong nito.

"Nakilala ko po siya nung hindi ako pinasabay ni Ate sa Kotse kaya no choice ako kundi ang mag-commute tapos naligaw ako kasi hindi ko alam kung anong sasakyan para maka-uwe ng Bahay basta na lang kasi ako sumakay sa Jeep buti at nakasakay din dun si Nathan tinanong niya ako nung napansin niyang balisa ako tapos sinabi ko ang totoo na naliligaw nga ako. Tinulungan niya akong maka-uwe."

Medyo naging tensyonado ito sa ikwene-kwento ko.  "Paano ka niya tinulungan? Don't tell me na hinatid ka niya hanggang sa Bahay nyo?"

"Oo. Hindi ko nga alam kung paano umuwe eh. Dun kami naging magkaibigan tapos tinuruan niya ako kung paano makakarating sa Hamilton. Sa tuwing hindi ako sinasabay ni Ate sa Kotse nagko-commute ako."

"So mabait naman pala siya. Bakit parang hindi mo ata nabanggit ang Nathan na yan dati?"  Muli itong nagsalin ng tubig sa baso at ininum iyon ng isang lagukan lang.

"H-hindi naman kayo interesado sa Buhay ko dati diba. Si Ate lang ang nakakakuha ng maraming atensyon. K-kung talagang paaaralin mo ako gusto ko doon kung nasaan si Nathan."

Hindi ako sinagot ni Kuya Macus itinuon nito ang pansin sa pagkain saka ito tumayo.

"May mga gagawin pa ako sa Club medyo may konting problema lang. Ilagay mo na lang lahat yan sa lababo ako ng bahala pagbalik ko." Paalam nito.

Tumango lang ako.

Tipid na ngumiti si Kuya Macus bago ito umalis.  Galit ba siya? Ayaw ba niyang ako na mismo ang naglalayo ng sarili ko sa kanya?

Tinapos ko ang pagkain ko at isa-isang niligpit ang mga nagamit na pinggan at baso kasama na ang mga kutsara at tinidor. Tutal wala naman akong gagawin kaya hinugasan ko na lamang lahat ng hugasan isa pa nakakahiya kung si Kuya pa ang maghuhugas ng mga ito eh siya na nga ang nagluto.





Only when I SleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon