KABANATA 19

123 6 2
                                    

Macus' POV

"Saan tayo pupunta?"  tanong ni Karen habang kalong si Kaz na abala sa pagkain ng ice cream na binigay ng Assistant ko.

"Meron lang tayong imemeet-up."

"Sino?" huminto siya sa paghakbang kay nilingon ko siya alam kong nag-aalala siya kaya binigyan ko siya ng assurance na magiging maayos din ang lahat.

"Kasama mo ako, Karen. Halika na at siguradong excited ng kumain ng Jollibee ang Baby ko."

"Jabee! Yehey! Gusto Kaz! Papa!"  umangat sa ere ang dalawang maliliit na kamay nito.  "Karga. Papa!"

Ngumiti ako at lumapit sa mag-ina saka ko kinuha sa braso ni Karen ang Baby ko at hinawakan ko naman ang kamay niya para sabay na kaming maglakad palapit sa nakaparadang kotse.

"Mariano Mall tayo." bigay utos ko sa Driver. Tumango naman ito bago pinagbuksan ng pinto si Karen.

Tahimik lamang siyang sumakay sa loob ng kotse habang si Kaz sige ang kanya ng kung anu-ano kaya aliw na aliw naman ako kabaliktaran ni Karen na mukhang kinakabahan sa kung sino ang ime-meet up namin.

***

Malayo pa lang ay natanaw ko na si Katrina kasama ang Mommy at Daddy nila ni Karen ganun din ang  anak niya. Kalong ko si Kaz na abot tainga ang ngiti dahil nasa loob na kami ng paborito niyang Jollibee.

"M-Macus." nauutal na sambit ni Karen habang titig na titig sa mesa kung saan nakaupo ang Pamilyang limang taon niyang hindi nakita.

"Sila ang ime-meet natin ngayon." nilingon ko siya mula sa direksyon ng Pamilya niya ay nilipat niya sa akin ang tingin.

"B-bakit? P-para saan? Macus uuwi na lang kami ng Anak ko."

Tinangka niyang kunin sa akin si Kaz pero tumanggi ito kaya wala siyang nagawa kundi ang sumunod na lamang sa akin hanggang makalapit kami sa mesa.

"Tito Macus!" masayang tawag sa akin ng Anak ni Katrina sabay-sabay silang napalingon sa gawi ko napako ang tingin sa Babaeng kasama ko.

"K-Karen? A-anak..." tumayo si Tita Nina saka marahang naglakad palapit sa direksyon namin habang nagpapalit-palit ang tingin sa Anak na matagal niyang inaasam na makitang muli at sa batang kalong ko.

Umatras si Karen ng ilang pulgada na lamang ang distansya nilang mag-ina saka siya nagbaba ng tingin para siguro maka-iwas na rin.

"A-anak... sorry... hindi sinasadya ni Mama." garalgal na wika nito.

Yumugyog ang mga balikat ni Karen kasabay ng mahinang hikbi. Umiiyak siya kahit hindi siya magsalita ramdam na ramdam ko ang hinanakit niya at hindi rin biro ang mga pinagdaanan niya kaya wala ako sa posisyon para magsalita ng kung ano ang dapat niyang gawin ngayon nasa kanya na kung patatawarin niya ang Pamilyang bumalewala sa kanya gaya ko o bibigyan niya ang mga ito ng pagkakataon na maging bahagi muli ng buhay niya at ng kanyang Anak.

"H-hinanap kita pero hindi na kita nakita sabi ni Macus u-umalis ka daw sumama ka sa Boyfriend mo... Karen... Anak magsalita ka naman g-gusto ni Mama na marinig muli ang boses mo wag kang mag-alala tungkol sa Papa mo nabigla lang siya p-pero mahal na mahal ka namin Anak..." pangungumbinsi ni Tita Nina sa Anak. Totoo naman ang sinabi niya na hinanap niya si Karen kaso humi na dahil mismong si Karen ang umalis sa poder ko para takasan ang masasakit na alaala niya sa amin.

Hindi umimik si Karen tahimik lamang siya habang nagpapahid ng sariling luha.

"Mama iyak? Away?" takang tanong ni Kaz na pilit inaabot ang Ina ng maliliit niyang braso para magpakalong agad naman siyang kinuha ni Karen ngunit lalo lamang tumindi ang hinagpis ni Karen unti-unting lumakas ang kaninang mahina lamang niyang hikbi kaya hindi maiwasan ng ibang mga kumakain malapit sa mesa namin ang tumingin pero wala ni isa sa kanila ang nagsalita tahimik lang silang nakamasid at nakikiramdam sa nangyayari.

"Mama wag na iyak."  nag-aalalang pinaliguan ng halik ni Kaz ang mukhang ng Ina baka sakaling mapagaan man lang non ang nararamdaman nito.

Mahigpit na niyakap ni Karen ang Anak at parang nauupos na kandila na unti-unting siyang umupo sa sahig habang patuloy lang sa pag-iyak tingin ko nilalabas niya ngayon ang matagal na niyang kinikimkim na hinanakit sa amin... sa edad niya ang dami na niyang napagdaanan na hindi ko inakalang makakaya niyang mag-isa at lahat ng paghihirap at pasakit na natamo niya ay dahil lang sa minahal niya ako kahit alam niyang bawal pinanindigan niya ang nararamdaman niya para sa akin na binalewala ko lang...

Lumuhod si Tita Nina at niyakap ang ang Anak.  "Anak andito na si Mama p-patawarin mo ako kung pinagtabuyan kita dati naging masaman Ina ako sayo pero nung nawala ka hindi na ako nakatulog ng tama... mahal na mahal ka ni Mama pwede bang magsimula ulit tayo bilang Pamilya kinausap kami ni Macus siya ang nagsabi sa amin na nasa kanya ka at ang Anak mo..."  saka nito pinupog ng halik ang Apo na naguguluhan sa mga nangyayari kaya yumakap na lamang si Kaz sa Ina na hindi mapatid-patid ang iyak.

Tumayo na rin si Tito Armand at lumapit kina Karen saka lumuhod at niyakap ang mag-ina niya kahit hindi kanya si Karen siya pa rin naman ang kinagisnang Ama nito kahit paano sigurado naman ako na minahal niya ang Anak na bunga ng kapusukan ng ibang Lalaki.

"Patawarin mo si Papa. Umuwi ka na Anak matagal ka rin naming hinanap ng Mama mo hindi ko na uulitin iyon kahit hindi ako ang iyong Ama sa akin ka lumaki binigay ko sayo ang pangalan ko dahil alam kong wala ka namang kasalanan sa nangyari sa Mama mo kaso hindi ko lang mapigilan na talagang mas pinapanigan ko ang Ate Katrina mo dahil Anak ko siya... Sorry Anak kung naramdaman mong mag-isa ka lang buong buhay mo... Sorry kung hindi kita binigyang halaga dati pero Karen mahal ka ni Papa. Anak kita kahit ano pang sabihin nila mananatili kang  Velasco. Namiss ka na namin ng Mama mo yung pagiging makulit at maingay mo hinahanap-hanap namin yon please... Anak kausapin mo man lang kami sigawan mo kami o sumbatan lahat ng iyon tatanggapin namin... sorry kung wala kami noong higit mo kaming kailangan."

Kumawala si Karen mula sa yakap ng magulang niya saka siya nagpahid ng mga luha at tahimik na naglakad palabas ng kainan.

"Karen." tawag ni Katrina pero hindi sya lumingon.

"Sorry. Tingin ko hindi pa soya handang magpatawad ngayon."

Basa ng mga luhang nilingon ako ni Tita Nina.  "Macus gusto ko ulit makita ang Bunso ko..."

Isang tango lamang ang sinagot ko saka ko hinabol ang mag-ina ko hindi na ako namilit na bumalik kami sa loob dahil ramdam kong masakit pa para kay Karen ang mga nangyari.

Sinabayan ko siya ng lakad saka ako umakbay sa balikat niya gusto kong maramdaman niya na narito lamang ako para sa kanila ni Kaz.  "Sige tingin ko magluluto na lang ako ng spaghetti at pride chicken sa bahay para unlimited ang kain ng mag-ina ko."

Umangat ang mukha ni Kaz mula sa balikat ng Mama niya sabay ngiti sa akin.  "Gusto Kaz dami chicken Papa!"

Napangiti ako 'Papa' iba ang pakiramdam ko sa tuwing tinatawag  niya ako sa ganong pangalan... paano kaya kung nabuhay ang panganay namin siguro ganon din ang itatawag niya sa akin. Aalagaan ko ang Mama niya at ang bunso niyang Kapatid sa kanila na lang ako babawi ng lahat ng pagkukulang mo sa kanya bilang Ama.








Only when I SleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon