KABANATA 18

206 9 3
                                    

Karen's POV

Mabilis na lumipas ang isang linggo naging maayos ang buhay naming mag-ina at si Kuya Macus talagang nagbago na siya ramdam na ramdam ko kung gaano niya ako pinahahalagahan ngayon kesa dati tumulo ang mga luha ko ng maalala ko ang panganay namin, five years old na sana siya ngayon kung hindi siya kinuha ni Lord nasaktan ako non sobra kaya nung muli akong nagbuntis kay Kaz gunawa ko ang lahat para protektahan siya at ang binubuo namin Pamilya kaso talagang mapagbiro ang tadhana kasi kinuha naman niya sa amin ng Anak ko ang haliging kinakapitan namin bilang lakas nung nawala si Nathan nagbago ang lahat naging malupit sa aming mag-ina ang mundo biyaya na lang kung makakakain kami ng dalawang beses sa isa araw… mabait naman akong tao pero bakit parang halos lahat yata ng problema sa Mundo sinalo ko.

“Ma’am, pabalik na po ng opisina si Sir  sinabi ko na rin po na andito na po kayo ni Baby Kaz.” saad nito.

“Salamat po.”

“It's Kevin Pamintuan po Ma’am, Secretary slash Assistant po ako ni Sir Macus. Saglit lang po at ioorder ko po muna kayo ng meryenda.”

Tumango ako.  “O-okay, Kevin.”

Yumuko muna siya bago kinabig ang punto para isara kaya naiwan kaming dalawa ng Anak ko dito sa loob ng opisina ni Kuya Macus pinasundo niya kami sa Driver niya kasi balak daw niya kaming ipasyal na mag-ina.

Tumalikod na ako nakaka ilang hakbang pa lang ako palapit sa malambot na couch para ihiga muna si Kaz nakatulog kasi siya sa biyahe ng muling bumukas ang pinto kaya agad akong humarap baka kasi si Kuya Macus na.

Para akong naestatwa sa kinatatayuan ko ng anyo ng isang sopistikadang Babae ang bumungad mula sa pintuan.

Nawala ang ngiti ko ganun din ang Babae sabay taas ng kilay nito. Sino kaya siya?

“Who the h3ll are you?”  masungit nitong turan lalong tumaas ang kilay nito ng mapansin ang kalong kong bata.  “Bata ba iyang kalong mo?” saka ako pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.

“Janitress ka ba dito? Alam mo bang off limit ka dito dahil opisina ito ng Big Boss mo!”

Napapitlag ako sa lakas ng tili nito kaya nagising din Kaz saka siya lumingon sa gawi ng Babae.

“Mama, san na Papa?”

Hingakan ko ang mabilog na pisngi ng Anak ko alam kong nagulat siya buti na lang at hindi siya nagmaktol dahil naabala ang tulog niya.

“So she is your Daughter?” turo nito kay Kaz kata tumango ako.

Takang napatitig sa akin ang Anak ko sabay bulong pero malakas naman kaya siguradong rinig iyon ng Babae kahit nakatayo siya sa pinto.  “Sino siya Mama? Iba salita? Alien?”

Natawa ako sa inosenteng tanong ng Anak ko na ikinagalit naman ng Babae.

“Wala kang manners na Bata ka! Ano pang inaantay niyong mag-ina lumabas kayo ng Opisina ng Boyfriend ko!” sigaw nito pero hindi natinag si Kaz sa halip ay bumaba siya saka tumakbo sa direksyon ng Babae ng masulyapan niya sa likuran nito ang pamilyar na anyo.

“Papa!”

Pareho kaming nagulat sa sinabing iyon ng Anak ko. Sinundan nito ng tingin ang Anak ko hanggang lumagpas sa kinatatayuan niya tingin ko nabigla siya ng makita niya si Kuya Macus na nakaluhod ang isang tuhod at nakalahad ang dalawang braso para salubungin ang Anak ko.

“Papa!” sabay yakap ni Kaz ng mahigpit gumanti rin ng yakap si Kuya Macus saka hinagkan sa noo ang Anak ko dinala sa mga braso niya saka siya maingat na tumayo kalong ito.

“W-what is the meaning of this, Babe?!”

Isang tingin lang ang ginawa ni Macus bilang sagot sa kanya saka nagsalita ang Anak ko.

Only when I SleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon