KABANATA 17

296 14 2
                                    

Karen's POV

Kinuha ko sa kwarto ang mga laruan na binili ni Kuya Macus ganun din ang puzzle mat nilatag ko ang mga iyon sa sala saka ko inayos ang mga laruan.

“Kaz, dito ka lang maglalaro ng mga manika mo ha kasi si Mama tutulungan ko lang si Kuya Macus dun sa kusina.”

“Kuya?”  ulit ng Anak ko saka niya nilingon ang direksyon ng kusina sabay turo.  “Papa, Kaz yun.”

Nakagat ko ang labi ko talagang binigay na niya kay Kuya Macus ang titulo bilang Tatay niya.

Tumikhim ako.  “Ammm nagkamali lang si Mama.”  bawi ko ng medyo nalungkot ang Anak ko ayoko siyang nakikitang malungkot kaya kakausapin ko si Kuya na magpanggap na lamang bilang Tatay ni Kaz tapos kapag malaki na siya at kaya na niyang unawain ang lahat saka ko sasabihin sa kanya ang totoo.

Tuluyang nalukot ang mukha ng Anak ko sabay hikbik.  “Papa Kaz yon Mama di Kuya Mama. Papa Kaz yon.”

“Ssshhh okay si Papa nga iyon ni Kaz sorry nagkamali lang po si Mama, okay.”. pahid ko sa mga luha niya.

“Okay po.”  isang nahihiyang ngiti ang sumilay sa labi ng Anak ko talagang nakuha ni Kuya Macus ang loob ng Anak ko paano na sana naman pumayag siya sa balak ko.

“Gusto ba ng Baby ko na manood ng tv?”

“Usto Mama! Usto Kaz nood artoon!” with matching palakpak pa talaga.

Malaki ang tv ni Kuya Macus pero hindi naman bago sa akin ang mga ganung bagay kaya mabilis ko itong nabuksan at nilagay sa Cartoon channel saka ako nagpaalam sa Anak ko na pupunta na ako ng kusina.

Abala si Kuya Macus sa paghihiwa ng mga rekado ng pumasok ako sa kusina. Agad siyang nag-angat ng tingin ng lumapit ako sa kitchen counter.

“Si Kaz?”

“N-nanonood ng tv sensya na kung nakialam na ako sa appliances mo, Kuya—.”

“Macus na lang please.”

“Ammm s-salamat sa mga damit at mga laruan para sa Anak ko at syempre salamat dito sa cellphone.”  sinadya kong hindi na dugtungan pa ang sasabihin ko ng salitang ‘Kuya’ o kahit pangalan niya hindi kasi ako komportable.

“Anong lulutuin mo?”

Muli niyang tinuon ang pansin sa paghihiwa.  “Sinigang na pork chops paborito mo ito diba saka magpiprito din ako ng Manok para sa Anak ko.”

“M-Macus.”

Nilingon niya ako sabay ngiti para lang kaming timang na nakatitig sa isa't-isa hindi ko din alam kung paano sisimulan ang gusto kong sabihin nahihiya kasi ako.

“Much better than ‘Kuya’. May sasabihin ka ba?”  nakangiting saad niya.

“T-tungkol kay Kaz— sa Anak ko.”  pagsisimula ko.

“Ano naman ang tungkol sa kanya?”

Nagbaba ako ng tingin saka ko kabadong nilaro-laro sa kamay ko ang hawak kong cellphone.   “A-ano kasi hindi niya alam na pat@y na ang Papa niya ayaw ko kasing masaktan siya kasi umaasa siyang darating ang Papa niya at kukunin kami sa tuwing pinagmamalupitan kami ng mga Tiyahin ni Nathan k-kaya nagsinungaling ako sa Anak ko.”

“Na buhay pa ang Papa niya, ganun ba?”

“Oo.”  sagot habang todo ang dasal ko na sana pumayag siya sa sasabihin ko na kung maaari ay magpanggap muna siya na siya ang Tatay ni Kaz kahit para sa kaligayahan na lang ng Anak ko.

“H-hindi nakilala ni Kaz ang Papa niya kahit picture wala akong maipakita sa kanya kasi binura ko lahat ‘yon nung ibenta ko yung cellphone ko para makabili ng gamot ng Anak ko— n-naghahanap kasi siya ng atensyon ng isang Ama kaya kung pwede lang—.”

“Wag ka ng umiyak, Karen. Hindi ka ibang tao sa akin… naging Ina ka ng Panganay ko pero nawala siya at ganun ka rin alam mo bang ang tagal kong hinintay na bumalik ka ulit sa akin at ngayon narito ka na hindi na kita pakakawalan pa tama na siguro ang limang taon na lumayo ka para hanapin ang sarili mo diba.”  mahinahong sambit niya habang patuloy sa paghihiwa ng mga lulutuin niya.  “Limang taon kitang hinintay Karen at kung pinoproblema mo si Kaz wag kang mag-alala  dahil handa akong maging Tatay niya ayoko ng ulitin ang pagkakamali ko dati.”

Tumigil sa ginagawa si Kuya Macus bahagya akong napaatras ng humakbang siya palapit sa akin saka niya masuyong hinaplos ang baba ko at daha-dahang inangat hanggang magtama ang mga mata namin.

“Karen, pwede bang subukan ulit natin. Ikaw, ako at si Kaz gusto ko kayong maging bahagi ng buhay ko sa loob ng limang taon ikaw lang lagi ang laman ng mga panaginip ko— mahal kita Karen at ayokong mawala ka pa sa akin hindi na ako papayag kapag may kumatok uli sa pino para lang kunin ka dahil ilalaban na kita, ikaw at si Kaz. Can you be my Wife?”

Muli akong umatras dahilan para mabitawan ni Kuya Macus ang baba ko masyado akong nabigla sa mga rebelasyon niya nalilito pa ako sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon higit sa lahat ayoko ng masaktan gaya dati.

“Karen?”

Isang hakbang pa paatras ang ginawa ko hanggang magkaroon kami ng sapat na distansya.

“P-pasensya na naguguluhan lang kasi ako.”

“Ayos lang hindi naman kita minamadali na maging ‘tayo’ seryoso ako sa sinabi ko gusto kitang maging Asawa ikaw ang magiging Reyna ng Tahanan ko at si Kaz naman ang Prinsesa.”

“Pwede bang pag-isipan ko muna.”

Tumango si Kuya Macus sabay ngiti.  “Oo naman. Ummm sige na ako ng magluluto ng panghapunan natin at ikaw samahan mo si Baby Kaz para may kalaro po siya.”

Hindi na ako sumagot. Nginitian ko lamang siya saka ako muling bumalik sa Sala para samahan ang Anak ko na masayang nakahiga sa puzzle mat at yakap ang mga bago niyang mga laruan habang nanonood ng mga paborito niyang cartoons hindi ko maiwasan ang maiyak lalo na sa tuwing naaalala ko kung paanong sumasabit sa bintana ang Anak ko para lang makapanood ng tv awang-awa ako sa kanya dahil hindi ko kayang ibigay ang buhay na kinagisnan ko dati noong okay pa ako kina Mama at Papa kahit anong gawin ko talagang hindi komkahang umahon mula sa kinalalagyan ko parang ang hirap-hirap ng lahat.

Nakatapis din sa pagluluto si Kuya Macus nakigulo muna siya sa aming mag-ina dahil masyado pang maaga para kumain ng hapunan. Sige ang tawa ni Kaz talagang masaya siya buong akala niya si Kuya Marcus talaga ang Tatay na matagal na niyang inaantay.

Muli kong tinutok ang camera ng cellphone ko para kunan ng litrato ang dalawa hindi mapatid-patid ang luha ko ng sumagi si Nathan sa isipan ko siguro kung hindi siya maagang kinuha sa amin siguro kahit naghihirap kami ganito rin siguro kami kasaya pero nawala siya at nagpakita naman ulit si Kuya Macus pareho ko silang minahal ni Nathan pero maslamang ang nararamdaman ko para kay Kuya Macus dahil kahit anong gawin ko mananatiling siya ang nag-iisang taong hinding-hindi ko kayang kalimutan.

Nahiya ako ng biglang lumingon sa akin si Kuya Macus agad akong nagpahid ng mga luha ko nakangiti lang siya saka niya binigkas ng walang boses ang salitang ‘I love you’.

Kung masakit man mahalin si Kuya Macus pwes susugal ako ulit dahil masaya akong masaktan na siya ang dahilan.

Only when I SleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon