KABANATA 20

149 11 2
                                    

Macus' POV

Tahimik lamang si Karen hanggang makauwi kami ng bahay ni hindi siya umiimik parang nakikiramdam lang siya kung may sasabihin ako o wala.

Abala ako sa kusina habang silang mag-ina naman naglalaro sa sala paminsan-minsan numanakaw ako ng sulyap sa kanilang dalawa ang saya nila lalo na si Kaz pero si Karen parang hindi umaabot sa mga mata niya ang sayang nararamdaman niya parang pinapakita lang niyang ayos siya para sa Anak niya. Napaka bata pa ni Karen ni hindi man lang niya naenjoy ang pagiging teenager niya sa halip ay puro pasakit ang binigay ko sa kanya.

Tinapos ko ang piprito ko ng unlimited fried chicken dahil yon ang gusto ng Anak ko saka mo naman inumpisahan ang pagluto ng spaghetti  hindi ko pinayagan si Karen na tumulong sa akin gusto kong bumawi sa lahat ng pagkukulang ko sa kanya gusto kong iparamdam sa kanya na importante siya sa akin kahit sa simpleng pagluluto ko lang medyo abala kasi ako sa pag-aasikaso ng Business ko kaya minsan naiiwan ko silang mag-ina dito sa bahay tapos halos hating gabi na rin ako kung nakakauwi...

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko...

Nag-ring ang cellphone ko na nakapatong sa center table nagpunas ako ng kamay ko saka ako pumihit paharap sa direksyon ng sala ng matigilan ako dahil ilang dupa na lang pala ang layo ni Karen sa akin at hawak niya ang cellphone ko.

"T-tumutunog kasi kaya dinala ko dito busy ka kasi."

Napangiti ako sa wakas narinig na naman ang boses niya.  "Can you answer it for me?"

Namilog ang mga mata niya.  "S-si Carla yung t-tumatawag eh."

"It's okay may karapatan kang basahin ang mga messages sa cellphone ko at sagutin ang mga tawag ko remember pakakasalan kita diba."

Agad na nagbago ang kulay ng mukha ni Karen singpula na siya ng kamatis.

"Go on sagutin mo na."

"A-anong sasabihin ko?"

"Bahala ka na you own me diba at ikaw ang Boss ko so it's up to you kung ano ang gusto mong sabihin sa kanya." 

Nagbaba ng tingin sa hawak na cellphone si Karen saka iyon sinagot.

'Good girl' bulong ko sa isipan ko tumalikod na ako para ibuhos sa kumukulong tubig ang spaghetti pasta ng magsalita muli si Karen. Lihim akong natuwa sa mga sinabi niya.

"Anong kailangan mo kailangan mo sa Boyfriend ko? Busy siya kasi pinagluluto niya kami ng Anak niya humanap ka na lang ng ibang pwede mong tawagan kasi nakareserve na sa aming mag-ina ang nilalandi mo. Wala akong pakialam kung kaibigan o kasosyo ka niya sa kung anong monkey business nyo ayoko ng tatawag ka pa lalong ayokong lalapit ka pa sa kanya dahil talagang sasampalin kita!"

Nabuhos kong lahat ng laman ng hawak kong pakete ng pabagsak na nilapag ni Karen sa mesa ang cellphone ko naku nadurog ata pero masaya ako kasi bumalik na yung katarayan niya. Dahan-dahan akong lumingon sa likuran ko minilabutan ako ng magtama ang mga mata namin ni Karen salubong kasi ang mga kilay niya teka bakit parang bigla ata akong kinabahan...

"Ang landi ng Babaeng 'yon! Alam mo paasa ka din ang lakas ng loob mong saktan ulit ako! Pakakasalan mo ba talaga ako? Talaga lang ha! Kagaya ka lang nila Mama na iiyakan ako bakit dahil naaawa sila sa akin dahil sa katangahan ko diba. Wala naman akong halaga sa inyo eh lalo na sayo akala nyo ba ganon kadaling kalimutan yon lahat!"

"Karen... h-hindi ko naman minamadali na mapatawad mo ako—."

"Pero sila Mama gusto mo agad na patawarin ko! Ang sakit Macus! Ang sakit-sakit alam mo yan naroon ka nung hindi nila ako binibigyang halaga pero okay lang kasi si Ate Katrina ang paborito nila... alam mo yan diba ikaw pa nga ang taga-alis ng hinanakit ko dati diba k-kaya nagkagusto ako sayo kaya pinangarap kong maging tayo kaya inagaw kita kay Ate kasi gustong-gusto kita akala ko noon madali lang ang pinasok ko na kapag nagising ka na ay ako naman yung mamahalin mo gaya kay Ate pero nagkamali ako kasi baliktad ang nangyari naging masama ako sa paningin ng lahat diba kahit sayo sinigawan mo ako akala ko nun paggising mo mahal mo na ako ikaw ang una ko eh pero sana pala hindi ko na lang ginawa dahil sayo itinakwil nila ako pinalayas ako ni Papa tapos ngayon iiyak lang sila sa harapan ko pagkatapos ng lahat... a-akala mo ba ganon lang iyon kadali?"  sunod-sunod ang patak ng luha ni Karen hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong sabihin dahil may punto siya ako ang puno't-dulo ng lahat.

"Karen hindi naman sa ganon—."

"Wala lang kaming mapuntahan ng Anak ko kaya andito kami ngayon dahil pinalayas kami ng kamag-anak ng Asawa ko... bakit masama ba akong tao ha Macus? Gusto ko lang naman na tanggapin ako at pahalagahan at mahalin... mahirap bang ibigay yon?"

Umiling ako kahit ako nasasaktan sa mga naririnig ko mula sa kanya hindi ko akalaing ganon ang epekto sa kanya ng lahat.  "H-hindi Karen..."

"Alam mo bang si Nathan lang ang umintindi sa akin na sana ikaw o sila Mama ang gumagawa kaso hindi eh ang sakit-sakit lang kasi Macus t-tapos ihaharap mo sila sa akin ng ganon na lang... limang taon yun Macus isang mahabang limang taon ng buhay ko ang nasayang nawala ang kabataan ko dahil sayo... dahil minahal kita kahit bawal alam mo ba iyon... binigay ko sayo ang sarili ko kahit alam kong mali tinanggap kong lahat ng parusa dahil kasalanan ko naman talaga— sumayaw ako sa Club nilunok ko lahat ng dignidad na meron ako kasi ako na lang eh gusto kong maka-ipon para sa buhay na nabuo nating dalawa p-pero tinapon mo ako k-kahit pa bumawi ka sa lahat ng pagkukulang mo hindi mabubura non yung mga nangyari alam mo kung bakit dahil tumatak na lahat sa alaala ko na dapat hindi mo ibigay basta na lamang ang tiwala mo dahil madali lang sa ibang tao na itapon yun at ibasura ka kahit Pamilya ko diba tinalikuran nila ako isa akong malaking kahihiyan simula pa lang ng isilang ako dahil Anak ako ng r@pist ni Mama kaya pala iba ang trato sa akin ni Papa kaya pala kahit anong gawin ko talagang malayo ang loob niya sa akin ganon din si Mama parang binuhay niya lang ako dahil may takot siya sa Diyos."

"Tama na Karen please..."

"Hindi..."  umiling siya at bahagyang tumawa ng mahina saka niya nilingon si Kaz.  "Tuwang-tuwa sayo ang Anak ko akala niya ikaw ang Papa niya mahal na mahal ka niya kahit siya na lang sana ang mahalin mo ng buo ayos na sa akin kasi ako alam mo naman kung saan ang lugar ko dahil umpisa pa lang isa na akong pagkakamali."

"K-kung patatawarin ko ba kayo maibabalik nyo ba ang buhay ng panganay ko? Diba hindi."

Hindi na ako nakapagsalita ng tumalikod na siya saka naglakad pabalik sa sala hindi siya napansin ni Kaz na umiiyak dahil abala ito sa panonood ng cartoons.

Pinatay ko ang stove kanina pa pala luto ang pasta binuhos ko ang laman ng kaserola sa stainless na drainer para mawala ang tubig kasabay non ang pag-agos ng mga luha ko nasaktan ako sa mga sinabi ni Karen. Lumabo ang paningin ko kaya agad akong naghilamos muli na namang bumalik sa akin ang tagpong iyon ang araw na nawala ang Anak namin.

Hinayaan kong bukas ang gripo para tuloy-tuloy lang ang daloy ng mga luha ko habang sige ang hilamos ko.

Pasensya na Karen pero sa pagkakataong ito hindi kita susukuan kahit ilang beses mo pa akong pagsalitaan ng masasakit tatangapin ko dahil hinding-hindi na kita pakakawalan.


Only when I SleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon