KABANATA 6

281 18 8
                                    

Macus' POV

"Kuya Macus."  Nilingon ko  siya habang naka-red light. "Pwede po bang mag-drive thru na lang tayo kasi ang dumi ko saka wala akong tsinelas nakakahiya kung pagtitinginan nila ako habang kumakain."

"Sige."  Sagot ko bago ko muling paandarin ang kotse ng mag-green light na.

Nakakita ako ng Jollibee lage ko siyang nililibre dito noong maayos pa ang Relasyon namin bilang magKuya-kuyahan. Kami ang huli medyo mahaba ang pila sa drive thru.

"Anong ginagawa mo?"  Tanong ko ng mapansin kong binibilang ni Karen ang laman ng lata ng Gatas.

Hindi nita ako nilingon dahil abala siya sa kakabilang.   "Binibilang ko yung pambayad ko sa o-orderin ko Kuya."

"Ililibre kita gaya dati ayaw mo ba?"

Umiling si Karen.  "Hindi na po tayo gaya ng dati Kuya kaya dapat lang na bayaran ko ang magagastos ko sa pagkain namin ng Anak ko."  Sige lang ang bilang niya sa mamiso at tig-limang buo.

"Anak ko din naman yang bata diba."

Huminto si Karen sa pagbilang napalitan ng lungkot ang ekspresyon niya.  "Ayaw mo sa kanya diba Kuya natatandaan ko lahat ng sinabi mo sa akin ng Araw na yon kahit kailan hindi ko yon makakalimutan."   Saad niya na nakatitig sa mga baryang hawak niya.

Napabuntong hininga na lamang ako sinabi ko nga yon aminado naman ako hindi ko akalaing ganito ang epekto ng salitang yon sa kanya talagang dinamdam niya.

"Makakahanap pa rin naman ako ng taong tatanggap sa akin at sa Anak ko eh kaya wala kang dapat na isipin pa saka kung makikitira ako sayo bilang kabayaran ako ng maglilinis ng Unit mo Kuya ako na din ang maglalaba at magluluto at gagawa ng ibang panggawaing bahay kapalit ng libreng pagtira ko para wala tayong sumbatan kapag medyo nag-iba ang ihip ng hangin diba."   Sumulyap siya sa akin saka ngumiti yung tipong walang buhay hindi gaya dati na lage kaming masayang dalawa kahit na may topak minsan ang Ate niya lage siyang nasa tabi ko para patawanin ako dahil importante ako sa kanya ramdam ko naman yon dini-deny ko lang.

Napahigpit ang hawak ko sa manibela hindi ko akalaing ganito pala si Karen kapag seryoso talagang pinangangatawanan niya ang bawat salitang binibitiwan niya.

Napilitan na lamang akong sumang-ayon sa gusto niya.  "Sige kung maskomportable ka sa ganong set up."

"Salamat Kuya."   Sabay abot niya ng mga barya.   "Kanin at Manok lang ang akin may kasama na yon na drinks diba Kuya."

"O-oo."   Wala akong nagawa kundi ang tanggapin ang mga barya ipinatong ko iyon sa ibabaw ng dashboard.  "Diyan na muna, card kasi ang gagamitin ko."

"Ah. Okay po Kuya. Nakalimutan ko na hindi ka nga pala mahilig magbayad ng cash iba talaga kapag Mayaman!"

Isang tipid na ngiti lamang ang isinagot ko kay Karen kahit mahaba ang pila sa drive thru ayos lang dahil naaaliw ako habang pinagmamasdan si Karen na binibilang ang mga natira sa barya niya.

Sinunod ko ang order niya na Manok at Kanin lang at may kasamang drinks pero pinasobrahan ko umorder ako ng isang Bucket ng Chicken joy at Anim na extre rice para hindi siya mabitin sa pagkain bawal pa namang malipasan ng gutom ang mga buntis.

Sige ang kain ni Karen habang nagmamaneho naman ako pabalik sa Condo ko sa Pasay dati lage si Karen sa Unit ko kasama ng Ate niya tapos mamamasyal kami sa MOA at third wheel naman siya sa date namin ng Ate Katrina niya.

Pumasok na kami sa underground parking lot ng Monarch Condominiums.

"Dito ka pa rin pala nakatira Kuya?" Saad ni Karen habang nanguya.

"Oo. Bakit?"

"Wala lang. Ummm pwede po ba ako gumala minsan sa MOA."

"Oo naman bakit hindi."  Sagot ko.

Nilingon ako ni Karen habang may hawak na piritong Manok ng Jollibee. "Bibigyan mo din ba ako ng spare keys?"

"Oo. Teka magpa-park lang tayo tapos aakyat na tayo sa Unit ko."

"Okay po Kuya. Salamat po uli." Isa-isang nilagay ni Karen ang mga pagkain sa dala niyang Basket saka siya nagpunas ng tissue sa mukha at mga paa.  "Madumi na po kasi wala naman akong tsinelas tapos madumi pa paa ko nakakahiya kung may makakita."

Tumango lamang ako habang inaayos ang pagkaka-park ng Kotse ko.

Nauna akong lumabas saka ako umikot sa passengers seat para buksan ang pinto nito.  "Halika na Karen."

Lumingon muna siga sa paligid saka siya naka-yukong lumabas ng kotse ko ramdam kong nahihiya siya sa itsura niya ngayon. Umakbay ako sa kanya para sana mabawasan ang hiyang nararamdaman niya kaso marahan niyang tinabig ang kamay ko sa balikat niya.

"Ayos lang po ako kaya ko naman pong maglakad papunta sa Elevator."

Naikuyom ko na lamang sa ere ang kaliwang kamay ko saka ko ipinasok sa bulsa ng pantalon ko. Dati masayang-masaya siya sa tuwing nilalagay niya sa balikat niya ang kamay ko pero dati yon kasi iba na kami ngayon.

Yakap ni Karen ang Basket na naglalaman ng lata ng Gatas at pagkain na binili ko para sa kanya habang naglalakad. Tumapat kami sa pinto ng Elevator. Ilang minuto lang at bumukas ito may ilang kababaihan ang lumabas mula sa loob nito mataman nilang tinitigan si Karen na naka-yuko yakap ang Basket habang walang saplot ang mga paa.

"Ay ano ba yan nagpapapasok pala sila dito ng mga ganyan?" Dinig kong komento ng isa sa mga ito.

Nagtago sa likuran ko si Karen alam kong narinig niya ang mga sinabi ng mga Babaeng yon. Tahimik kaming pumasok sa loob ng Elevator nasa 18th floor pa ang Unit ko.

Bahagyang humiwalay sa akin si Karen ng nasa loob na kami ng Elevator nanatili itong nakayuko kaya hindi ko na lamang ito inistorbo hanggang sa makarinig ako ng mahinang hikbi. Umiiyak siya? Siguro dinamdam niya ang mga sinabi ng mga Babae kanina.

"Wag mo silang pansinin."  Hindi ako magaling sa pagbibigay ng words of wisdom pero sa pagkakataong ito susubukan ko para mapagaan ko man lang ang nararamdaman niya.

"S-sabi ko sayo Kuya eh. Nakakahiya ang istura ko."  Nadurog na naman ang puso ko sa sinabing iyon ni Karen lalo na nang magsumiksik ito sa gilid ng Elevator.

Tumunog ang Elevator at bumukas ang pinto nito sa 18th floor patakbong tinungo ni Karen ang pinto ng Unit ko masaya akong naalala pa rin niya ang Numero nito 11610. Kinuha ko ang susi sa bulsa ko para buksan ang Unit ko agad na pumasok si Karen saka nito inilibot sa paligid ang tingin.

"Walang nagbago ganon pa din gaya dati."  Saad ni nito.

"Pwede mong ibaba muna ang Basket mo, kabisado mo naman ang pasikot-sikot dito sa Unit ko diba."

"Opo Kuya."  Sagot niya habang maingat na nilapag ang Basket sa gilid ng pinto.

"Good. Iisa lang ang Kuwarto ko dito pwede naman tayong maghati sa Kama sayo ang kabila akin naman ang kabilang bahagi. Pwede kang maligo muna kung gusto mo."

"W-wala po akong damit. Kuya Marcus."  Nilaro-laro pa nito ang laylayan ng suot niyang kupas na t-shirt.

"Marami akong t-shirt sa Cabinet mamili ka na lang ng gusto mong isuot pati shorts. Aalis muna ako. Basta feel at home ka lang Karen okay."

"O-okay Kuya. Aalis po kayo?"

"Oo may mga bibilhin lang ako. Diyan lang naman ako sa MOA kaya maya-maya andito na din ako." Humakbang na ako palapit sa pinto. "Just lock the door and please wait for me okay."

Tahimik lamang siyang tumango saka ako lumabas ng Unit ko.













Only when I SleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon