KABANATA 7

243 14 4
                                    

Macus' POV

Nagtungo ako sa MOA para bumili ng mga kailangan ni Karen alam kong wala siyang damit na maisusuot kahit na panloob kumuha na din ako pati mga tsinelas at sapatos para kung sakaling masumpungan nitong lumabas ng Condo kahit pano may maisusuot siya.

"Ang swerte naman po ng Girlfriend nyo Sir talagang pinakyaw nyo po lahat ng products namin." Nakangiting turan ng Saleslady.

Nginitian ko ito tutal mukha itong mabait. "Tingin ko ako ang swerte Miss kasi magkaka-baby na kami."

"Wow! Congrats po Sir nakakatuwa talaga kapag malapit nang magka-baby kasi excited po tayong makita kung kanino siya nagmana ng hitsura diba."  Magiliw nitong bati sa akin.

Sige lang ang tango ko. Naisip ko bigla kung kaninong itsura ang mamamana ng Anak namin ni Karen, tama nga nakaka-excite nga!

Inabot na sa akin ng Cashier ang mga pinamili ko matapos kong Bayaran. "Thank you po Sir. Come again po."

"I will."   Saka ko kinuha lahat ng paper bags na naglalaman ng mga pinamili ko.

Nag-tungo ako agad sa parking lot at sumakay ng Kotse ko pabalik ng Condo medyo excited ako sa magiging reaksyon ni Karen kapag nakita niya ang mga pinamili ko para sa kanya.

Halos limang minuto lang ang itinakbo ng Kotse ko at narating ko din ang Condominiums kung saan ako nakatira, agad akong nag-park saka ako nagmamadaling lumabas ng Sasakyan bitbit ang mga pinamili ko. Sinigurado kong lock ang Kotse ko bago ako nagtungo sa Elevator at sumakay pinindot ko ang 18th floor saka ako kampanteng tumayo sa gitna ng Elevator.

Bumukas ang pinto ng Elevator sa 18th floor kaya nagsimula na akong humakbang palabas hanggang marating ko ang pinto ng Unit ko ginamit ko ang susi para buksan iyon.

"Karen?"  Tawag ko ng makapasok na ako sa loob ng Unit ko pero walang sumagot. Medyo kinabahan ako baka umalis ito.

Naagaw ang pansin ko ng isang pigura ng Babae na nakahiga sa gilid ng Sala ng Condo ko naka-tagilid ito habang nakaunan ang ulo nito sa dalawang kamay nito. Nilapag ko sa couch ang mga dala kong paper bag saka ako humakbang palapit kay Karen hindi ko na napansin ang Basket niya kaya hinanap ko iyon nakalapag iyon sa kusina sa mismong sahig habang nasa loob pa din non ang mga pagkain na binili ko.

Bumalik ako sa kinahihigaan ni Karen saka ko siya tahimik na pinagmasdan ang layo na niya sa dati parang bumaba ang tingin niya sa sarili niya simula nang Araw na yon. Pinasadahan ko ng tingin si Karen madumi na ang suot niyang damit ganon din ang mga paa niya pero hindi maitatangging maganda siya bakit ngayon ko lang napansin na Dalaga na siya.

Huminto sa tiyan niya ang mga mata ko. "Ilang Buwan pa at makikita kitang lumaki sa loob ng tiyan ng Mama mo— si Papa ito. Sorry kung napabayaan ko kayo ng Mama mo babawi ako sa inyo ngayon."  Masuyo kong bulong.

Maingat kong binuhat si Karen himbing na himbing ang tulog niya talagang napagod siya marahan akong naglakad papasok ng nag-iisang kwarto ng Unit ko hindi naman kabigatan si Karen o talagang kulang lang siya sa kain kaya magaan siya medyo namumutla din siya talagang inusig ako ng konsensya ko kahit na na-set-up niya ako nung gabing yon aminado naman akong nagustuhan ko ang nangyari lalo at ramdam na ramdam kong Birhen pa siya dinig ko ang bawat impit niyang daing habang patuloy kong binabaon ang pagkalalake ko sa kaloob-looban niya ang sarap sa pakiramdam kaya hinayaan ko lang siyang gawin ang mga dapat niyang gawin.

Hiniga ko si Karen sa kaliwang gilid ng Kama saka ko ito kinumutan binuksan ko muna ang Aircon saka ako lumabas ng kwarto hahayaan ko muna siyang makatulog ng maayos medyo matagal din ang isang buwan na sa banig o karton lang siya nakahiga.

Nagtungo ako sa kusina magluluto ako ng Sopas para sa maagang Meryenda siguradong gutom si Karen paggising niya. Kinuha ko ang Basket na lage niyang bitbit saka ko iyon nilapag sa Kitchen Counter ito ang bumuhay kay Karen sa loob ng isang buwan bukod sa pagsasayaw niya sa Club ni hindi man lang siya hinanap nang mga Magulang niya talagang itinakwil nila ang Anak nila.

Nasa kasarapan ako ng pagluluto ko ng may nagsalita.

"Kuya, binuhat mo ba ako para doon humiga sa kwarto mo?"  Biglang wika nito.

Agad akong napabaling sa pinagmulan ng boses.   "Oo, sa sahig ka kasi nakatulog malamig pa naman baka mapano pa ang Baby."

"Ah ganon po ba."   Saka siya yumuko. "Lalabhan ko na lang po yung punda at kumot pati kobre kama."

Nilagay ko muna ang Macaroni sa kumukulong tubig bago ko siya muling binalingan. "Malinis pa naman yon lahat kaya bakit mo lalabhan?"

Muli na naman niyang nilaro-laro ang laylayan ng suot niyang t-shirt. "Madumi po ako nakakahiya sayo."

"Ganon ba. May mga binili ako para sayo andun sa couch tapos maligo ka na para hindi ka na madumi habang niluluto ko pa itong Sopas tapos sabay tayong kakain."  Nakangiting turan ko lalo at hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ko.

"Y-yung Basket ko po?"  Tanong niya ng hindi iyon makita sa pinaglapagan niyang sahig.

"Asa kitchen counter."  Turo ko.

Tahimik namang lumapit si Karen sa Basket niya saka kinuha ang lata at binilang ang laman.  "O-one hundred na lang po ang Pera ko."

"Ha? Para saan naman yan?"

Tumungin sa akin si Karen saka mapaklang ngumiti.   "Pambayad po sa mga binili n'yo para sa akin."

"What? Wait hindi ako nagpapabayad binili ko talaga yon para sayo you can keep that money I don't need it." Kinuha ko ang mga rekado saka ko hinalo sa Sopas na niluluto ko.  "Clean your self para makakain na tayo ng Meryenda mamaya luto na ito."

"May Jollibee pa po ako sa Bas—."

"I know pero kanina pa yan baka nga napanis na yan masama yan kay Baby."  Tutol ko.

Muling nagyuko ng ulo si Karen. "S-sanay naman na po akong kumain ng mga ganon saka ayoko pong tumira dito ng libre b-baka isumbat n'yo po sa akin kapag nagalit uli kayo gaya dati diba."

"Karen—."

"M-marunong na ako s-sa gawaing bahay Kuya Marcus kaya lilinisin ko na lang itong Unit mo ipaglalaba na din kita para kabayaran ng pagtira ko dito aalis din ako kapag nakapanganak na po ako a-ayoko pong makaistorbo kami ng Anak ko sa inyo."

Napabuntong hininga na lamang ako wala akong maisagot talagang ipipilit niya ang gusto niya. Kasalanan ko din naman kasi dapat hindi ko siya sinigawan at pinagsalitaan ng kung anu-ano dati.   "Okay kung saan ka kumportable."

"S-salamat po Kuya."  Lumapit sa akin si Karen saka inilagay sa bulsa ng pants ko ang isang daang piso nito na puro barya.  "Maliligo na po ako."

"Okay."

Tumalikod siya saka nagtungo sa Sala sinundan ko siya gusto kong makita ang reaksyon niya sakaling makita niya ang mga pinamili ko para sa kanya.

Kinuha ni Karen ang isang paper bag at hinila palabas ang laman non mga Dress iyon gaya ng lage niyang suot dati matagal iyong l tinitigan  ni Karen bago ko napansin ang marahang pagyugyog ng mga Balikat niya saka niya niyakap ang damit nagpunas siya ng luha at nilagay sa tabi ang hawak na damit muli siyang kumuha ng isang paper bag at nilabas ang laman non mga undergarments yon kumuha siya ng isang bra at panty saka niya muling binalik ang iba sa loob ng paper bag. Inisa-isa niya ang bawat laman ng paper bag napansin ko din ng kunin niya ang hygiene kit saka niya muling inayos ang mga damit binitbit niya ang mga iyon at nilagay sa gilid ng couch saka isinampay sa balikat ang tuwalya kasama ng mga napili niyang isuot at  nagtungo ito sa loob ng kwarto para maligo.

Mukhang mahabang proseso bago ko muling maibalik ang dati namin samahan. Maganda si Karen at malambing kaya nga may konting atraksyon akong nararamdaman sa kanya dati kaso pinipigil ko lang dahil ayokong masaktan ang Ate Katrina niya, six months na kaming mag-on ng makilala ko si Karen at unang beses ko pa lang siyang nakita talagang iba na ang dating niya hindi ko din akalain na aabot kami sa ganito na magiging Ina siya ng Anak ko.

Pinatay ko na ang stove saka ako nagsandok ng dalawang mangkok ng Sopas para sa amin ni Karen. Nilagay ko ang mga mangkok ng Sopas sa center table ng Sala para manonood kami ng TV habang nagmemeryenda.

Only when I SleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon