KABANATA 10

295 16 6
                                    

Macus' POV

"K-Kuya—."  Muling tawag ni Karen bago siya mawalan ng malay. Saglit akong natulala bago ko siya binuhat mula sa sahig. Agad kong kinuha ang susi ng Kotse mabilis pa sa kidlat ang ginawa kong pagtakbo palabas ng Unit ko buhat-buhat ito habang walang tigil ang pag-agos ng dugo niya.

"Sh*t! Bakit ang bagal ng l!ntik na Elevator na 'to!"  Sige ang dutdot ko sa pindutan nito ayokong umiyak pero hindi ko maiwasan lalo at walang humpay ang pagtulo ng dugo mula sa pagitan ng mga hita ni Karen.

"Bw*sit! Bumukas ka ng l!ntik ka!"  I roar. I don't want to loose them. Tears escape from my eyes as thoughts of her and our unborn child dying in my arms— no I won't let that happen!

Nabuhayan ako ng loob ng tumunog ang elevator at bumukas ang pinto nito. Nahawi ang ibang sakay non ng makita akong kalong si Karen habang walang malay at duguan.

"Anong nangyari?"  Usisa ng isang medyo may edad na babae.

"Dinugo ho siya— tulungan nyo ako hindi ko alam kung anong gagawin ko!"  Hindi ko inaasahan na kay Karen ko mararanasang umiyak ng ganito wala nga kaming Relasyon o kahit pagkakaunawaan man lang pero ipinagkatiwala niya sa akin ang sarili niya ng gabing iyon kahit mahirap lumaban siya para sa magiging Anak namin.

"Kalma ka lang may tumawag na sa amin ng Ambulansya tiyak na nasa baba na 'yon merong malapit na Ospital dito kaya magiging okay ang kasama mo."  Turan nito.

"T-thank you. Thank you."  Napasandal ako sa pader ng elevator habang kalong ko si Karen pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha hindi ko siya bibiguin sa pagkakataong ito, nagkamali na ako nung una at ayokong maulit pa iyon.

Halos takbuhin ko ang lobby palabas ng Condominiums ng muling bumukas ang pinto ng elevator naroon sa entrance ang Ambulansyang maghahatid kay Karen sa Ospital hindi daw ako pwedeng sumama sa loob kaya tinungo ko ang parking lot kung saan nakaparada ang  kotse ko, nagbilin muna ako sa Receptionist na tignan an Unit ko hindi kasi ako sigurado kung naisara ko ba ang pinto masyado na kasi akong nag-panic kaya hindi na ako nakapag-isip ng maayos.

***

Sumunod ako agad sa San Juan De Dios Hospital kung saan dinala sa Emergency room si Karen walang humpay ang pabalik-balik ko sa pintuan ng Emergency room kinakabahan ako napakaraming dugo ang nawala kay Karen baka mapano sila ng Anak namin.

Natigilan ako ng bumukas ang pinto ng Emergency room at lumabas mula roon ang Doktor tingin ko siya ang umasikaso sa mag-ina ko. Mag-ina ko? oo tama mag-ina ko sila pareho silang akin lalo na si Karen.

Lumapit ako sa Doktor bahagya itong Tumango at bumuntong hininga.  

"Kaano-ano nyo ho ang pasyente?". Seryosong tanong nito.

"Girlfriend ko siya Dok. Kumusta na po sila ng Anak ko?"

Muli itong bumuntong hininga. No. Parang hindi ko magugustuhan ang isasagot nito sa itsura pa lang nito pero nanatili akong naghihintay sa sagot nito.

"Mababa ang Matres ng Girlfriend mo and she looks young to have a child—."

Mahigpit akong napahawak sa magkabilang balikat nito.   "What do you mean about that Doc?"

"Sorry, we lost the Baby."  Hinawi nito ang mga kamay ko saka ako tinapik ng tatlong beses sa kaliwa kong balikat.   "Your Girlfriend survived she's a fighter better take care of her next time. We'll move her in her room after we clean her, Sir."  Turan nito bago tuluyang tumalikod at muling pumasok sa loob.

We've lost the Baby? Tama ba ang narinig ko? Sana nananaginip lang ako parang kanina lang maayos si Karen at ang Anak namin tapos biglang naging ganito. Anong sasabihin ko pag gising niya?  'Hello Karen nawala ang Anak natin' muling tumulo ang mga luha ko ni hindi ko man lang nakita at nahawakan ang Panganay ko.

"I'm sorry Baby—."  Bulong ko sa hangin kung nasaan man ngayon ang Anak namin sana masaya siya.  "Sorry kasalanan ni Daddy lahat."

Tumunog ang cellphone ko kinuha ko iyon mula sa bulsa ng pants ko. Si Kevin. Humanap ako ng tahimik na lugar kung saan ko pwedeng sagutin ang tawag nito.

Ilang minuto din ang tinagal ng usapan namin tungkol sa mga bagong Stocks na dadating mamayang gabi binilinan ko ito na i-check lahat bago tanggapin para iwas luge sa Negosyo. Ibinaba ko na ang tawag nito. Wala ng tao pagbalik ko sa Emergency room kung saan dinala si Karen sabi ng Nurse nilipat na nila sa Private room ang pasyente. Gusto ko na siyang makita kaya wala akong inaksayang Oras.

Room 415. Marahan kong inikot ang doorknob ng pinto naroon si Karen at wala pa ring malay pumasok ako at humakbang palapit sa kinahihigaan nito.

"Karen. I'm sorry. Promise hindi na mauulit. Aalagaan kita gaya dati nung okay pa tayo— namiss na kita sana bumalik uli yung dati ayokong nakikita kang malungkot. Paggising mo magbabago na ang lahat kung ayaw nila sayo andito lang ako nabigla lang ako nung Araw na 'yon please forgive me babawi ako sa mga pagkukulang ko sayo— I'm sorry."  Mahinang sambit ko alam kong hindi niya ako naririnig pero umaasa pa rin ako. Isinuklay ko ang mga daliri ko sa buhok niya tama ang Doktor napakabata pa ni Karen para sa mga ganitong bagay— she's just a Baby.

Yumuko ako para hagkan siya sa noo. Umupo ako sa upuang nakapuwesto sa gilid lang ng kama nito ngayon ko naramdaman ang pagod ko. Unti-unting bumigat ang talukap ng mga mata ko hanggang sa lamunin na ako ng kadiliman.

***

Karen's POV

Narinig kong lahat ng sinabi ni Kuya Macus pero maspinili kong makinig na lamang kesa ang salubungin ang mga mata niya masmagiging madaling tanggapin ang pagkawala ng Anak ko kung dedistansya ako sa kanya.

Nagmulat ako ng mga mata ko ng marinig ko ang malalim na paghinga ni Kuya Macus himbing na himbing siya. Napahawak ako sa tiyan ko wala na ang Baby ko kasabay ng pagtulo ng mga luha ko wala akong dapat sisihin sa nangyari dahil ako ang puno't dulo ng lahat ng ito kung hindi ko ginap@ng si Kuya Macus wala sana ako sa ganitong sitwasyon at hindi sana mawawala ang Anak ko— ang t@nga-t@nga ko kasi masyado kong inilusyon si Kuya dapat nakontento na lamang ako na hanggang Kapatid lamang ang kaya niyang ibigay sa akin.

Tinitigan kong maigi si Kuya, ang gwapo talaga niya kahit na masmatanda siya ng di-hamak sa akin ay talagang gustong-gusto ko siya simula nung ipakilala siya sa akin ni Ate hindi na siya nawala sa isipan ko at hindi ko din alam na aabot sa ganito ang kahibangan ko sa kanya. Sana nawala na lang rin ako tutal wala namang nagmamahal sa akin— kaya pala kahit anong gawin ko hindi ako kayang mahalin ni Mama gaya ni Ate, tanggap ko na hindi ako gusto ni Papa pero si Mama— nasasaktan ako kahit pano Anak pa rin naman niya ako eh di bale hindi na ako babalik sa kanila— pero saan naman ako pupunta? Wala na ang nag-iisang dahilan ko para magpatuloy tanging ako na lang.


Only when I SleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon