KABANATA 5

272 17 7
                                    

Macus's POV

Kinabukasan abala ako sa pagre-review ng mga Proposal ng tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at tinignan kung sino ang nag-chat. Si Steve nagpadala ito ng Video klinik ko iyon saka nag-play.

Isang malaking sunog ang naganap ngayon sa— para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ko ang pangalan Lugar— Mabini!

Agad akong tumayo saka ako nagmamadaling lumabas ng Opisina ko.

"Sir, may Meeting po kayo ng 9:30am!"  Paalala ng Sekretarya ko nang lagpasan ko ito para magtungo sa Elevator.

Bumukas ang Elevator saka ako pumasok. "Cancel all my Appointments."  Tumango lamang ang Sekretarya ko bago tuluyang magsara ang pinto ng Elevator.

Halos liparin ko na ang parking lot makarating lang ako sa Kotse ko saka ko iyon pinaharurot. Abot-abot ang dasal ko na sana walang masamang nangyari kay Karen. Dapat masaya ako ngayon dahil ito yung gusto ko na mahirapan siya dahil sa ginawa niya sa amin ni Katrina pero parang baliktad ata ang resulta ng mga iniisip ko parang nagkakapuwang na sa buhay ko si Karen lalo nang nalaman kong Buntis siya.

***

Trapik na nang malapit na ako sa Mabini maraming Truck ng Bumbero ang nakabalandra sa kalsada kaya minabuti kong itabi na lamang ang kotse ko saka ako lumabas at tumakbo palapit sa pinangyayarihan ng sunog makapal pa din ang usok may mga Residente ang nasa gilid ng kalsada na todo ang iyak dahil ang pinaghirapan nilang bahay ay nauwi lang sa abo.

Nakipagsiksikan ako hanggang marating ko ang eskinita kung saan nakatira si Karen nangangalit ang apoy may mga nagpuputukan pa, gusto kong sumigaw ng mga sandaling iyon kaso hindi ko magawa. Hindi ako makapaniwalang kagabi lang kausap at kasama ko ang mag-ina ko tapos ngayon heto at may ganitong eksena! Umaasa akong ligtas si Karen.

"Yung mga Residente pong nadamay sa Sunog kung pwede lang po magpunta po sa Covered Court para doon po muna kayo habang pinapatay pa po namin ang Sunog para maluwag po ang daanan!"  Paulit-ulit na sambit ng Lalakeng may hawak na Megaphone.

Nagkaroon ako ng pag-asang makita pa si Karen baka nga nasa Covered Court na siya.

"Excuse me ho, Sir. Saan ho Banda dito ang Cover Court?"  Tanong ko sa isa sa mga Bumbero pinagmasdan muna ako nitong mabuti saka ko lang naisip ang suot ko naka-coat pa nga pala ako. Itinuro naman ako nito sa direksyon kung saan ko matatagpuan ang Court.

"Salamat."   Tapik ko sa balikat nito saka ako nagmamadaling naglakad papunta sa Court.

Maraming tao kaya hindi maiwasan ang makipagtulakan at makipagsiksikan. Madali ko naman nahanap ang Court dahil may mga Tarpulin ng NGO na nagbibigay ng tulong ang iba naman ay galing sa Lokal na Pamahalaan.

Matangkad naman ako kaya advantage na para sa akin yon dahil madali kong nakikita ang paligid ko kahit madaming tao. Wala si Karen sa mga nakapila para sa libreng pagkain kung ganon baka nasa loob siya. Muli akong nakipagsiksikan sa mga tao para makapasok ako sa loob ng Court. Iginala ko ang mata ko nagbabakasakaling makita ko nga si Karen.

Inilang ikot ko pa ang buong paligid ng may napansin akong nakahigang Babae sa karton nakabaluktot ito at walang unan habang yakap ang Basket biglang bumilis ang pintig ng puso ko alam kong kay Karen ang Basket na yon kaya inilang hakbang ko lamang ang pwesto nito sa gilid ng Court kung saan malayo siya sa karamihan talagang kahit mag-isa na lamang siya hindi nawala sa kanya ang ugali na ihiwalay ang sarili sa karamihan gaya ng nakagisnan niya sa mga Magulang niya lage siyang hiwalay tanging si Katrina lamang ang may purong atensyon sa kanilang dalawa.

Si Karen nga. Himbing na himbing ang tulog niya habang mahigpit ang kapit sa Basket niya siguro dahil yon ang ikinabububay niya bukod sa pagsasayaw sa Club. Napansin ko ang maliit na lata ng Gatas, ano kaya yon. Umupo ako sa tabi niya babantayan ko na lamang muna siya mas kailangan niya ng tamang tulog at pahinga mamaya pag gising niya iuuwe ko na siya.

Only when I SleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon