KABANATA 8

276 18 17
                                    

Macus's POV

Matiyaga akong nag-antay kay Karen hanggang lumabas siya ng kwarto napalunok laway ako ng makita ko siyang suot ang isa sa mga napili kong Bestida. Agad naman siyang yumuko.

"B-bagay sayo. Mag-sopas muna tayo." alok ko saka ko kinuha ang remote ng TV. "Anong gusto mong panoorin?" tanong ko ng maka-upo na siya sa couch na kina-uupuan ko kaso may isang dipa naman ang layo namin sa isa't-isa.

"Hmmm meron pa po bang Wonder pets?"

Napangiti ako oo nga pala paborito yon ni Karen. "Teka hanapin ko kung saang channel yon ha, kain ka muna ng Sopas masarap yan."

"O-okay po." mula sa couch ay umupo si Karen sa sahig gaya ng dati niyang ginagawa sa tuwing nanonood kami ng Movie kasama ng Ate Katrina niya kaso hindi na siya gaya ng dati na maingay napaka-pormal na niya.

Natigilan ako sa paghahanap ng may kumatok sa pinto kaya binigay ko kay Karen ang remote saka ako tumayo para pagbuksan kung sinuman ang kumakatok.

Para akong naipako sa kinatatayuan ko ng mabungaran ko si Katrina na masayang nakangiti at may dalang Cake.

"Hindi mo ba ako papapasukin man lang?"

Agad din naman akong nakabawi sa pagkabigla. Tumikhim ako. "Why are you here?"

Ngumuso ito. "Didn't you missed me Babe?" Saka siya nagdere-deretso sa loob huli na para habulin ko pa ito.

"Karen?" Di makapaniwalang sambit ni Katrina saka ako nilingon. "What is she doing here?"

Natigil ang pagsubo ni Karen ng mainit na Sopas saka mabilis na tumayo. "A-ate?"

"Don't called me Ate! How dare you show your face! What are you doing here!?" Singhal nito.

Naawa ako ng yumuko na lamang si Karen saka niya mabis inabot ang laylayan ng suot niyang Bestida at nilaro-laro iyon ng mga daliri niya mukhang ninenerbiyos siya.

"Ano hindi ka na ba nakakaintindi ng English dahil isa ka nang mababang Uri ng Babae!" Bulyaw ni Katrina na nagpa-angat ng tingin ni Karen. "Nagulat ka ba at alam ko? Wow ha sabihin na lang natin nakita lang kita na nagsasayaw sa stage ang galing mo palang gumiling Bunso-."

"Tama na Katrina!" Pumagitna na ako sa kanilang dalawa mahirap na baka biglang sumugod itong isang ito.

"What, Macus? Are you yelling at me?"

"No Katrina. Masyado na kasing mataas ang boses mo nasa pamamahay kita kaya lower your voice." Maagap kong sagot na ikinainis nito.

"Paki-ulit nga Macus." Sarkastiko itong tumawa at bumaling kay Karen. "Anong ginagawa dito ng malanding yan!?"

"For God sake Katrina will you stop yelling." Mariing ulit ko alam kong natatakot na si Karen sa Ate niya baka mapano pa ang dinadala niya kaya dapat meron akong gawin.

Nilipat nito sa akin ang pansin. "Sagutin mo ang tanong ko para manahimik ako!"

"Buntis si Karen at Ako ang Ama is that the answer you want? Lower your f*cking voice will you." Mahinahong sagot ko ayaw kong matakot si Karen baka lalo lang lumayo ang loob niya sa akin.

Tulalang nakatitig sa mukha ko si Katrina parang iniintindi pa niya ang mga sinabi ko. "What?"

Huminga ako ng malalim saka ko nilagay sa magkabilang bewang ko ang mga kamay ko. "May nabuo nung Araw na yon at kaya siya andito dahil gaya ng sinabi mo nagsasayaw nga siya nagkaroon ng sunog at nadamay ang tinitirahan niya."

"At dito na siya titira sa Unit mo Ganon ba Macus!" Tumaas na naman ang boses nito.

"Look Responsibilidad ko si Karen at ang dinadala niya dahil ako ang Ama-." Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang isang malakas ng sampal ang dumapo sa kanan kong pisngi.

"How dare you say it to me! Pano naman ako Macus! Nagpakasasa ka din naman sa katawan ko diba! Ipagpapalit mo ba ako sa malandi kong Kapatid na yan! Inahas ka niya sa akin baka nakakalimutan mo!"

"I'm sorry."

"Sorry Macus? Talaga? So maspinipili mo yang malanding yan! Of all those years I never thought that we will end up like this and you chose her over me! I gave you everything tapos gaganituhin mo lang ako maspipiliin mo pa si Karen kesa sa akin! Akala ko ba Mahal mo ako!" Histerikal na saad ni Katrina pero ni isang luha wala akong makita sa mga mata nito sabagay hindi naman talaga iyakin si Katrina hindi gaya ni Karen na mababa lang ang luha.

Hinaplos ko ang parteng tinamaan ng sampal nito saka ko ito hinarap. "Malinis si Karen ng makuha ko siya ako pa lang ang Lalaking nakahawak sa kanya look Katrina marami ka pang makikilalang Lalaki na mashigit sa akin yung hinding-hindi ka sasaktan at oo Sila ang pinipili ko ang mag-ina ko."

Nagdilim ang mukha ni Katrina ng marinig ang mga sinabi ko ibinagsak nito ang bitbit na cake saka nito sinugod si Karen pero maagap ko siyang nahawakan sa bewang saka ko siga hinila palayo kay Karen na nanginginig na sa takot.

"Walang hiya ka Karen! Mang-aagaw ka! Hinding-hindi kita mapapatawad kahit kailan! Ipapaalam ko kina Papa at Mama ang mga pinaggagagawa mo! Malandi ka! Sana mamatay ka na lang kasama ng Bastardo mong Anak!" Paulit-ulit niyang sigaw habang hatak-hatak ko palabas ng Unit ko.

"Tama na sabi Katrina!" Angil ko nang mailabas ko na siya sa Hallway. "Ano bang problema mo! Diba ilang beses akong lumuhod sayo para makipag-ayos pero Ikaw mismo yung nakipaghiwalay! Sinuyo kita pero pinagtabuyan mo lang ako pareho nang ginawa sa akin ng mga Magulang mo! Pinalayas nyo si Karen wala siyang mapupuntahan at buntis siya dinadala niya ang Anak ko! Ano sa tingin mo ang dapat kong gawin ha!" Saka ko pinakawalan ang magkabila niyang balikat tingin ko mukhang nahimasmasan siya ng konti.

"M-Macus mahal kita eh- please naman bumalik ka na sa akin pwede namang yung Bata lang ang panagutan mo diba." Pagmamakaawa niya talagang wala ni isang luha man lang ang pumatak sa mula sa mata niya kakaiba naman ata ito kung magdrama.

"Gaya nang ginawa mo kay Kenneth?" Biglang nagbago ang aura ni Katrina ng marinig ang tinuran ko. "Bakit parang mamutla ka ata nang mabanggit ko yung pangalan na yon?"

"I-I can explain."

"Na may Anak ka na at tinatago mo lang at hindi alam ng mga Magulang mo. Hindi ka ba pinanindigan ng Ama ng Anak mo? Ganyan din ba ang gusto mong mangyari kay Karen? May Magulang ka na Todo suporta sayo dahil perpekto ka sa paningin nila habang si Karen wala tanging ako lang ang meron siya ngayon oo mali nga ang ginawa niya pero mas magiging mali ang lahat kung magbubulag-bulagan ako kahit alam ko na nabuntis ko siya kung anuman ang namagitan at mga nangyari sa atin pareho naman nating ginusto yon hindi kita pinilit kahit kailan."

Mahabang katahimikan ang namagitan sa aming dalawa nakikiramdam lang ako sa mga susunod niyang gagawin.

"K-kailan mo pa alam ang tungkol kay Kenneth?"

"Isang taon pa lang tayo. Sinundan kita nung sinabi mong may importante kang pupuntahan. Nagpunta ka sa Bahay Ampunan may Batang Lalaki ang yumakap sayo at tumawag sayo na Mama mukha pa atang nilalagnat yung Bata."

"Bakit wala ka man lang sinabi kahit Isa?"

"Lalaki ako Katrina hindi namin ugali ang hinalungkat ng bagay na pilit na itinatago ng nagmamay-ari."

"S-si Karen mahal mo ba siya?"

Tumikhim ako. "Mabait si Karen kahit na hindi siya katalinuhan gaya mo may mga bagay naman na nakakatuwa sa kanya kaya hindi siya mahirap mahalin."

Hindi na sumagot pa si Katrina tumalikod na lamang siya saka tahimik na naglakad palapit sa Elevator.

Minahal ko din naman si Katrina pero naglaho yon nang gabing may nangyari sa amin ni Karen.

Only when I SleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon