KABANATA 23

139 9 2
                                    

Karen's POV

Sabay kaming naligo ni Kaz para iwas sakit na rin lalo at ang tagal pa naman naming nagbabad sa ulan ang sarap kasi sa pakiramdam parang lahat ng pinapasan kong sama ng loob biglang naglaho na parang bula ang gaan sa pakiramdam na muli kong nagawa yung bagay na ginagawa ko dati noong bata pa ako at si Kuya Macus... lagi ko siyang kasama sa tuwing naliligo ako sa ulan talagang pumupunta siya ng bahay at nagbabaon ng pamalit na damit dahil sasabay lang siya sa akin na  magtampisaw sa malakas na ulan habang sige ang takbo ko sa kalsada tapos sige naman ang habol niya kahit na sinesermunan na siya ni Ate Katrina dahil magkakasamit daw siya... masaya ako ng mga oras na iyon dahil kasama ko siya ang namumukod tanging taong pinaramdam sa akin na mahalaga ako kaya nga nahulog ang ako hanggang sa nilagpasan ko ang hangganan ng kahibangan ko marami akong nasakatan pero mas higit na masakit ang balik sa akin ng ginawa ko.

Matagal kong tinitigan ang suot kong singsing.

"Mama. Ganda ka." pukaw ni Kaz sa malalim kong pagbabalik tanaw sa nakaraan.

Napangiti ako saka ko kinalong ang Anak ko humakbang ako palabas ng kwarto namin. Naabutan ko si Kuya Macus na nakamatiyagang nag-aantay sa amin ng Anak ko agad siyang lumapit sa akin para kunin mula sa braso ko si Kaz.

"Si Papa naman ang kakalong sa Baby na namin ni Mama!"

Tumili ng pagkalakas-lakas si Kaz ng iikot-ikot siya ng kinilala niyang Papa habang ako humakbang naman palapit ng mesa para hatiin ang cake takam na takam talaga ako kasi medyo matagal-tagal na rin simula ng huling beses akong nakakain ng cake kadalasan kasi nung buhay pa si Nathan ensaymada lang ang kaya ng budget niya pero ayos lang dahil ang mahalaga sa akin hindi niya nakakalimutan ang Birthday ko. Tumulo ang mga luha ko.

"Mama lungkot ikaw?"  natigilan ako sa paghiwa ng cake sabay angat ng tingin sa Anak ko na kalong ng Papa Macus niya. 

Umiling ako sabay punas ng mukha ko.

"Bakit ka iyak?"

"M-masaya lang si Mama, Anak kasi makakakain tayo ng cake."

Nagulat ako sa ginawa no Kuya Macus akala ko ay ibibigay niya sa akin si Kaz pero hindi pala sa halip ay pinunasan niya ang mga luha ko gamit lang ang kanan niyang kamay.

"Umupo ka na para makakain na tayo ng meryenda." 

Hindi na ako naka imik sumunod na lamang ako sa sinabi niya, umupo ako sa bakanteng upuan maingat naman niyang nilapag sa katabi kong upuan si Kaz saka niya kami pinagsilbihan. Masayang-masaya ang Anak ko sige ang kwento niya ng mga nangyari sa buhay naming mag-ina talagang lahat ng umaway sa kanya sinumbong niya kay Kuya Macus na sige lang ang tawa.

Ako na ang nagligpit ng mga nagamit namin habang si Kuya Macus naman ang nagbantay kay Kaz.

Tinuyo ko na ang mga kamay ko gamit ang towel na nakasabit sa handle ng fridge saka ako naglakad tungo sa sala kaya pala natahimik ang dalawa dahil pareho silang nakatulog sabagay malamig dahil malakas pa rin ang ulan. Yumuko ako para kunin sana si Kaz ng kabigin ako ni Kuya Macus kaya napasandal ako sa matipuno niyang dibdib buti na lamang at hindi ko nasagi ang Anak dahil tiyak na nagngawa siya kapag naputol ang tulog niya.

Humigpit ang kamay ni Kuya Macus na nakahawak sa bewang ko kaya kahit anong pagtutol ko ni hindi ako makawala.

"I miss you... it's been five years. Karen."

Hindi na ako nakapalag ng bigla niya akong halikan sa mga labi ko mainit ang mga labi ni Kuya Macus gaya dati napapikit ako hindi ko maitatangging hinahanap-hanap ko din ang halik niya. Banayad ang bawat galaw ng labi niya talagang nadadala niya ako hindi ko na kaya pang pigilin ang nararamdaman ko lalo pa at kanina lang ay inalok niya ako ng Kasal…

Napaungol si Kuya Macus ng tumugon ako saka niya lalong kinabig ang katawan ko palapit sa kanya kaso nagising si Kaz kaya agad akong humiwalay sa kanya nagpapalit-palit pa ang tingin sa amin ng Anak ko bago niya nilahad ang mga kamay niya sa akin senyales na magpapakuhanna siya kaya mabilis ko siyang kinalong hindi ko din kasi alam kung ano ang sasabihin ko kay kay Kuya Macus tungkol sa nangyari kanina lang.

Isinayaw-sayaw ko si Kaz para makatulog siyang muli marahang bumangon si Kuya Macus saka siya walang imik na umakyat ng hagdan ni hindi niya ako nilingon man lang. Galit ba siya dahil naputol ang halikan namin dalawa? Napakagat labi ako. Ano ba Karen bakit ka bumigat agad! Ramdam na ramdam ko pa rin ang mga labi ni Kuya Macus— tama bang ‘kuya’ pa rin ang itawag ko sa kanya?

Ilang kendeng ko pa at malalim na talaga ang tulog ni Kaz kaya umakyat na rin ako ng hagdan at nagtungo sa kwarto namin saktong kalalabas lang ng kwarto niya si Kuya Macus nagkatinginan kaming dalawa bago niya boluntaryong inikot ang doorknob ng pinto ng kwarto namin mag-ina saka niya iyon bahagyang tinulak para magbukas at para makapasok kami.

Natigilan ako sa paghakbang ng sumandal si Kuya Macus sa pinto sunod-sunod ang sipa ng puso ko bumawi ako ng tingin hindi ko kayang tagalan ang mga titig niya for me he was the most gorgeous  male I’ve ever seen… the only man I fall in love with yes he broke my heart but he never failed me when I needed him most.

Nakayuko akong pumasok ng kwarto saka ko maingat na hiniga si Kaz sa gitna ng kama pinalibutan ko siya ng mga unan malikot kasi siyang matulog para iwas hulog tiyak na iiyak siya at siguradong magmamaktol siya kapag nangyari yon. Napalingon ako ng sumara ang pinto akala ko sinara lang iyon ni Kuya Macus at umalis pero hindi dahil nagtungo siya sa aircon na nasa tabi ng bintana saka iyon binuksan kaya lalong lumamig sa loob ng kwarto napalunok laway ako ng muli akong titigan ni Kuya Macus parang nanunukso ang panahon malakas ang ulan habang kaming dalawa heto at nagsusukatan ng tingin… ano kaya ang nasa isip niya?

Nanlaki ang mga mata ko ng maghub@d ng t-shirt si Kuya Macus ito ang pangalawang pagkakataon na nakita ko ang katawan niya saka ko lamang napansin ang nasa pagitan ng mga hita niya napako doon ang tingin ko sa pagkakatanda ko masakit yon ng sapilitan kong ipasok sa sentro ko nakaramdam ako ng kaba pero hindi ko malaman kung dahil ba sa nerbyos o excitement.

“Karen.” he whispered.

Nanatili lamang akong nakatingala habang nakatitig sa mga mata niya talagang tuliro ako lalo at nasa ganitong sitwasyon kaming dalawa parang palabas lang sa tv na nag flashback ang lahat ng kalokohan ko ng gabing lasing na lasing si Kuya Macus.

Mauulit ba ang kapusukan kong iyon?








Only when I SleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon