KABANATA 4

259 16 2
                                    

Macus' POV

Hindi ko kinaya ang tagpong iyon kahit paano may pinagsamahan din naman kami ni Karen naging Kuya niya ako noong kami pa ng Ate Katrina niya alam ko din na hindi pantay ang trato nila Tito at Tita sa mga Anak nila maslamang ang pagtingin nila kay Katrina dahil matalino ito di gaya ni Karen na average lamang.

Naglakad ako pabalik ng parking lot kung saan nakaparada ang kotse ko saka pabagsak na umupo sa driver's seat hinayaan kong nakabukas ang pinto para ramdam ko ang lamig ng gabi sigurado akong nilalamig din ngayon si Karen pero tinitiis lang niya dahil wala siyang ibang aasahan kundi sarili lang niya.

Naisuklay ko ang mga kamay ko sa buhok ko. "Sh*t Macus! Hindi mo nga gusto pero binuntis mo!" kastigo ko sa sarili.

Natatandaan ko lahat ang mga nangyari alam kong si Karen ang kasama ko sa kama pero hinayaan ko lang mangyari ang hindi dapat mangyari ramdam kong gusto niya ako sa simula pa lang sa paraan ng pagtitig niya sa akin iba na ang dating non kaya siguro nung lasing ako nadala na din ako ng kapusukan ko hindi pa marunong humalik si Karen pero nagustuhan ko ang paraan nito ng pakikip@gt*lik parang ginagalugad at pinag-aralan niya ang lahat yon ang bagay na pinagkaiba nila ni Katrina dahil hindi ako ang naka-una sa kanya hindi gaya ni Karen na masikip pa kakaiba sa pakiramdam ko habang inaangkin ko siya bawat baon ko talagang napapa-ungol siya na hanggang ngayon e umalingawngaw sa utak ko! Lint*k!

Muli akong tumayo saka ko isinara ang pinto kotse ko naglakad ako nang naglakad hanggang marating kong muli ang pwesto ni Karen.

Nakayuko siya kaya lumapit ako siguro tulog o inaantok na siya.

Bigla siyang nag-angat ng tingin ng mapansin ang sapatos ko. "K-Kuya Macus?"

Bakas sa mukha niya na natatakot siya sa presensya ko lumingon-lingon muna si Karen na parang naghahanap ng saklolo saka ako muling binalingan ng tingin. "A-anong kailangan mo K-Kuya?"

Matagal ko siyang tinitigan wala na ang mga nakasanayan niyang mamahaling gamit gaya ng sapatos tanging tsinelas na lang ang sapin niya sa paa ibang-iba na siya sa nakilala kong Karen.

"Bakit hindi ka pumunta sa Condo ko nung pinalayas ka ng mga Magulang mo?"

Mapait na ngumiti si Karen. "Yon ba Kuya. H-hindi naman po makapal ang mukha ko para puntahan ka pa isa pa alam kong walang halaga sayo yung nangyari sa atin kasi lasing ka at Girlfriend mo non si Ate Katrina." huminga siya ng malalim. "K-kung anuman po ang sitwasyon ko ngayon kasalanan ko din naman e kasi pinilit ko yung hindi dapat,tama naman po ang mga sinabi ko diba."

Tumango lamang ako. "Anong oras ka uuwi?"

"Kapag naubos ko po itong mga paninda ko para may pambili uli ako bukas iba po kasi ang perang ginagamit ko pang puhunan sa mga paninda ko eh iba din yung sa pagsasayaw ko. Ikaw Kuya bakit hindi ka pa umuwi?"

Nanatili lamang akong nakatitig sa inosenteng mukha ni Karen medyo namayat siya at nag-mature na din kung mag-isip hindi gaya dati na isip Bata siya.

"Magkano lahat ng yan?"

Napalitan ng pagkagulat ang nakangiti niyang ekspresyon . "Bibilhin mo ba lahat ng tinda ko Kuya?"

"Oo." maikling sagot ko.

May munting luha ang tumulo mula sa mga mata ni Karen na agad niyang pinahid. "S-salamat po Kuya first time na makaka-uwi ako agad para matulog. Salamat po talaga."

Tumayo si Karen saka binitbit ang Basket. "Ihahatid na lang kita sa kotse mo Kuya para makatipid din ako ng pambalot na plastic labo at sando bag magkano din po kasi yon kapag binili sa tindahan eh. Salamat po talaga."

"Ako na ang magdadala niyan." umakma akong kukunin ang Basket sa kamay niya pero maagap na inilayo iyon ni Karen.

"Ayos lang po ako kaya ko tong bitbitin nasanay na ako sa bigat nito simula nung araw na sinipa ako ng mga Magulang ko sa bahay itong pagtitinda ng Balut ang nagtawid sa akin para hindi po ako magutom saka mabait din ang may-ari ng kinukuhanan ko ng mga paninda ko kasi pinatulog nila ako ng libre sa bahay nila tapos nung nagkapera na ako bumukod na ako nakakahiya po kasi tapos may nag-alok sa akin kung gusto kong magtrabaho sa Club masmalaki nga ang kinikita ko doon pero maskomportable ako sa pagtitinda kaya may limitado lang ang oras ko sa pagsasayaw." mahabang kwento ni Karen hanggang marating namin ang kotse ko. Tinulungan niya akong ilagay sa backseat ang mga binili ko.

"Teka b-bakit po Limang Libo ito Kuya Macus?"

"Isama mo sa ipon mo kung sobra."

Umiling siya at ibinalik sa akin ang Tatlong Libo. "Hindi mo ako kailangang kaawaan Kuya kasi kaya ko naman ang sarili ko pinasok ko ito kaya kakayanin ko itong lusutan sorry po kung nagulo ko kayo ni Ate Katrina wag kang mag-alala kasi wala kang maririnig sa akin na kahit ano. K-kung magtanong sila Mama at Papa tungkol sa akin pakisabing ayos lang ako." isang mahabang katahimikan ang namayani bago siya muling nagsalita. "K-kung magtanong lang naman sila p-pero kung hindi ayos lang wag mong sabihin sa kanilang buntis ako ha."

Nakasalubong ang kilay ko sa sinabi niyang yon. "Bakit naman?"

"Ayoko kasing magsalita sila ng masama tungkol sa magiging Anak ko di bale ng ako na lang yung pagsalitaan nila ng kung anu-ano wag lang ang Anak ko." kinuha na niya ang Basket mula sa loob ng kotse. "O yan tapos na ako sa pag-ayos tiyak hindi yan mababasag ang mga yan. Sige, uuwi na po ako. Salamat po ulit." bahagya siyang yumuko saka tumalikod at naglakad palayo sa kinatatayuan ko parang may kulang sa akin habang sige sa paghakbang si Karen, hahayaan ko na lamang ba ang mag-ina ko? Hindi na ako nakipagbalikan pa kay Katrina simula ng makipaghiwalay siya sa akin ni hindi ko na rin siya tinawagan o kinontak man lang parang biglang nagbago ang ihip ng hangin simula ng mangyari yong pagkakamaling yon.

Tumulo ang mga luha ko ng maisip kong kinakaya ni Karen ang lahat dahil nga sa kasalanan niya kung bakit nasa ganitong sitwasyon kami ngayon.

Hindi ko alam na may nabuo kami kahit unang beses pa lang, wala na siya sa bahay nila ng muli akong bumalik para sana makita siya hindi ko akalaing sa ganitong lugar pa kami magtatagpo. Medyo magulo pa ang lahat, kailangan kong makapag-isip ng tama kung hahayaan ko ang mag-ina ko o aakuin ko sila bilang Responsibilidad ko.


Only when I SleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon