KABANATA 27

128 12 1
                                    

Karen's POV

Bumangon ako upang magtungo sa banyo gusto kong maligo nanlalagkit na kasi ako kumuha na muna ako ng pamalit na damit ganon din ng tuwalya bago ako tuluyang pumasok ng banyo kahit napaka lamig mas pinili kong maligo gusto kong mahugasan ang katawan ko.

Hindi rin naman ako nagtagal nanginginig na rin kasi ako sa lamig dagdagan pa ng lamig ng aircon na sumalubong sa akin pagbukas ko ng pinto. Binalunbon ko sa mahaba kong buhok ang tuwalya saka ako lumapit sa kama para tingnan si Kaz, himbing na himbing pa rin ang Anak ko kaya nagpasya akong lumabas ng kwarto para magtungo sa kusina.

Nasa dulo na ako ng hagdan ng matanawan ko si Kuya Macus… Kuya? Tama bang ganun pa rin ang itawag ko sa kanya kahit na engaged na kami at may nangyari na naman sa amin… napangiti ako habang pinagmamasdan ito na abalang-abala sa ginagawa ano kayang niluluto niya naalala ko noon sa tuwing pupunta ako ng condo niya lagi niya rin akong pinagluluto kaya kahit hindi ko gusto nagkaroon ako ng crush sa kanya kasi maasikaso siya sa akin akala ko noon may gusto din siya sa akin pero nagkamali ako masyado pa akong bata noon at siya ang unang Lalaking hinangad ko na maging akin oo nagkamali ako minsan dahil pinilit ko ang sarili ko sa kanya kahit alam kung hindi pwede at bawal… ilang gabi ko din siyang iniyakan sinubukan ko ring ibaling sa iba ang nararamdaman kaya nabuo si Kaz pero nanatili pa din si Kuya Macus sa malaking bahagi ng puso ko… mahal ko siya mula noon hanggang ngayon siya lang masaya na ako at sana sa pagkakataong ito magkaroon na kami ng Happy ever after gaya ng mga napapanood kong palabas sa tv… sana nga.

Humakbang ako palapit sa kusina habang titig na titig sa malapad likuran ni Kuya Macus baka nga totoo ang sinabi ni Nathan sa panaginip ko na mahal ako ng Lalaking nasa harapan ko ngayon huminto ako malapit sa kusina gusto ko lamang siyang pagmasdan kasi baka biglang magbago ang lahat gaya noon na mula sa pagiging malambing, maasikaso niya sa akin ay napalitan ng pagkamuhi dahil lang sa isang pagkakamali na ginawa ko.

Napasinghap ako ng biglang lumingon sa gawi ko si Kuya Macus bigla akong nahiya ng maalala ko yung tagpo namin kanina lang parang ang b@stos ko lang ng mga sandaling iyon.

Hinagod niya ako ng tingin sabay ngiti. “Naligo ka na?”

Tumango ako.

“Hmmm you smell good ummm si Kaz?”

“Tulog pa siya. Anong iluluto mo?”

“Pakbet para makakain ka ng gulay para hindi ka malamya saka as usual magpiprito akong Hotdogs para sa Baby ko.”

“Salamat. Macus.” pikit matang turan ko paano hindi talaga ako sanay na tinatawag lang siya sa pangalan niya.

Tumawa siya ng malakas. “Wow, that sounds good. I mean my name. I liked it more kesa sa Kuya but you can call me Kuya when we are in the bedroom much better and more @rousing than usual.”

“Ha?” naku mukhang nag-iinit ata ang katawan ko sa sinabi niya ano ba ito parang gusto ko pa masmas@rap kasi siya ngayon kesa dati eh naku Karen wag kang kumirengkeng alalahanin mong may Anak ka na tama na ang isa— pinagmasdan ko si Kuya Macus abala na naman siya sa ginagawa napakagat labi ako talagang nakakatakam siya! Kung gagawin niya sa akin lagi ang ganon baka masundan namin si Kaz o baka hindi lang isa baka dumami pa kami o Lord kakayanin ko ba yon?

“Karen.”

Para akong timang na biglang bumalik sa tamang pag-iisip ng marinig kong tinawag niya ang pangalan ko. “A-ano yon?”

He chuckled. “Gusto kong hingin ang blessings ng Magulang mo bale… ano kung okay lang sayo.”

“Anong ibig mong sabihin?” alertong tanong ko medyo hindi ako gaanong kumportable sa ideyang iyon dahil magkikita na naman kami ng mga taong tinalikuran ako noong mga sandaling kailangan ko sila lalong-lalo na si Mama.

“Gusto ko kasing pormal na ianunsyo sa kanila na pakakasalan kita.”

“Seryoso ka ba talaga?”

“Diba binigyan na nga kita ng singsing sa tingin mo joke lang ‘yon.”

“Eh paano yung Babae mo? Paano kung maghabol siya?”

His brows furrow. “Babae?” Saglit siyang nag-isip. “Ah! Si Carla ba? She never was my Lover, we're just friends and period.”

Ngumisi ako saka ako lumapit sa kanya at humalukipkip sabay tingala para salubungin ang titig niya.  “Eh paano nga kung maghabol nga siya kasi mukhang de@d na de@d sayo ang bruhang ‘yon eh umamin ka nga naik@ma mo na ba siya?”

Nilapag ni Kuya Macus ang hawak na kutsilyo sa chopping board saka ako hinarap habang ang isang kamay ay nakapamewang at ang isa naman ay nakatukod sa mesa.  “Parang ang m@nyak ko naman ata sa paningin mo ah.”

“Bakit hindi ba totoo?”

Tumango-tango siya habang pigil ang ngiti ramdam ata niyang nagseselos ako.  “No. Hindi kami humantong sa k@ma. Bakit? Kasi simula nang iwan mo ako yung Demons Club na lamang ang pinagtuunan ko ng pansin saka hinanap kita lagi kitang pinagmamasdan mula sa malayo sa tingin mo ba magagawa ko pa bang mambabae pagkatapos mawala ng Panganay natin alam mo matagal na akong tumigil sa pambababae simula ng may nangyari sa ating dalawa five years ago. So Happy ka po ba sa sagot ko?”

Oo happy ako pero ayaw kong ipahalata dahil tiyak na matutuwa siya kaya umismid ako.  “Para lang sa kinabukasan ni Kaz kaya ako magpapakasal sayo at tungkol kina Mama okay lang sa akin na hingin mo ang blessings nila pero wag nilang asahan babalik ang lahat sa dati dahil kahit kailan hinding-hindi ko kayang kalimutan ang mga nangyari lalo na ang nawala kong A-anak ni hindi ko naman lang siya nakita o nahawakan a-ang sakit lang kasi iningatan ko yon eh s-sumayaw ako para lang may makain kami tapos—.”

“Tama na, Karen. Nasasaktan din ako. Anak ko din ang batang ‘yon kasalanan ko ang lahat kung pinanagutan kita simula pa lang hindi mo sana naranasan ang mga bagay na iyon at hindi ka itatakwil ng Pamilya mo. I'm sorry Karen dahil naduwag akong harapin ang responsibilidad ko sayo at sa Anak ko pero sa pagkakataong ito hindi na ako magkakamali dahil paninindigan na kita hindi ko sasayangin ang second chance na binigay sa akin ng diyos para makasama kang muli. I love you Karen mas minahal kita kesa sa Ate mo. The day I lay my eyes on you is the day my heart starts beating and that very moment I knew that I was in love and it's you not your Sister.”

Hindi na ako naka imik ng mahigpit akong yakapin ni Kuya Macus siguro panahon na rin para makaharap ko ang mga Magulang ko at si Ate Katrina… natatakot pa rin ako sa kanila hindi ko magawang makalimutan ang mga itsura nila ng araw na nakagawa ako ng malaking kasalanan pero pinagbayaran ko naman ang kapusukan kong iyon basta magiging pormal na lamang akong sa araw ng muli naming paghaharap.

Only when I SleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon