KABANATA 13

203 9 8
                                    

Macus' POV

Naging maayos naman ang takbo nang lahat madalang na lang kung magpakita sa akin si Katrina para mag baka sakali kung pwede pa kaming magbalikang dalawa naging mabuting Girlfriend  naman siya pero simula ng may mangyari sa amin ni Karen parang biglang nalusaw lahat ng nararamdaman ko para sa kanya at natuon iyon lahat sa bunso niyang Kapatid.

Halos isang buwan na rin simula ng malaglag ang dinadala ni Karen at isang buwan na rin ang tinakbo ng pasukan naging abal siya sa mga gawain sa paaralan minsan ginagabi siya ng uwi hindi dahil sa gumagala siya o bumabarkada kundi dahil sa pumasok siyang tindera sa Palengke meron daw kasing pwesto sa Palengke ang Lolo ni Nathan ang lalaking nakilala niya noong mga panahong binabalewala ko pa siya— mas gusto ni Karen na pinaghihirapan niya ang lahat ng perang ginagastos niya ni minsan hindi siya humingi sa akin ng baon o pamasahe dahil nagba-bike siya papasok sa Public School kung saan nag-aaral din si Nathan.

“Ginabi ka na?” Talagang inantay ko siyang maka-uwi pasado alas otso na kasi wala pa siya.

Sinulyapan ako ni Karen habang tinatanggal ang school shoes niya saka iyon tinabi sa shoe rack.  “Oo Kuya marami kasing tao kanina sa Palengke kaya hindi ko maiwan sila Lola.”

Tipid niyang turan bago dumeretso sa couch na ginawa niyang tulugan niya.  “Oo nga po pala Kuya inalok ako ni Nathan na sa kanila na lamang tumira para malapit lang sa School saka sa Palengke.”

Saglit akong nablangko sa sinabi niyang iyon. Balak niya bang umalis sa poder ko?

“Inalok ka ng kaibigan mo?”

“Boyfriend po, Kuya.” agad niyang sagot na nagpahinto ng mundo ko si Karen may Boyfriend na? Paano kami? Wala na ba talaga kaming pag-asa? Bumabawi naman ako sa mga pagkukulang ko sadya pilit lang siyang lumalayo sa akin yung tipong kahit anong pilit kong itali siya sa tabi ko siya mismo ang kusang kumakawala.

“B-boyfriend?” ulit ko.

Tumango-tango si Karen.  “Oo si Nathan kami na pong dalawa, Kuya.”

Parang gusto kong umiyak pero ayokong ipakita sa kanya na nasasaktan ako ganito pala ang pakiramdam ng binabalewala ang sakit-sakit.  “P-parang ang bilis naman ata diba tapos kayo na.”

“Dati pa po siyang lumiligaw sa akin pero kailan ko lang siya sinagot nung nakapag-isip ako ng maayos.”  Nakangiting turan niya habang abala sa pagliligpit ng mga gamit.

“Ganon ba? P-paano tayo?”

Tumigil siya sa ginagawa saka ako binalingan nawalan ang ngiti niya.  “Wala naman pong tayo isa pa masyado po kayong masakit mahalin.”

“Pwede naman tayong mag-umpisang muli diba gaya dati.”  Pagsusumamo ko.

Umiling si Karen sabay ounas ng mga luha.  “Sorry Kuya kung nagkamali man ako pinagsisisihan kong pinakialaman ko ang bagay na hindi naman sa akin diba. Oo, mahal po kita pero dati yon.”

“Karen?”

“Ayoko na pong balikan lahat ng masasakit na alaala gusto ko na pong magsimulang muli at kasama pi kayo sa mga masasakit na alaalang ayaw ko ng balikan.”

“Karen.”  Tanging sambit ko.

“B-bukas po susunduin po ako dito ni Nathan wag po kayong mag-alala dahil hinding-hindi ko na po kayo iistorbuhin at lalong hindi nyo na po ako makikita, Kuya.”

Tumikhim ako matagal kong tinitigan ang maliit na babaeng nakatayo ngayon sa harapan ko— ang babaeng minsan nagdala ng dugo ko at nagmahal sa akin ng palihim hindi ko akalaing sa ganito kami hahantong siguro kung hindi nawalan ang Baby namin baka sakaling hindi niya maisipan ang umalis sa poder ko siguro nga kaso kinuha siya agad sa amin hindi ko siya masisisi kung iwan niya ako dahil wala akong kwentang tao nasa harap ko na yung taong nakahandang isuko ang lahat para sa akin pero binalewala ko.

Muli akong tumikhim.  “G-ganon ba, Karen? Hmmm mga anong oras ka naman susunduin dito ng Boyfriend mo?”

“Sabado po bukas kaya maaga niya akong dadaanan po dito iiwanan ko na lang po yung binili nyong bike para sa akin. Salamat po uli, Kuya Macus.”

Tumango na lamang ako saka ako nagtungo sa kwarto ko at tahimik na lumuha sa pagkakataong ito tingin ko tuluyan nang mawawala sa akin si Karen hindi ko na siya kayang hawakan.

“Karen— Karen— Karen—.” Paulit-ulit kong bulong sa hangin bukas iiwanan na niya akong mag-isa at hindi na siya babalik pa isa ako sa mga alaalang ayaw na niyang balikan pa.

***

Maaga akong naging pero mas maagang gumising si Karen nakabihis na siya ng madatnan ko sa kusina.

“Good morning Kuya, pinagtimpla po kita ng kape.”  bati niya ng biglang may kumatok sa pinto.

“Baka si Nathan na yan. Saglit lang po ha.”

Tumango lamang ako saka ko siya sinundan ng tingin habang palapit ng pinto. Tumulo ng naman ang luha ko pero agad ko din iyong pinunasan ayokong umiyak sa harapan niya at ng lalaking pinili niyang makasama.

“Ang aga mo ata ah.”  Magiliw na turan ni Karen sa baging dating.

“Syempre ayokong pinag-aantay ang Girlfriend ko saka excited na rin si Lola na sa bahay ka na titira kaya ayun kagabi nilinis niya agad yung kwartong tutulugan mo.”

“Ay ganun ba ang bait talaga ni Lola!”

“Ang sabihin mo botong-boto siya sayo kaya wag daw kitang paiiyakin dahil bibikwasan daw niya ako kapag ginawa ko yon o diba ang lakas mo sa Lola ko!”  Sige naman ang tawa ni Karen tahimik ko lang silang pinagmasdan magkasing edaran lang sila halos kasing tangkad ko ang Lalaking pinili niya malungkot akong napangiti tanggap ko na ang pagkatalo ko. Hindi na namin maibabalik ang dati gaya ng gusto kong mangyari.

Nahinto sa pagsasalita ang Boyfriend ni Karen ng mapansin akong nakatayo sa kusina. 

“M-magandang umaga po.”  bahagya pa siyang yumuko bilang tanda ng paggalang.

“Magandang umaga din sayo. Susunduin mo na ba si Karen?”. Lakas loob kong tanong kahit ang totoo umaasa pa akong magbago ang isip nila.

“Opo.” Sagot nito na nagpaguho sa natitira kong pag-asa.

“Bakit hindi ka na muna umupo.”  Alok ko sa Boyfriend ni Karen gusto ko kasing pahabain pa ang oras na kasama ko siya.

“Hindi na po. Aalis din po kami agad kasi magtitinda pa po kami sa pwesto nami. Sa Palengke matao po kasi ngayon at si Lola lang po yung andun ngayon eh. Salamat na lang po.”  Tanggi nito.

Agad na kinuha ni Karen ang isang backpack bag at eco bag na naglalaman ng mga personal niyang gamit. Kinuha naman mula sa kanya ng Boyfriend niya ang lahat ng dalahan niya bago muling bumaling sa akin.

“Sige ho, alis na po kami Kuya Macus.”  paalam nito.

Tumakbo palapit sa akin si Karen at niyakap ako ng mahigpit.  “Salamat po, Kuya.”

Isang mabagal na tango lang ang sinagot ko sa kanya habang titig na titig ako sa maamo niyang mukha ito ang huling beses na masisilayan ko ang mukhang ito dahil sa oras na tumapak na siya palabas ng pintuan ng condo ko malaya na siya na parang ibon at siguradong hindi na kami magkikita pa.

Tipid na ngumiti si Karen saka kumalas sa pagkakayakap sa akin saka siya naglakad pabalik sa kinatatayuan ng Boyfriend niya at sabay silang lumabas ng Unit ko.

Hinding-hindi ko malilimutang ang tunog ng pagbukas at pagsara ng pinto ang bigat ng pakiramdam ko ni hindi ko na nagawa pang inumin ang kapeng tinimpla ni Karen.

Paalam…

Only when I SleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon