KABANATA 14

219 11 5
                                    

Macus' POV

Nahihinang napaupo ako sa sahig ng kusina tuluyan na akong iniwan ni Karen. Wala na. Pareho silang nawala sa akin sinikap ko namang ayusin ang lahat pero hindi na umobra talagang wala.

“Karen.”  Sambit ko habang nakasandal sa pader ang ulo ko at nakatanaw sa kawalan ramdam ko ang mainit na luhang. Umagos mula sa mga mata ko.  “Wag mo akong iwan please bumalik ka sa akin kailangan kita. Mahal na mahal kita.”

***

After 5 years

Namuhay akong mag-isa simula ng iwan niya ako nawalan na rin ako ng ganang makipag-date o makipag sosyalan halos lahat ng oras ko nauubos na lamang sa pagtatrabaho ko minsan kulang pa nga kaya lalong lumaki ang value ng Club na pagmamay-ari ko naging sikat ito sa mga Artista nagkaroon na rin ako ng mga branches sa iba’t-ibang lugar naging mas kilala ako ngayon sa mundo ng Business kesa noon.

Iniwan ko ang mga barkada ko lalo na at wala naman silang naitutulong sa akin mundi ang gumimik lang at kumilala ng mga Babae para sa panandaliang aliw. Sawa na ako sa buhay binata gusto ko ng lumagay sa tahimik at iisang tao lang ang paulit-ulit kong binabalik-balikan si Karen. Kumusta na kaya siya? Ang huli kong balita ay ang kinasal siya doon sa Boyfriend niya wala naman sigurong masama kung dumalaw ako sa kanya saka gusto ko talaga siyang makita.

Inayos ko ang mga dokumentong pinirnahan ko saka ako lumabas ng opisina ko at binigay ang mga iyon sa Sekretarya ko.

“Sir, meron po kayong meeting mamayang 6:00 pm sa bago po nating Supplier.”

“Okay. Thanks for reminding me.”

“Nga po pala Sir si Miss Carla po nagpapasabi siya sa inyo na kung pwede nyo raw siyang sunduin sa Airport ngayon daw po kasi ang balik niya sa Bansa.”

Natawa ako sa tinuran ng Sekretarya ko.

“Sir?”

“Tawagan mo siya at pakipaalala sa kanya na hindi ko kamu siya Girlfriend para utusan akong sunduin siya higit sa lahat hindi ako interesado sa kanya.” 

“Noted po Sir!”  Nakangiting sagot nito hindi naman halatang ayaw din niya kay Carla.

Isang kaway lang ang sinagot ko sa kanya bago ako bumaba ng hagdan nasa third floor ang opisina ko kaya hindi na kailangan pa ng elevator tutal hanggang tatlong palapag lang naman ang Demons Club ko.

Bumati sa akin ang Bouncer ng makita akong palabas ng lobby ng club saka ako dumeretso sa kotse ko. Alam ko naman kung saan nakatira sila Karen sisilip lang ako talagang gusto ko siyang makita.

***

Karen's POV

“Tama na ho! Bahay ho ito ng Asawa ko kaya may karapatan kami ng Anak ko na tumira dito!”  Pagmamatigas ko sa Tiyahin ng yumao kong Asawa habang sige ang palahaw ng iyak ni Kazandra lalo at kitang-kita niya kung paano nila itapon sa kalsada ang gamit naming mag-ina.

“Ang kapal ng mukha mo! Hoy! Pagmamay-ari ng Nanay ko Bahay na ito at ikaw at yang Anak mo magsilayas kayo dito! Wala na ang Nanay ko kaya wala na ding dahilan para tumira pa kayo dito! Layas!”  Hasik nito.

“MAMA! MAMA!”  Iyak ng anak ko habang mahigpit na nakakapit sa leeg ko pasalamat siya at kalong ko si Kazandra.  “TAKOT KAKAZ! TAKOT!”

Hindi na ako lumaban pa ayokong matakot ng tuluyan ang Anak ko kaya wala akong ibang nagawa kundi ang pulutin na lamang isa-isa ang mga damit namin.

“Ssshhh. Wag kang matakot Kaz hindi na galit si Mama.”  Paliwanag ko habang sige ang tulo ng mga luha ko talagang hi di nila kami tanggap bilang parte ng pamilya nila kahit noong nabubuhay pa si Nathan ay hindi talaga nila ako gusto at lumala pa iyon ng aksidenteng ma-hit and run ang Asawa ko walang araw na hindi nila ako pinapahirapan kaya.magamda na rin siguro na umalis na lang kami ng Anak ko wala na rin naman si Nanay Luz ang Lola ni Nathan wala ng magtatanggol sa amin ng Anak ko.

“Naku kahit kailan talaga yang Tiyahin ng Asawa mo ang kapal ng mukha! O siya umupo ka na lang muna at kami ng pupulot ng mga damit nyo.”  presinta nito.

“S-salamat po Aling Azon. S-salamat ho.”  Saka ako sumulampak sa gilid ng kalsada habang mahigpit kong yakap ang nag-iisang alaala sa akin ni Nathan. Wala akong pinagsisisihan na siya ang pinili ko sa halip na si Kuya Macus, naging masaya ako sa maikling pagsasama namin ng Asawa ko mabuti siyang tao kaya mahal ko siya.

“Tahan na Anak. Mamaya bibili tayo ng ice cream.”

“Mama wala bahay Kakaz?”  Muli na namang tumulo ang mga luha ko hindi ko akalaing nauunawan na ng Anak ko ang mga nangyayari sa paligid niya.  “A-ayaw nila tayo love, M-Mama.”

Hindi na ako nakasagot muli na namang bumuhos ang mga luba ko. Wala pang isang taon si Kazandra ng mamat@y si Nathan kaya siguradong hindi niya natatandaan man lang ang itsura ng Papa niya kahit ang mga araw na naglalaro silang mag-ama tiyak na malilimutan din noya habang nalaki siya muli kong niyakap ng mahigpit ang Anak ko saka mo inubos ang mga luha ko ganitong-ganito ang naramdaman ko dati noong pinalayas ako ng mga Magulang ko.

“Tapos na naming mapulot lahat. Kung gusto mo pwede kayong mag-ina doon sa bahay namin kahitaliit lang e ang mahalaga e may matutulugan kayong dalawa e mukhang uulan na naman ata mamaya.”

Tumango ako.  “S-salamat po sa pag mamagandang loob pero ayos lang po kaming mag-ina.”  sagot ko kay Aling Azon.

“E saan naman kayo pupunta niyan ngayon?”  Tanong ni Aling Minda.

Nag-isip muna ako ayokong sabihin sa kanila na wala akong mapupuntahan dahil alam ko naman na pagtalikod ko ako na ang topic ng buong Barangay.

“Uuwi po kami sa mga Magulang ko.” pagsisinungaling ko.

“Ganon ba? O di maigi pala akala ko e magpapagala-gala na lang kayong mag-ina sa kalsada lalo at mukhang wala na talagang balak ang tiyahin ng nasira mong Asawa na patuluyin kayo diyan sa bahay ninyo.”

Ngumiti lang ako saka ako tumayo inayos ko ng pagkakakalong ang Anak ko saka ko kinuha ang dalawang bag na naglalaman ng mga gamit naming mag-ina may pera naman ako eh tiyak naman na sasapat na iyon sa amin ng Anak ko hanggang makahanap ako ng trabaho.

“Sige ho, aalis na kami.”  Paalam ko sa kanila.

Para lang akong Artista habang naglalakad paano sa akin lahat nakatuon ang maya ng mga kapitbahay namin.

Sige lang ang lakad ko hanggang marating ko ang Park na madalas naming pasyalan ni Nathan noong pinagbubuntis ko pa lang ai Kazandra minabuti kong umupo na muna sa paborito kong tambayan tutal nakatulog na rin naman ang Anak ko maya na lang siguro ako maglalakad at bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko basta magkasama kaming mag-ina lahat kakayanin ko.

Medyo kumulimlim na tiyak na uulan na ulit kailangan kong humanap ng masisilungan.

“Karen.”

Isang pamilyar na boses ang tumawag sa pangalan ko alam kong kinalimutan ko na siya pero naroon pa rin ang kakaibang pakiramdam at kirot sa puso ko dahan-dahan ang ginawa kong paglingo. Sa likuran ko para siguraduhin kung talagang siya nga iyon.

Tumulo ang mga luha ko. Ang taong pikit kong kinalimutan sa loob ng limang tao narito ngayon sa harapan ko tumanda siya pero napakagwapo pa rin niya.

Ngumiti siya sa akin saka naglakad palapit at walang imik na kinuha ang dalawang bag na dala ko. 

“Halika na uulan na. Umuwi na tayo.”

Kagat labi akong sumunod sa kanya naalala ko dati noong nasunugan ang tinitirahan kong Lugar dumating din siya para kunin ako at sa pangalawang pagkakataon dumating din siya para kunin kami ng Anak ko.

Only when I SleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon