KABANATA 21

165 10 8
                                    

Macus' POV

Inubos ko muna ang mga luha ko bago ko muling pinagpatuloy ang pagluluto ko ng spaghetti para sa Anak ko kahit hindi siya akin kay Karen pa rin siya galing kaya mamahalin ko siya at aalagaan babawi ako.

Hinanda ko ang hapag ng matapos akong magluto para makakain na din kami hindi ko na inisturbo si Karen mukhang malalim na naman ang iniisip niya.

"Baby ko handa na ang pagkain halika na kayong dalawa ni Mama." tawag ko.

Nilingon ako ni Kaz saka niya binitawan ang yakap na laruan at tumayo hindi ko napigilan ang luha ko paano kaya kung nabuhay ang Anak namin...

"Yehey! Mama tara!" hila nito sa Ina na ngayon at nakangiti na ang bilis magbago ng emosyon ni Karen o baka nasanay na siya na ganon.

Magkatabi silang mag-ina habang ako naman ang nasa sentro ng hapag. Maganang kumain si Kaz ganon din si Karen siguro nakaranas silang mag-ina ng gutom dati lalo na ng mawala si Nathan ni hindi man lang siya pinakitaan ng awa ng kamag-anak ng napangasawa niya.

"Sarap!"  walang paglagyan ang saya ni Kaz sige ang kagat sa pritong manok.

"Nak, dahan-dahan lang baka naman mabulunan ka niyan eh."

Tinapunan niya tingin si Karen.  "Ngayon lang kain Kaz dami sarap!"

Isang tipid na ngiti lamang ang sinagot ni Karen sa Anak sabay tango.

Bumaling sa akin si Kaz.  "Papa pwede isa manok?"

Parang  kinurot ang puso ko sa tanong niyang iyon saka ako tumango.  "Baby hindi mo kailangang manghingi kay Papa basta nasa mesa pwede mong kainin. Okay." masuyong turan ko.

Natigilan si Kaz. Namilog ang mga mata niya.  "Di galit Papa?"

Umiling ako.  "Bakit naman magagalit si Papa kay Kaz?"

Tumingin muna ito sa Mama niya bago muling bumaling sa akin saka siya sumagot.  "P-palo nila si Mama kapag dami kain Kaz e gutom Kaz dami, Papa."

"Anak tama na 'yan kumain ka lang ng kumain." saway ni Karen.

Muli siyang nilingon ng Anak.  "Mama gusto lang Kaz kwento Papa palo ka nila lage kasi wala si Papa iyak ka lagi diba gutom Kaz ayaw nila bigay Kaz."

"Tama na, Anak." tumayo si Karen at mahigpit na niyakap ang Anak tingin ko naaalala pa niya ang pinagdaanan nilang mag-ina sa kamay ng mga kamag-anak ng tunay niyang Ama.  "Ssshhhh h-hindi ka na magugutom Anak k-kasi andito na si Papa diba."

Mula sa mga braso ng kanyang Ina ay sinilip ako ni Kaz hindi maitago ang lungkot sa mga mata niya lalo ng magsalita siya talagang tagos sa kaluluwa ko ang mga sinabi niya.

"W-wag na alis Papa ha... away nila Mama Kaz gutom Kaz ayaw bigay pagkain iyak Mama lagi... wag ka na alis Papa wag iwan Mama—." mahinang iyak ng Anak ko— oo simula ng kinuha ko sila doon sa parke ng araw na iyon inako ko ng Anak ang batang bunga ng pagmamahalan ni Karen at ng namayapa niyang Asawa isa pa hindi mahirap mahalin si Kaz dahil malambing siyang bata gaya ng kanyang Ina.

Sa murang edad alam na ng batang ito kung gaano kalupit ang buhay alam kong ginawa lahat ni Karen para protektahan siya sadyang may mga tao lang talaga na kapag wala kang pera wala ka ring halaga sa kanila. Pigil ko ang galit ko sa mga taong gumawa nito sa kanilang mag-ina isa pa ayoko na ring magkaroon sila ng ugnayan sa mga hilaw nilang kamag-anak. Hanggat buhay ako hindi na nila masasaktan pa ang mag-ina ko.

Tumango ako. "Opo hindi na aalis si Papa."

Tuluyang humagulhol ng iyak si Kaz sabay talon pababa sa upuan nito para yakapin ako ng mahigpit.  "Mamat Papa! Ayaw Kaz balik doon wag iwan Kaz ha."

Isang mahigpit na yakap ang tinugon ko sa maliit na bata na talagang pumukaw sa damdamin ko... sana akin na lang si Kaz magiging mabuti akong Ama para sa kanya.

***

Hindi na humiwalay sa akin si Kaz hanggang makatulog ito maingat ko siyang nilapag sa kwarto nila ng Mama niya saka ako bumaba at nagtungo sa kusina kung saan abalang naghuhugas ng mga pinagkainan namin si Karen.

"Matalinong bata si Kaz." pagsisimula ko ng pwede naming pag-usapan gusto ko ulit marinig ang boses niya gaya dati noong hindi pa nangyayari ang gabing iyon.

Nilingon ako ni Karen.  "Mana sa Papa niya."

Natahimik ako sa sagot niya saka ako humakbang palapit sa lababo kinuha ko sa drawer ang malinis na towel para punasan isa-isa ang mga nahugasan niyang pinggan at baso.

Hindi na umimik si Karen para lang kaming mga tuod na magkatabing nakatayo sa harap ng lababo.

"Ummm gusto kong maging Anak si Kaz." basag ko sa katahimikan.

Huminto si Karen sa ginagawang paghuhugas ng mga kamay bago pinihit pasara ang gripo.

Hindi na naman siya kumibo. Nanatili lamang siyang nakatayo sa gilid ko.

"Gusto kong maging bahagi ulit ng buhay mo hindi ako nangangako pero sa pagkakataong ito paninindigan kita."

"Bakit?" naka yukong bulong ni Karen.

"Gusto kong bigyan ng Pamilya ni Kaz gaya ng mga normal na bata merong Nanay na mag aalaga sa kanya at Tatay poprotekta sa kanya... kanina ramdam ko ang takot ni Kaz sa mga kamag-anak ng Asawa mo—."

"S-sinasaktan nila ako sa tuwing humihingi ako ng pagkain kahit para sa Anak ko na lang tutal kadugo nila si Kaz pero kahit pala magkadugo kaya pa rin nilang tiisin na magutom ang Anak ko... simula ng namayapa si Nathan naging ganon na sila sa amin pero noong buhay pa ang Asawa ko alam mo ba na mahal nila kami kaso lahat ng iyon pakitang tao lang pala kasi masipag si Nathan at hindi madamot kung anong meron kami meron din sila diba ang sakit lang lalo at walang tumatanggap sa akin dahil may bitbit akong bata ang hirap-hirap walang-wala kaming mag-ina..."

Napaatras si Karen ng punasan ko ang mga luha niya gamit ang palad ko titig na titig siya sa akin. Oo nagbago ang itsura niya tumanda siya dahil sa stress pero siya pa rin si Karen na Ina ng Panganay ko. Masuyo ko hinaplos ang magkabila niyang pisngi matagal kong inasam na mahawakan ko siya ng ganito kalapit.

"Pakasalan mo ako."

"M-Macus?"

"Binili ko itong bahay na ito para sayo hinanap kita noong umalis ka nasaksihan ko din nung kinasal ka simple pero napakaganda mo ng araw na iyon... nasaktan ako kaya lumayo ako nawalan ako ng balita sayo sorry kung nahirapan ka... sorry kung wala ako nung mga sandali na kailangan mo ng tulong... sorry kung naranasan mong magutom... sorry Karen. Alam kong hindi madaling hingin ang kapatawaran mo pero hindi ako susuko hanggang bumalik tayo sa dati hanggang maging maayos na ang lahat."

Ramdam ko ang panginginig ni Karen kaya niyakap ko siya kaso nanlaban siya kaya maslalo kong hinigpitan ang kapit ko sa maliit niyang katawan.

"L-lahat kayo iniwan nyo ako... ang sakit-sakit lahat ng iyon hindi ko nalimutan kahit isang saglit l-lagi kong napapanaginipan yung araw na pinagtabuyan nyo akong lahat lalo ka na s-sinigawan mo ako!"

"Karen. Please..."

Sunod-sunod ang iling niya habang namimilog ang mga mata niya sa takot. 

"Bitiwan mo ako! Sinasaktan nyo lang ako eh lahat kayo!"

Maslalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya alam ko kasing sa oras na makawala siya siguradong tatakbo na naman siya palayo sa akin.

"Karen. Tama na please..." niyakap ko siya palapit sa akin gusto kong maramdaman niya ang presensya ko para kasing nawawala siya sa katinuan o baka dala lang ito ng matinding takot wag naman sanang magkaroon ng epekto sa kanya ang mga naranasan niya.

Nagsisisigaw si Karen mabuti na lamang at nasa taas ang mga kwarto pagnagkataon kasi siguradong magigising si Kaz ayokong makita niya ang Mama niya sa ganitong kondisyon na parang wala sa katinuan.

Sige lang ang sigaw ni Karen habang nanlalaban hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na makatakas sa mga bisig ko hanggang unti-unti siyang nahimasmasan.

Isang hikbi na puno ng hinanakit ang pinakawalan ni Karen nanghihinang napaupo siya kaya sabay kaming bumagsak sa marmol na sahig ng kusina nanatiling yakap ko pa rin siya habang umiiyak.

"Andito lang ako Karen... hindi ka na nila pwedeng saktan pangako ko yan."

Only when I SleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon