KABANATA 29

250 15 3
                                    

Karen's POV

Mabilis na namang lumipas ang mga araw laging nagpupunta si Mama sa bahay namin ni Kuya Macus para bisitahin ang Anak ko sinasama din niya si Kenneth ang Anak ni Ate Katrina magkasundo naman si ni Kaz kaya wala akong problema tungkol sa bagay na iyon. Hinahatid sila dito araw-araw ni Ate bago pumasok ng trabaho alam ko naman na gusto nilang mahili ang tiwala ko at maging maayos kami bilang isang Pamilya nakikita ko naman ang effort nila maging si Papa nagbago na rin naging mas maunawain na siya sa akin ngayon hindi gaya noon na isang pagkakamali ko lang ay nakakatikim na ako ng sigaw, hinayaan ko na lang silang maging close sa Anak ko tutal karapatan namin ni Kaz ang mahalin siya ng mga tao sa paligid niya isa pa ngayon lang nakaranas ang Anak ko na pinahahalagahan siya ng mga nasa paligid niya hindi ko maiwasan maluha mula sa kinauupuan kong bangkito pasilip-silip lang kasi ako habang naglalaba ayokong makigulo sa kanilang tatlo kaya heto ako at ginugol ko na lamang sa tambak kong labahan ang buong pansin ko. Naalala ko sa Anak ko ang sarili ko na uhaw sa atensyon at yun ang bagay na ayaw kong maranasan niya pero naranasan pa rin niya sa mga kamag-anak ng Papa Nathan niya sana lang hindi pakitang tao ang atensyon na binibigay nila sa Anak ko kung dati hanggang lunok laway lang si Kaz sa mga candy at chocolate na nakikita niya sa tindahan ngayon lahat ng klase ng matatamis na pagkain nakakain na niya dahil laging merong dala ang Lola at Lolo niya sa tuwing dumadalaw sila para makita ang Anak ko.

Muli kong binaling sa labahan ang pansin ko ng masigurong ayos lang si Kaz.

Sige ang kuskos ko ng may nagsalita mula sa pinto kaya agad akong napalingon.

Si Mama.

“Mamaya pagdating ng Ate Katrina mo sumama ka sa amin, Anak.” malambing na wika ni Mama.

“Marami pa po akong gagawin.”

“Tutulungan na lang kita—.”

“Wag na ho aya ko ho ito kahit ako lang kung gusto nyo pong mamasyal kayo na lang po nila Ate wag nyo na po akong idamay hindi po ako sanay na nasasayang ang oras ko sa walang kwentang bagay.”

Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Mama alam kong ginagawa niya ang best niya pero nagmamatigas lang talaga ako gusto kong subukin ang limitasyon ng ipinapakita nila sa aming dalawa ng Anak ko bahagyang tumango lang si Mama saka tumalikod.

Nagsasampay na ako ng matanawan ko ang kahihito pa lang na kotse ni Ate Katrina patay-malisya kong piniga ang hawak kong labahan saka ko sinampay.

“Mama! Pasyal Kaz sama Lola!” masayang sigaw ng Anak ko ngayon lang siya nakaranas na pinahahalagahan ng mga tao sa paligid niya pero sa naman sa pagkakataong ito totoo na hindi gaya ko na inalagaan lang dahil sa obligasyon hindi dahil sa mahalaga ako mahal nila ako.

Dumukwang ako para magpantay kami ng Anak ko matagal ko siyang sinuri ng tingin masayang-masaya siya kaya sino ba naman ako para humindi.

Nakagat ko ang ibabang labi ko sabay bagsak ng luha ko na agad pinunasan ni Kaz.

“Bakit iyak Mama?”

Umiking ako.  “Hindi ako umiiyak Anak— n-napuwing lang si Mama saka masaya lang ako.”

Sumilay ang inosenteng ngiti ng Anak ko habang hinahaplos ang magkabila kong pisngi hawig siya ng Papa niya hindi maitatanging mag-ama sila.  “Mahal Kaz Mama.”

“Mahal din kita, Anak. Mahal na mahal.” saglit ko siyang niyakap ng mahigpit saka ako tumayo kinalong ko si Kaz saka kami pumasok sa loob ng kabahayan naroon sila Ate at Mama sa Sala habang si Kenneth abala naman sa pagliligpit ng mga laruan.

Sinalubong kami ni Ate saka ni hinalikan sa pisngi si Kaz.

“Ipapasyal ko ang mga bata at syempre kasama din ang Baby sister ko.”

‘Baby sister’ matagal ko ng hindi naririnig ang salitang iyon simula ng tumuntong ako ng sampung taong gulang. Nakangiti sa akin si Ate Katrina pero wala akong balak makipagplastikan sa kanila.

“Bibihisan ko lang si Kaz.”

“Hindi ka ba sasama?”

“Hindi.”  bulong ko.  “Walang tao dito sa bahay pag-uwi ni Macus.”

Nahigit ni Ate Katrina ang hininga niya ng marinig ang pangalan ng huling Lalaking nakarelasyon niya. Tinitigan niya ako deretso sa mga mata sabay ngiti.  “You're so pure and innocent no wonder why he likes you so much.”

Napaawang ang bibig ko sa narinig.

Mahina siyang tumawa saka tumingala mukhang oinipigil niya ang mga luha niya alam ko naman na minahal niya talaga si Kuya Macus kaso umeksena ako sa love story nilang dalawa.

“I knew from the start when I introduce you to him, he never looked at me the way his eyes glittered the first time he saw you p-pero syempre dahil ako ang Girlfriend niya kaya hindi ka niya pwedeng taluhin but as days goes by I knew that sooner or maybe later I will lose him no matter how hard I hold onto our sinking ship it's useless. Yes, Karen. Macus likes you from the very beginning ikaw ang dahilan kung bakit siya laging nasa bahay para makita ka, hindi ako. Ikaw yung masayang parte ng buhay niya na hindi niya kayang ipaglaban noon dahil sa akin, yes I loved him pero sayo siya mas masaya lahat ng mga nangyari sa amin noon hanggang doon na lang iyon matagal ko ng tinanggap na wala na talaga kami and besides I have my Son kaya kumpleto na ang buhay ko.”

“B-bakit mo sinasabi sakin yan hindi ko naman tinatanong.”

“I know you didn't bother asking anything, kaya nga nagkukusa ako. Namiss ko yung Bunso kong kapatid. I-I’m so sorry kung ako yung dahilan ng paghihirap mo nawala ang Panganay nyo ni Macus dahil sa akin alam kong walang kabayaran yung nagawa kong iyon sayo at sinisisi ko ang sarili ko… please Karen hayaan mo akong makabawi alam kong hindi tayo naging perpektong Pamilya dati pero simula nung nawala ka sa amin dun namin naramdaman yung lungkot lalo na si Papa kaya nga nagpadistino siya sa America dahil hindi niya matanggap na siya mismo ang sumira sa Pamilya natin dahil hindi ka daw niya inunawa dapat daw pinakinggan ka niya, Karen.”

Tahimik lamang akong lumuha habang abal naman ang Anak ko kakapunas ng mukha ko.

“Hindi ko hinihinging patawarin mo ako o kalimutan mo ang mga nangayari ang tanging hiling ko lang ay hayaan mo naman kaming iparamdam sayo kung gaano ka namin kamahal lalo na si Macus… nasaksihan ko kung paanong gumuho ang mundo niya nung umalis ka sa poder niya, ilang beses akong nakipagbalikan sa kanya pero talagang wala… hinanap ka niya at nakita ka naman niya kasama si Nathan… alam mo bang pareho kaming nasa Simbahan noong raw na kinasal ka… titig na titig sayo si Macus mula sa malayo tahimik lang siya kahit masakit tinapos niya ang seremonya kasi importanteng araw daw iiyon ng Babaeng mahal niya… ang sakit-sakit kasi talagang wala na kaming pag-asa kaya tinanggap ko na lang ang lahat na hanggang magkaibigan na lang kami… pakakasalan ka daw niya hiningi niya ang blessings ni Mama, si Papa kasi nasa America pa rin siya alam mo naman yon masyadong workaholic.”

Isang tango lamang ang sinagot ko saka ako nagpatuloy sa paglakad paakyat sa hagdan. Hindi ko malaman kung dapat ba akong matuwa sa nalaman ko dahil nasaktan din sila gaya ko o dapat ba akong malungkot.

“Iyak Mama Kaz?” tanong nito ng makapasok na kami ng kwarto.

“Masaya lang si Mama kaya ako umiiyak wag ka ng mag-alala ha. Tara paliliguan muna kita bago ka magbibihis at sasama kina Lola mo mamasyal ha.”

“Yehey! Pasyal Kaz!”

Bumuntong-hininga ako mukhang gumaan ang bigat na nararamdaman ko sa mga sinabi ni Ate Katrina… tama siya hahayaan ko na lang na panahon na ang kusang bumura ng lahat ang mahalaga ay yung ngayon na sinusubukan nilang bumawi para maayos ang nabasag kong tiwala.

Only when I SleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon