KABANATA 16

271 13 2
                                    

Macus' POV

“Are we done?”

“Yes, Sir. Bali okay na po yung mga supplier natin sa bawat Branches po natin, Sir.”

“Good.”  binasa ko muna ang binigay nitong kontrata mula sa mga Supplier namin bago ko pirmahan.  “Here. Aalis na ako.”

Nakangiting kinuha naman ito ng Sekretarya ko.  “Okay po, Sir have a nice day po.”

Lumabas ako ng Demons Club at nagtungo sa VIP parking lot kung saan nkaparada ang sasakyan ko pinindot ko ang lock key nito para magbukas ang pinto nito saka ako umupo sa gawi ng driver's seat pupunta nga pala muna ako sa Mall meron lang akong mga bibilhin para kay Karen at syempre para sa Baby girl namin… Baby girl namin? Nakakatuwa kahit hindi siya sa akin magaan ang loob ko sa kanya dahil galing siya kay Karen at bukod doon alam kong inalagaan ng husto ng Papa niya si Karen kahit na isang kahig, isang tuka lang sila nasaksihan ko kung gaano kasaya si Karen nung araw na sumama siya sa lalaking ‘yon hanggang sa ikasal sila naroon ako kahit napakasakit tiniis kong tapusin ang seremonya ng Kasal nilang dalawa ang ganda ni Karen nun kahit simpleng bestidang puti lamang ang suot niya higit sa lahat totoo ang ngiti niya… nagparaya na ako tingin ko sapat na iyon na kabayaran ng mga maling nagawa ko sa kanya. Akala ko hindi na uli siya maiuuwi sa bahay ko pero tadhana na ang gumawa ng paraan ng mawala si Nathan alam ko kung gaano kasakit kay Karen ang nangyari lalo at may Anak silang dalawa kaya nagbigay ako ng malaking halaga bilang abuloy para sa naiwang Pamilya ng namayapa pero ang hindi ko akalain ay trinatrato pala nila ang mag-ina na parang hayop ilang buwan din akong hindi nagmanman sa kanila dahil kampante ako na hindi silang maghihirap pero nagkamali ako buti na lamang at sumumpong ang chismoso ko at gusto kong makibalita kung ano na ang kalagayan ngayon nila Karen at sakto naman na naabutan ko sila sa parke at dahil nasa poder ko na silang dalawa hinding-hindi ko na sila pakakawalan pa ibibigay ko sa kanilang mag-ina ang buhay na nararapat sa kanila.

***

Hapon na ng maka-uwi ako ng bahay sa labas lang ng gate ko pinarada ang kotse ko saka ako bumaba bitbit ang mga pinamili ko para instant mag-ina ko. Pagbukas ko ng pinto ng bahay ko agad akong pumanhik sa second floor pagkatapos kong hubarin ang sapatos ko, nabungaran ko si Karen ang sarap ng tulog niya habang si Kaz tahimik lang na nakaupo sa tabi ng natutulog niyang Ina. Walang kurap niya akong tinitigan siguro kinikilala nila ako kamukhang-kamukha siya ni Karen pareho silang maganda, nakaramdam ako ng kirot sa puso ko sa paraan ng pagkakatitig sa akin ni Kaz para kasing ang dami niyang gustong sabihin pero hindi lang niya kayang isa-isahin syempre tatlong taon pa lang naman siya eh.

Ngumiti ako kay Kaz bago ako humakbang papasok ng kwarto para ilagay sa couch na naroon ang mga pinamili ko para sa kanila ng Mama niya. Muli kong nilingon si Kaz habang tahimik lang siyang nakamasid sa akin tumango ako at humakbang na palabas ng kwarto ng magsalita ang Anak ni Karen.

Simpleng salita lamang iyon pero nadurog ang puso ko. Isang salita na nagpahina ng mga tuhod ko pumihit ako sa direksyon nito saka ako marahang naglakad hanggang marating ko ang gilid ng kama kung saan siya nakaupo.

Nanatili siyang nakatitig lamang sa akin walang kakurap-kurap. Pigil ko ang emosyon ko gusto ko ulit marinig ang salitang iyon matagal kong pinangarap na may tumawag sa akin ng ganon.

Nanginginig akong lumuhod para hindi siya mahirapan sa pagtingala sa akin.  “P-pwede mo bang u-ulitin yung sinabi mo, Baby.”

Umangat ang mga kamay niya sa ere hanggang maabot nito ang magkabilang pisngi ko ang sarap sa pakiramdam ng maliliit niyang kamay.

Napapikit ako upang damhin ang mainit niyang palad parang lahat ng problema ko nawala dahil lang sa simpleng haplos niya.

“Papa.”  mahina niyang banggit ngunit malinaw sa pandinig ko ng tawagin niya akong ‘Papa’.

Nagmulat ako ng mga mata ko sabay tulo ng mga luha ko hindi ako makapaniwala na may tumatawag sa akin ng Papa kahit hindi ko siya tunay na Anak masaya ako galing siya kay Karen at lahat ng importante kay Karen ay importante din sa akin.

“Bakit iyak, Papa?”. talagang inako niya akong Ama niya ang sarap sa pakiramdam.

“M-masaya lang si Papa k-kasi kasama ko na kayo ni Mama.”

Isang mahigpit na yakap sa leeg ang sinagot ni Kaz. Pangangatawanan ko na ito simula sa araw na ito ako na ang kikilalanin niyang Ama pero syempre hindi ko ipagdadamot sa kanya ang katotohanan kung sino talaga ang tunay niyang Ama. Aalagaan ko silang mag-ina.

***

Karen's POV

Napabangon ako bigla ng maalimpungatan ako, wala si Kaz sa tabi ko kaya agad akong tumayo mula sa kama ngunit natigilan ako ng mapansin ko ang mga naglalakihang paper bag na nakapatong sa couch lalo na ang box ng cellphone na nasa ibabaw ng mesa siguradong nakauwi na si Kuya Macus baka nasa kanya si Kaz, hindi ako nakaramdam ng kaba alam kong hindi niya sasaktan ang Anak ko mabuting tao naman si Kuya nagkataon lang na nagkamali ako kaya naging magaspang siya akin ng mga panahong iyon.

Humakbang ako palapit ng mesa kung saan nakapatong ang box ng bagong cellphone, binuksan iyon saka ko binuhay meron pang charge hindi ko napigilan ang luha ko ng maalala ko ang tanong sa akin kanina ni Kuya Macus  ‘May cellphone ka ba?’  saka ko sinilip.ang laman ng mga paper bagag damit iyon para sa akin at kay Kaz meron ding mga laruan para sa Anak ko. Sige ang tulo ng mga luha ko lalo ng marinig ko ang hagikhik ng Anak ko kasabay ng tawa ni Kuya Macus mukhang nagkakasayahan silang dalawa.

Lumabas ako ng kwarto nakayapak lamang ako kaya hindi rinig ang bawat hakbang ko, kumalam ang sikmura ko ng maamoy ko ang mabangong aroma ng spaghetti oo nga pala hapon na oras na ng meryenda.

Narating ko ang dulo ng hagdan sa itaas na bahagi at mula sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko si Kuya Macus na masayang nakikipaglaro sa Anak ko habang si Kaz naman sige ang tawa para lang silang tunay na mag-ama. Tinutok ko ang hawak kong cellphone saka ko isa-isang kinunan ng litrato ang dalawa isang masayang alaala ng kabataan ng Anak ko.

“Mama!”  kaway sa akin ni Kaz kaya lumingon si Kuya Macus at nagtama ang mga tingin namin muking timibok ang puso ko hindi ko maitatangging hanggang ngayon may mararamdaman pa rin ako sa kanya.

Bumaba ako ng hagdan at lumapit sa kanila. Lumapit sa akin si Kaz bitbit ang mangkok na naglalaman ng spaghetti.

“Mama, pageti luto Papa sarap gusto Kaz!”  sambit ng Anak ko na may kasamang gigil. Hindi nga pala niga kilala ang Papa Nathan niya sanggol pa lang siya ng mawala ang Papa niya kaya akala niya si Kuya Macus talaga ang Ama niya.

Umupo ako sa sahig saka ko niyakap ang Anak ko hindi ko napigilan ang paghagulhol ko ramdam ko ang pananabik ng Anak ko sa Papa niya hindi ko masabi-sabi na matagal ng namayapa ang Ama niya ayoko kasing masaktan siya kaya nagsinungaling ako ang alam niya nasa malayo lang ang Papa niya at kukunin din kami kapag nagkapera na siya.

“Mama, bakit iyak ikaw?”

“Masaya lang si Mama dahil magkakasama na tayong tatlo, diba Mama.”. sagot ni Kuya Macus sa Anak ko.

Napatitig lamang ako kay Kuya Macus hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya kung bakit niya nasabi iyon. Lumapit sa amin si Kuya Macus at walang pasabing hinagkan ako sa noo.

“Magluluto lang ako ng panghapunan natin, Mama. Buti at nagustuhan mo naman ang cellphone mo.”

Wala akong naisagot kundi isang tangi lamang habang titig na titig sa kanya hanggang ngayon mahal ko na mahal ko pa rin siya pero wala akong pinagsisisihan na naging kami ni Nathan nung mga panahong nasasaktan ako sa pagkawala ng panganay ko wala akong ibang gusto kundi ang lumayo at si Nathan ang naging sandalan ko para takasan ang mundong gustong maglaho kaso kahit anong gawin ko parte ng pagkatao ko ang mundong gusto kong ibaon sa limot.

“Wag ka ng umiyak, Karen. Andito na ako.”

Only when I SleepTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon