-Prinsesa Yana-
"Ama! Natutuwa po akong makita kayo. Salamat kay Bathala at maayos kayong nakauwi" masayang wika ko pagkapasok ng silid ng aking amang hari.
"Natutuwa din akong makita ka aking prinsesa" sabi niya matapos akong yakapin. Tumingin siya sa aking mukha. "Ilang araw ka na namang namalagi sa templo" ramdam kong may lungkot sa pananalita niya.
"Opo. Alam niyo naman pong paraan ko iyon upang makapagnilay-nilay at manalig sa ating Bathala -"
"At upang alalahanin ang iyong ina" dugtong ni ama sa sinasabi ko. Tumango ako bilang sagot. Hindi ko ipinagkakaila ang bagay na iyon.
"Ang templong iyon, huling ipinagawa ni ina bago siya mawala. Nangako po akong aalagaan ang lugar at gagamitin ng tama. Bukod sa pagdarasal, ginagamit ko iyon para sa isang bagay ama. Hindi ko po pwedeng sabihin sa ngayon ngunit alam ko naiintindihan ni ina ang mga ginagawa ko" nakangiti kong wika. Pilit kong tinago ang lungkot na nararamdaman ko. Pumanaw si pitong taon na ang nakararaan. Sampung taon pa lamang ako noon nang maganap ang aksidenteng ikinasawi ni ina.
Isang haplos sa ulo ang itinugon ni ama sa akin. Ramdam kong hindi pa din niya matanggap ang pagkawala ni ina. Mahal na mahal namin siya subalit kailangang tanggapin ang katotohanan.
"Kamusta ang naging lakad po ninyo" masiglang sabi ko upang maiba na ang aming kwentuhan.
"Maayos ang naging usapan namin ng pinuno ng Palo. Nakabili kami ng kanilang mga ani sa mababang halaga."
"Natutuwa po ako sa magandang balitang 'yan. Konti na lang at magiging sapat na ang pagkain sa buong Wildama."
"Oo anak. Sana nga at nang tumigil na sa pagtaas ang presyo ng pagkain sa ating lungsod."
"Tiyak po iyan. Magaling po kasi ang aming hari."
"Ngunit mas magiging magaling ka balang araw." seryosong wika ni ama.
"Mahal na hari, nais daw po kayong makausap ni heneral Minard!" sigaw ng isang kawal sa labas.
"Alis na po ako ama" paalam ko. "Sabay tayong kumain mamaya ha?" Tumango si ama na siyang nagpalawak ng ngiti ko. Bumukas ang pinto at pumasok si heneral Minard. Yumukod siya sa akin. "Magandang araw Prinsesa Yana. Patawad at mukhang naabala ko po kayo ng hari." aniya.
"Hindi naman. Tapos na kaming mag-usap ni ama. Sige at mukhang mahalaga ang ipinunta mo dito" wika ko.
Paglabas ko ng silid, nakita kong nakasandal sa pader si Kuya Diyon sa di-kalayuan. Napakamisteryoso talaga ng pinsan kong ito. At kung saan-saan na lamang sumusulpot.
"Maligayang pagbabalik kuya Diyon" masayang bati ko sa kanya.
"Salamat." Talagang matipid magsalita ang isang ito. Kahit anong gawin kong pangungulit, walang epekto pa rin sa kanya. Lagi na lang siyang tahimik. Ngunit isa siya sa pinakamaaasahan. At alam kong hindi niya ipagsasabi ang iyong lihim. Ilang beses ko
na yang napatunayan.
Pumunta ako sa tabi niya at sumandal din sa pader.
"Alam kong tinambangan kayo sa daan pabalik ng Wildama" nakatungong wika ko.
"Paano mo nalaman? Siniguro ng hari na hindi makakarating sa 'yo ang mga nangyari sa amin." wika niya. Hindi man lang siya nagulat sa sinabi ko na para bang inaasahan na niyang may sasabihin akong kakaiba.
"Kuya ikaw ba talaga iyan? Haaa. Ang haba ng sinabi! Sa wakas kinausap mo na ako ng mahaba-haba!"
"Tssk" tugon lang niya. Sabi ko nga hindi ba, walang epekto sa kanya ang aking kakulitan.
BINABASA MO ANG
WILDAMA
FantasyIsang kaharian sa isang mundo na tinatawag na Elesia, kaharian kung saan makakakita ng mga nilalang na may pambihirang lakas at abilidad. Ito ang WILDAMA kung saan may isang prinsesang walang ibang hangad kung hindi ang kabutihan ng iba at isang lal...