Kabanata 10

86 34 5
                                    

-Argo-

     "Anong numero ang nakuha mo Argo?" tanong ni Kreyd. Kahit hindi ko siya tingnan, alam kong siya ang nagsalita. Sinusundan talaga ako ng isang ito at sa tabi ko pa naupo.

     "Paano mo nalaman ang pangalan ko?" tanong ko sa halip na sagutin ang katanungan niya.

     "Ah,madali lang, nakasulat sa pinto ng ating silid ang mga pangalan natin hindi ba? Kaya't tinanong ko sa mga kasama natin sa silid ang kanilang mga pangalan at Argo na lamang ang natira sa mga pangalang nakasulat kaya't ikaw na sa malamang iyon dahil ikaw na lamang ang hindi ko alam ang pangalan. Ang galing ko hindi ba?"

     Patuloy pa ring nasa harap ang aking atensyon kung saan naroon na ang unang magpapakitang gilas ng kanyang kakayahan. Tahimik ang buong paligid at nakatutok ang lahat sa gitna kung nasaan ang lalaking may hawak na espada. Habang nasa gilid naman malapit sa lalaki ang prinsesa at ang mga kasama nito. Hinihintay ng lahat ang gagawin ng lalaki.

     "Maari bang magbigay ka ng isang maikling pagpapakilala sa iyong sarili bago magsimula" wika ng prinsesa.

     "Irayam po ang aking pangalan. Nanggaling ako ng Kanlurang Wildama. Isa po akong magsasaka subalit nais ko ring maging isang kawal ng palasyo at may kaunting nalalaman po ako sa pakikipaglaban dahil isa po ako sa mga tinuturuan ng mga kawal ng Kanluran sa paghawak ng mga sandata at pakikipaglaban" sagot nito.

     "Kung ganun, maaari mo nang ipakita ang iyong kakayahan at mga natutunan" - Prinsesa Yana.

     Nagsimulang gumalaw asi Irayam. Mukhang may alam nga siya sa paggamit ng espada dahil tama ang paghawak nito dito. Maging ang mga galaw niya'y mukhang galing sa isang eksperto. Matapos ipakita ang galaw sa paggamit ng espada, pinapili siya ng kakalabanin sa mga naroon. Isang kawal ang kanyang napili.

     "Ang prinsesa lamang ang maaaring magpatigil ng laban, naintindihan niyo? Simulan na ang laban!" Matapos ang sigaw na hudyat ng laban ay nag-umpisang sumuntok kaagad si Irayam subalit mabilis na nakakailag ang kawal.

     "Mukha lang mahina ang kawal na napili niya subalit sa palagay ko, malalakas ang lahat ng pagpipilian natin. Nasa mahigit sampo lamang ang mga pagpipiliang kawal pwera pa ang dalawang heneral. Siguradong hindi sila kukuha ng mga mahihina upang labanan tayong lahat. Tiyak malalakas ang mga 'yan upang tumagal sa maraming laban. Maswerte ang mga huling lalaban sa araw na ito dahil tiyak pagod at ubos na ang lakas ng mga kawal sa mga oras na yun" biglang sabi ni Kreyd. Isang bagay ang napansin ko sa isang ito, marami siyang alam at magaling siyang magmasid.

     "Anong alam mo sa mga heneral ng palasyo?" tanong ko.

     "Ha?" nagtatakang wika niya. "Nagalit ka dati dahil sa marami ang walang alam tungkol dito sa palasyo na nais nilang pasukan. Pwes isa ako sa mga iyon. Kaya't sabihin mo sa akin ang ilang mga bagay kagaya ng tungkol sa dalawang heneral na 'yun" sagot ko habang nakatingin sa kanya.

     "Ah... Sige. Gaya ng sinabi ko noon, iyong nakaupo sa kaliwa ng prinsesa ay si heneral Niro, isang maharlika, magaling sa pakikipaglaban at nasabi ko na ang kanyang angking kakayahan hindi ba. Sa kanan naman niya si heneral Minard, magaling din siyang makipaglaban at bihasa sa halos lahat ng uri ng sandata. Sa kasamaang palad siya lamang ang hindi maharlika sa lahat ng heneral dahil wala siyang espesyal na kakayahan o kapangyarihan liban sa kanyang pisikal na lakas. Magkaganun pa man, napatunayan na niya ng ilang beses ang kanyang sarili lalo na sa pamumuno sa mga inaatang sa kanyang gawain."

     Hindi pala isang maharlika si heneral Minard subalit ramdam ko pa rin ang lakas nito noong una ko siyang makita noon. "Anim silang lahat na heneral hindi ba? Nasaan na ang iba?"

WILDAMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon