Kabanata 7

124 42 8
                                    

-Prinsesa Yana-

     "Pi-prinsesa Yana. Narito po pala kayo" gulat na sabi ni pinunong Alimtre na kapapasok lamang sa silid. Hindi na ako nagulat sa naging reaksyon niya dahil kanina pa ako nakakakuha ng ganyang reaksyon sa bawat pumapasok dito sa loob. Talagang sinunod ni ama ang pakiusap kong wag ipaalam sa kahit sino na dadalo ako ng pulong.

     Yumukod ang pinuno bilang tanda ng paggalang. Ngunit kung nakatalikod kami ay kung anu-ano ang sinasabi. Magpasalamat siya at hindi ako iyong tipong hindi nag-iisip at bigla na lang manunugod kung may di kaaya-ayang bagay na malalaman.

     Naupo siya sa kanyang takdang silya. May mahabang kuwadradong mesa ang silid-pulungan may mga silya sa magkabilang bahagi samantalang sa isang dulo nakalagay ang isang silyang para sa pinakamataas na pinuno ng Wildama - ang hari o di kaya'y reyna.

     Bumukas ang pinto at iniluwa nito sila kuya Luki at Diyon. Napapangiti ako sa isip. Ahehe... tiyak laging gulat ng mga ito. Hindi pa nila ako napapansin. Tahimik lamang akong nakaupo, hinihintay na makita nila ako. Si kuya Luki ang unang nakapansin sa akin. Kitang-kita ko ang nakakatawang reaksyon sa mukha niya. Marahil humagalpak na ako sa tawa kung hindi lang marami ang makakakita.

     "Prinsesa, nandito ka rin pala. Hindi ka man lang nagpaabiso sa aking dadalo ka dito" wika ni kuya Luki. "Patawad kuya, biglaan lang naman ang pagdalo ko" sagot ko. Si kuya Diyon naman dumiretso lang sa kanyang silya na nasa tabi ko. Katapat niya si kuya Luki ng silya.

     Dumating ang lahat ng imbitado sa pagpupulong. Mga pinuno o di kaya'y kanilang kinatawan, heneral at iba pang may mataas na katungkulan sa palasyo.

     "Narito na ang mahal na hari!" sigaw ng kawal sa labas. Umayos ng upo ang lahat at nang pumasok na ang hari dito sa loob, tumayo ang lahat at yumukod. Nasa likod ni ama si ate Ley na agad nagpunta sa kangyang silyang katapat ko lamang. Tumingin si ama sa akin at tumango-tango.

     Naupong muli ang lahat kasabay ng pag-upo ng hari sa kanyang silya. Nasa kanan niya ako samantalang si ate Ley sa kaliwa na pilit man niyang itago, nakikita ko ang gulat sa kanyang mukha nang makita ako.

     "Nagpatawag ako ng pulong para sa inyong mga ulat sa iba't ibang kagawaran at lalo na upang pag-usapan ang mga masasang pangyayaring nagaganap sa ating lungsod. Ngunit bago natin umpisahan, nais ko munang makinig tayo sa sasabihin ng aking anak na si Prinsesa Yana."

Tumayo ako kaagad pagkatapos magsalita ni ama.

     "Magandang araw. Batid ko ang pagtataka ninyo sa aking pagsulpot sa pulong na ito. Bakit nga ba ako narito? Una sa lahat, nais kong makatulong. Alam ko ang nangyayari sa aking paligid. Mahilig akong magliwaliw hindi ba? Kaya madalas akong napapadpad sa opisina ng bawat kagawaran... Marami akong alam at napupuna higit sa inyong inaakala. Ngunit isa lang naman ang nais kong sabihin ngayon.

     At iyon ay tungkol sa nakababahalang pagdami ng mga masasamang nangyayari sa loob at maging sa labas ng Wildama. Marami sa mga pangyayaring ito ay pinangangambahang iisa lang ang nilalang na nasa likod ng mga krimen. At iyon ang kailangan nating malaman. Ngunit higit sa lahat, kailangang mahuli ang mga kriminal na ito at mapanatili ang seguridad ng mga mamamayan.

Ginagawa na ng palasyo ang lahat ng kanilang makakaya ukol sa bagay na 'yan. Subalit ang malaking problema ay kulang ng mga kawal at tagapagtanggol ang Wildama at napakadaling pumasok ng kahit sinong taga-labas sa lungsod.

     Kaya ang nais kong ipanukala, sa lalong madaling panahon, magdagdag tayo ng mga Elesian na edad labing-lima pataas na handang ipagtanggol ang ating lungsod taga-Wildama man o hindi at babae man o lalaki. At upang makahikayat ng mas maraming Elesian. Tataasan natin ang salaping maaari nating ibigay sa kanila bilang bayad sa serbisyo nila bilang mandirigma."

WILDAMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon