Kabanata 16

90 35 9
                                    

-Argo-

     Nakasunod ako sa tagasilbing nagtungo sa aking silid ngayong umaga upang ipaalam na pinapatawag daw ang mga bagong mandirigmang nasa palasyo. Tiyak na ito na ang simula ng aming mga trabaho.

     Naglalakad kami sa mahabang pasilyo sa loob ng palasyo. Napakamabusisi ng pagkakagawa ng buong lugar na ito. Kailangan ko pang tandaang maigi ang mga dinaanan namin dahil kung hindi ay tiyak na maliligaw ako paglabas dito.

     "Nandito na po tayo" wika ng tagasilbi matapos huminto sa harap isang malaking pintuan. Pinakiramdaman ko ang paligid. Masyadong tahimik. Inaasahan kong may mga kasabay akong dadating dito subalit walang sinuman akong nakita.

     "Sandali. Bakit parang wala akong nakitang ibang bagong mandirigmang patungo dito?" tanong ko sa tagasilbi.

     "Ah. Baka nasa loob na po ang iba. Pumasok na lang po kayo ng malaman niyo kung nandyan na ang sila" sagot ng babaeng tagasilbi.

     Binuksan ng tagasilbi ang pinto na nagdulot ng ingay sa lugar. Ihinanda ko ang sarili sa kung ano ang maaari kong makita o anumang mangyayari.

     Bumungad sa akin ang isang malawak na silid na wala namang laman na kahit anumang bagay o kahit na sino. Naglakad ang tagasilbi papasok ng walang sinasabing kahit ano. Sumunod na lamang ako sa kanya. Hanggang sa itinulak niya ng buong pwersa ang isang bahagi ng pader. Nagulat ako nang bigla itong gumalaw at bumukas. Kung ganun papasok kami sa isang lihim na silid? Hindi ko inaasahan ito. Ano ba ang nangyayari?

     "Pumasok na po kayo" wika ng aking kasama. Tila nag-iba ang tono ng pananalita niya, iyong tipong hindi bagay sa isang tagasilbi.

     Pumasok kami sa loob at ang una kong nakita ay ang pabilog na mesa. Nakaupo sa paligid nito ang mga nilalang na nakatingin sa amin ng kasama ko.

     "Mabuti naman at dumating na kayo nang makapagsimula na tayo" wika ng isang lalaki. Siya lang ang tanging nakatayo patalikod sa aming kinaroroonan.

     "Opo" sagot ng tagasilbi.

     "Pumunta ka na doon" aniya sabay turo sa mesang kinaroroonan ng lahat. Sumunod na lang ako sa kanya. Nagtungo ako sa isa sa bakanteng silya katabi ng nilalang na nag-iwas ng mukha at bumaling ang tingin sa salungat na direksyon ng kinaroroonan ko. Tinulak naman ng tagasilbi ang pader upang sumara ito. Humarap sa amin ang lalaking nakatalikod kanina. Nasa mahigit apatnapu na marahil ang kanyang edad. May bigote sa mukha at isang mahabang peklat sa kanang pisngi.

     "Ngayong kompleto na kayo, umpisahan natin ang lahat sa pagpapakilala. Ako si Kapitan Rayun, kayong lima ang mga bagong miyembro ng aking lupon. Ang ibig sabihin, nasa pangangalaga ko kayo, ako ang direktang mag-uutos sa inyo at kailangan niyo akong sundin sa lahat ng oras."

     "Magbigay-galang kayo sa inyong kapitan" wika ng tagasilbi kung kaya't tumayo ang mga nandito. Walang gana akong nagpatianod sa pagyukod ng mga kasama ko.

     "Maaari na kayong maupo. Hmm. Tignan natin kung tama ang nalalaman ko. Ikaw si Nisha hindi ba?" tanong niya habang nakatingin sa babae.

     "Opo" sagot ni Nisha.

     "Ikaw ang kaisa-isang naglakas loob na kalabanin ang prinsesa sa harap ng marami. Nagpamalas ka rin ng galing sa pagpana. At maging sa pakikipaglaban. Ang sabi sa akin ng isang heneral, humanga raw ang prinsesa sa iyo dahil sa katangian mong ito maging ang paghahangad mong pumasok dito upang maipagtanggol ang Wildama." Lumipat ang tingin niya sa katabi ni Nisha.

     "Ikaw naman si Lurkas, isa sa pinakabatang nakapasok dito. Sa kabila ng iyong edad na labing-lima, nagawa mong magpatumba ng isang malakas na kawal. Tiyak na lalakas ka pa pagdating ng panahon. Malay natin, isa ka sa susunod na magiging heneral. Alam ba ninyong dito nanggaling si heneral Niro? Ang heneral na yun, sa palasyo na lumaki at nagkaisip kaya't musmos pa lamang ay sinanay na ng ama niyang isa ding heneral noon."

WILDAMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon