Kabanata 9

99 38 10
                                    

-Prinsesa Yana-

     "Anong masasabi mo Heneral Niro?" tanong ko sa heneral nang kami na lamang ang nasa opisina nito.

     "Marami sa mga dumalo ang pangkaraniwan lang ang awra. Nasa halos dalampu lamang sa mga ito ang may malakas na awra."

     "Ganoon ba? Wala ka bang nakitang kakaiba o kahina-hinala sa mga nandoon?" tanong kong muli. Huminga siya ng malalim bago sumagot.

     "Ang totoo, may naramdaman akong kakaiba sa ilan sa mga naroon. Subalit hindi ko pa po sigurado kung isandaang porsyentong tama ang nakita ko prinsesa. Nasa panahon pa lamang ako ng pagtuklas sa aking kakayahan kaya't maari akong magkamali. At hindi pa masyadong malinaw sa akin ang lahat ng nakikita ko."

     "Naniniwala ako sa kakayahan mo heneral." Tumango siya sa sinabi ko.

     "May tatlong nilalang akong nakitaan ng maitim na awra. Mukhang may masamang hangarin ang kalooban nila. Sila ang pinakatinutukan ko kanina, isang babae at dalawang lalaki. Magkakahiwalay sila ng kinaroroonan ngunit kitang kita ko na halos pareho sila ng kalooban. Mayroon din akong nakitang isa na nahahaluan ng poot ang kanyang puso, mahina ang kanyang awra pero iba ang pakiramdam ko sa lalaking 'yun.  Mayroong isa na napakalakas ang presensya, alam ko na naramdaman niyo rin iyong presensiyang tinutukoy ko galing sa nilalang na iyon hindi ba kamahalan?" Tinanguan ko si heneral Niro bilang tugon.

     "Ang ipinagtataka ko, hindi niya itinatago ang malakas na awra niya subalit hindi ko makita ang nilalaman ng kalooban niya. Hindi ko alam kung sa akin ang may mali o sa may tinatago ang isang yun. At isa pa, may isa din akong nakitaan ng normal na awra ngunit punung-puno ng determinasyon ang kanyang puso. Iyon lamang sa ngayon mahal na prinsesa."

     "Uhmmm. Si Asul kaya? Maaari kayang isa siya sa mga naroon?"

     "Hindi ko po alam."

     "Sinabihan ko ang mga kuya ko na hikayatin nila si Asul kung sakaling makita nila ito, maging si heneral Minard din. Marahil nabigo sila. Nakakapanghinayang lang, nais ko sana siyang makita ng malapitan at malaki ang maitutong din niya sa atin."

     "Mailap ang isang yun prinsesa. Sa palagay ko wala din siyang balak na sumapi sa palasyo at isa pa, hindi pa natin alam ang totoong katauhan ng isang yun. Hindi ko pa rin siya nakakaharap maski isang beses."

     "Ganoon ba... Napakalaki ng naitulong mo heneral" pag-iiba ko sa usapan. "Narito nga pala ang listahan ng mga dumalo kanina. Maari bang kunin mo ang mga pangalan ng mga tinutukoy mo kanina at pabantayan mo ang kilos lalung-lalo na ang tatlong tinutukoy mong may maitim na awra" dugtong ko.

     "Masusunod, mahal na prinsesa."

     "Salamat. Iyan muna sa ngayon. Magkita na lamang tayong muli bukas."

     "Sa-sandali, prinsesa... Maaari bang magtanong ng ilang bagay?" pigil niya sa akin. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

     "Ano yun?"

     "Pa-panano niyo nalaman ang tungkol sa kakayahan ko?" tanong niya. Mula sa pagkakakunot ng noo'y tumaas ang isang sulok ng aking mga labi hanggang sa naging malapad ang aking ngiti.

     "Ahihihi... Akala ko di mo na itatanong sa akin 'yan. Aksidente ko lang narinig ang pag-uusap niyo ni heneral Minard tungkol diyan nang minsang pupuntahan ko sana siya. Laking pasasalamat ko nga at narinig ko kayo, edi may nagamit akong palusot noong pulong. Mabuti na lang  hindi mo ako ipinahiya ng mga sandaling yun kung hindi ewan na lang kung paano ako lulusot. Hahaha, swerte pa rin talaga ako. Ang galing nuh!?" masiglang wika ko sa heneral. "Oh? Bakit may problema ba?" tanong ko nang makitang nakatingin lamang siya sa akin nang nakangiti.

WILDAMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon