Kabanata 8

107 36 14
                                    

-Argo-

     Kakarating ko pa lamang sa tapat ng tindahan ng matanda nang agad niya akong batiin. "Argo, himala yata at ikaw na mismo ang nagpunta rito. Sinasabi ko na nga ba at ang pagsasauli mo ng aking kabayo noong isang araw ay hindi pa ang huli nating pagkikita. Anong sadya mo at naparito ka ng ganito kaaga? Sinabi ko naman sa iyong sa iyo na ang kabayo. Gagamitin mo ba muli ito?" tanong ng matanda. Bakit ba parang tuwang-tuwa siyang makita ako?

     "Hindi. May itatanong ako" maikling tugon ko. Kung ganun, pumasok ka muna sa loob" wika niya at niluwangan ang pagkakabukas ng pinto.

     "Mahal, ikaw muna dito sabi niya sa matandang babae na abalang inaasikaso ang mga mamimili. "Sige mahal" sagot nito. Ngumiti siya sa akin at tumango-tango na parang kilala na niya ako ng matagal.

     "Sinabi mo ba ang tungkol sa akin?" tanong ko sa matanda nang maupo ako sa isang silya. "Kanino? Sa aking asawa? Bakit hindi? Wala kaming nililihim sa isa't isa. Kung nais mong magkaroon ng magandang pagsasama ng iyong minamahal, kailangang wala kayong sekreto sa isa't isa nang di ito pagmulan ng hindi pagkakaunawaan sa huli."

     "Ang haba ng sinabi mo. Oo o hindi lang naman ang sagot."

     "Ahahaha... Aba malay ko ba kung makahanap ka ng binibini na makakapagpatibok diyan sa malamig mong puso. Oh di may naipayo na ko sa'yo."

     "Tigilan mo nga ako. Hindi ako naparito upang pakinggan ang mga walang kwentang bagay tulad niyan" may inis na pahayag ko. "Wag kang magsalita ng tapos. Baka balang-araw ikaw na ang kusang humingi ng payo ukol diyan. Ano nga ba ang pakay mo sa akin?" aniya. Tumigil kami sa silid kung saan una kaming nag-usap noon. "Maupo ka" sabi niya.

     "Sabihin mo, ano ang mga gawain ng isang mandirigma sa palasyo?" tanong ko na siyang nagpaseryoso sa mukha ng matanda.

     "Tila alam ko na kung anong tinutumbok mo. Kalat na sa buong lungsod ang anunsyo ng palasyo ukol sa paghahanap ng mga mandirigma... At balak mong sumali dito?"

     "Pinag-iisipan ko pa" tugon ko.

     "Bakit? Dahil sa pansariling interes?" Sa impormasyong maari mong makuha?" Bumuntong-hininga siya nang hindi makatanggap ng tugon mula sa akin.

     "Alam mo bang kung makapasok ka sa palasyo, hindi ka makakaalis kaagad? Sampung taon... kailangan mong pagsilbihan ang Wildama ng sampung taon bago ka hayaang makaalis kung nais mo nang umalis at bumuo ng anumang bagong buhay na naisin mo. At sa bawat lumilisan, isang pangako ang dapat nilang iwanan - na anuman ang mangyari, sisikapin mong mamuhay ng marangal at maging mabuti bilang paggalang sa Wildama. Handa ka nga bang gawin iyon kung sakali?" tanong ng matanda. Hindi ko inaasahan na ganun pala katagal iyon.

     "Sinasabi ko ito upang maging handa ka at di na magulat pa sakaling makapasok ka ng palasyo.

"Kaya mo ako sinadya ay dahil wala kang alam sa kalakaran sa palasyong binabalak mong makapasok bilang mandirigma kung kaya't sasabihin ko na ang mga mahahalagang bagay. Argo, malaking responsibilidad ang pagpasok sa palasyo. Mag-uumpisa ka bilang kawal, kailangan mong sumunod sa mga mas nakatataas sa iyo, maaari kang italaga sa alin mang kagawarang nais nila, magkaroon ng mga misyon sa loob o labas ng Wildama, itaas ang iyong posisyon ayon sa iyong pinamamalas na kakayahan, at marami pang iba ngunit higit sa lahat, kailangan mong ipagtanggol ang Wildama sa lahat ng oras. Handa ka ba para dito? Namulat ka sa isang simpleng nayon, naging lagalag na rin... Ang tanong, kaya mo bang manatili sa iisang lugar ngayon? Kaya mo bang mapasailalim sa ibang mas nakatataas sa iyo at sumunod sa kanilang mga utos? AT... makakaya mo bang isagawa ang mga responsibilidad na iaatang sa iyo? Tanungin mo ang iyong sarili Argo. Sa kabilang banda, malaki ang benepisyong makakamit mo. Nariyan ang salaping matatanggap mo, maayos na tirahan, respeto ng mga mamamayan at makakakuha ka ng mga impormasyon ukol sa mga kasong kabibilangan mo. Hindi ba iyon ang pinakanais mo? Ngunit sinasabi ko sa iyo, hindi lahat ay malalaman mo lalung-lalo na ang mga mabibigat na kaso at usapin. Kadalasan sa mga ganoong bagay ay hindi basta-basta pinagsasabi ng mga mas nakatataas." Tumayo ako pagkatapos niyang magsalita.

WILDAMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon