Kabanata 12

96 34 10
                                    

-Prinsesa Yana-

     "Ayos lang po ba kayo kamahalan?" tanong ni Heneral Minard. Papunta ako ng aking silid upang magpahinga sandali at upang makapag-isip ng ilang mga bagay nang sabayan niya ako sa paglalakad.

     "Medyo masakit ang katawan ko. Pero kaya ko pa naman" sagot ko habang nakangiti.

     "Pasensya na, nag-aalala lang po ako" wika niya. Napahinto ako sa paglalakad at tumingin sa mga mata niya. Bakas dito ang pag-aalala. "Ayos lang ako... Totoo" seryosong wika ko.

     "Mas mahirap pa nga ang mga pinagdaanan ko sa kamay ninyo ni ama noong nagsasanay pa lang ako hindi ba? Kaya't wag ka na diyan masyadong mabahala!  Tignan mo nagmumukha ka ng matanda, hindi magtatagal magiging mukha na kayong magka-edad ni ama" biro ko sa kanya. Hinawakan ko pa ng magkabilaan ang dulo ng kanyang labi at inangat pataas. "Ngumiti ka naman heneral ng ganito! Di ba ang kisig?" tanong ko sa mga tagasilbi. Tumango-tango naman silang lahat habang namimilog ang mga mata ni ate Ulya.

     "Sige... sige... Tama na kamahalan" saway ni heneral.

     Napabukas ang bibig ko dahil sa nakita sa kanya. "Kuya Minard! Ngumiti ka!" sigaw ko habang namamangha. Bihira ko na lang makita ang ngiting 'yan dahil masyado siyang naging seryoso matapos mapunta sa posisyon niya ngayon. "Sige na kamahalan, magpahinga ka na muna at maya-maya lang, mag-uumpisa nang muli ang pagsusulit ng mga nagnanais maging mandirigma."

     "Masusunod heneral!" pabirong tugon ko. "Ang tagal na noong huli mo akong tinawag na kuya" sabi niya saka umalis. Napabuntong-hininga na lamang ako sa narinig. Sa harap ng marami, ayos lang na hindi ako gumalang dahil ako ang ginagalang. Kailangan kong ipakita na mas mataas ako sa iba at kaya kong mapasunod sa nais ko ang lahat.

     "Ate, hayaan niyo po muna akong mag-isa sa loob" pakiusap ko kay ate Ulya. "Sige po kamahalan." Pumasok ako sa aking silid ng mag-isa.

***

-Argo-

     "Ano bang klaseng pagsusulit ito? Sa dinami-dami natin, Mabibilang lang sa daliri ang nanalo sa pakikipaglaban sa mga taga-palasyo! May pag-asa pa ba tayo?"

     "Oo nga."

     "Dapat mapili natin ang pinakamahina sa kanila nang manalo tayo."

     "Tama, alisin natin kaagad sa listahan ang dalawang heneral at si Prinsesa Yana. Ang bangis pala talaga ng kapangyarihan ni Heneral Niro, lalung-lalo na si Prinsesa Yana!"

     "Oo nga. Ngunit nakita niyo ba ang ginawa ng binatang si Kaleb? Halos talunin niya na si Heneral Niro kanina. Ang lupit din ng isang yun!"...

     "Hoooy! Tumahimik nga kayong lahat diyan! Ang ingay niyo!" sigaw ni Kreyd sa mga kasama namin sa loob ng silid.

     "Teka nga Kreyd. Bakit ba nagagalit ka dyan? Kapag ikaw ang nag-ingay, halos di ka namin pigilan tapos kung kami ang mag-uusap, papatahimikin mo kami?" sabi ng isang lalaking halos doble na ang edad sa akin, hindi ko pa alam ang pangalan at wala naman talaga akong balak alamin. Sinang-ayunan siya ng iba pang nandito. Maging ako naman ganoon din ang iniisip.

     "Iba ngayon. May laban akong kailangang paghandaan. Haay diyan na nga kayo!" wika nito. Lumabas siya ng silid na dala ang pagkaing inihain sa amin. Kinakabahan din pala ang isang tulad niya. Masyado siyang seryoso sa pagpasok sa palasyo.

***

     "Susunod!" Napatayo ako sa sigaw na iyon.

     Sa wakas ako na ang lalaban...

     Naglakad ako patungo sa kung saan nakalagay ang mga maari naming gamiting mga sandata. Kumuha ako ng dalawang espada.

May mga nabigla sa ginawa ko. Matapos makapili, agad na akong nagtungo sa gitna.

WILDAMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon