Kabanata 1

200 58 2
                                    

-Makalipas ang 10,000 taon...

     "Sa wakas, narating ko rin" sabi ng isang lalaking nasa labing-walong taon ang edad.

     Pinagmamasdan niya mula sa kinatatayuan na isang mataas na burol ang isang lungsod. Sadyang napakalaki nito kaya ang abot ng kanyang tanaw ay maliit lamang na bahagi ng kabuuan nito. Hindi niya matanaw ang pinakasentro nito... ang palasyo kung saan nakatira ang hari ng lungsod o maging ng buong Elesia.

     "Wildama" seryosong sambit niya.

     Malayo ang pinanggalingan at napakahaba ng paglalakbay niya bago makarating sa lungsod. At ngayon, nasa harap na niya mismo ito.

***

(Sa palasyo ng Wildama...)

     "Gawin ninyo ang lahat para mahuli ang mga kriminal na lumalabag sa ating batas" mariing sabi ng hari matapos marinig ang ulat ng mga tinalaga niyang pinuno sa iba't ibang parte ng lungsod ng Wildama. Ayon sa mga ulat nila'y dumadami ang may masasamang loob sa lungsod at ang iba dito'y mga taga ibang nayon na pumapasok lamang dito.

     Aminado ang hari na kulang sila sa mga tauhan ngayon dahil ilan sa mga kawal ay ipinadala upang magmasid sa mga kalapit na nayon o bayan, maging ng ibang lungsod dahil na din sa patuloy na pagdami ng mga may masamang loob. Hindi naman niya pwedeng pabayaan ang mga nayon o bayang iyon dahil kahit malayo na ang mga ito'y responsibilidad pa din niya ang protektahan ito.

     "Kung sana may sapat pang bilang ng maharlika sa palasyo hindi kami mahihirapan ng ganito" naisaisip ng hari. Kaunti na lang ang may purong dugong maharlika sa palasyo ngayon. Matapos kasing maitatag ang bagong Wildama, at sa paglipas na din ng panahon, may mga maharlikang nagpasyang lumisan at manirahan sa ibang lugar. Ang iba'y nangasawa ng ordinaryong mamamayan kaya hindi lahat ng anak nito ay nagtataglay ng pambihirang kakayahan o kung meron man, minsan hindi siya singlakas ng isang purong maharlika.

     "Opo mahal na hari" sabay-sabay na sagot ng mga pinuno.

     Matapos ng pulong ay agad na lumabas ang hari. Nangunguna sa harap nito ang tatlong kawal na nagsisilbing kanyang gwardiya at tatlo din sa likod nito. Habang sa kaliwa naman ay ang dalawang pamangkin niyang sina Diyon at Luki, sa kanan naman ang kaisa-isang pamangkin nitong babae na si Ley.

     Nauuna ng konti sa paglalakad ang hari, kasunod ng mga pamangkin. Purong maharlika ang mga ito at bihasa sa pakikipaglaban sapagkat bata pa lamang, sinanay na sila. Kaakibat sila ng hari sa pamamahala ng buong Wildama. Mas mataas ang posisyon nila kaysa sa mga pinuno.

     "Ley, Diyon, maghanda kayo, mamaya'y tutungo tayo ng lungsod ng Palo. Maiwan ka dito Luki sa palasyo" utos nito sa mga pamangkin.

     "Opo mahal na hari" magalang na sagot ng tatlo.

     Nagtungo muna ng kanyang silid upang magpahinga ang hari. Nararapat ipahinga muna ang katawan at isipan bago umalis patungong lungsod ng Palo. Kailangan niyang kausapin ang pinuno ng lungsod na iyon na isang maharlika na mag-aangkat sila ng mga prutas, gulay, halamang-gamot at palay para matugunan ang kakulangan ng mga ito sa Wildama.

     Maliban sa suliraning pang-seguridad, may iba pang problema ang Wildama. Gaya na lamang ng konting ani ngayong taon. Kaya kailangan nilang umangkat sa iba upang hindi magkulang ang pagkain dito.

     Sa nakalipas na mga taon matapos ang napakalaking gulong nangyari noon, malaki ang naging pagbabago sa buong Elesia. Naging isang napakalaking lungsod ang Wildama na pinamumunuan pa din ng hari at reyna (ngunit sa kasamaang palad ang reyna sa kasalakuyan ay pumanaw na).

WILDAMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon