-Argo-
"ARGO! Kamusta ang kalagayan mo? Grabe ang laban niyo ni Heneral Minard! Sabihin mo nga, may galit ba kayo sa isa't isa? Pero ang galing mo pala. Biruin mo, nakipagsabayan ka sa isang heneral!"
"Maaari bang hinaan mo ang iyong boses? Nagpapahinga ang ibang mga pasyente" sita kay Kreyd ng isang matandang manggagamot. Nagpalinga-linga siya sa paligid at tiyak na napagtanto niyang matalim na nakatingin ang iba pang nasa loob ng silid sa kanya.
"A-ha-ha... Patawad... Patawad. Kinakamusta ko lang itong kaibigan ko" hinging paumanhin.
Agad akong humiga patalikod sa makulit na lalaking ito. Siguradong manggugulo lang siya.
"Talaga bang nakipagsabayan ang binatang iyan sa lakas ng isang heneral? Sayang hindi ko napanood" narinig kong sabi ng lalaking nasa katabi kong higaan. Malawak ang silid dito at maraming mga higaan para sa mga pasyente. May pader na humahati sa gitna na nagsisilbing harang upang mapaghiwalay ang mga babae at lalaking pasyente. Kaunti lang ang mga narito dahil hindi naman dito dumidiretso ang lahat ng nakikipaglaban sa labas. May mga pinipiling manatili doon matapos ang kanilang laban.
"Oo. Sayang hindi mo napanood. Alam mo bang halos hindi ako humihinga sa bawat..."
Aist, pag-usapan ba naman ako na nasa tabi lang nila! Kahit gusto ko silang sigawan, pinigilan ko na lang ang aking sarili. Kaysa naman ako ang kausapin ng isang 'yan. Tinakpan ko ng unan ang aking tainga.
Hindi naman na sana ako magtutungo dito kung hindi lang dahil sa heneral na yun. Hanggang ngayon, kumukulo pa rin ang dugo ko sa kanya. Wala siyang karapatang insultuhin ako
Naalala ko na naman ang mga sinabi niya matapos kaming patigilin sa paglalaban.
"Iyon lang ba ang kaya mo? Sayang kailangan na nating tumigil. Hihintayin ko ang araw na magkasagupa muli tayo" bulong niya bago maglakad paalis.
Agad kong nilisan ang lugar nang sabihan akong magpunta rito hindi dahil sa nais kong magpagamot kung hindi dahil baka hindi ko mapigilang sugurin ang hambog na heneral. Swerte siya at pinatigil na kami bago ko pa magawang ipunin ang aking lakas ng kamao kung hindi, tignan ko lang kung makapagyabang pa siya pagkatapos.
"Aalis na pala ako Argo" narinig kong paalam ni Kreyd subalit hindi ko siya nilingon.
"Haay. Sigurado malapit na akong sumalang. Nang umalis ako upang puntahan ka, lima na lang at ako na ang susunod. Matagal pang magtakip-silim kaya siguradong aabutin ako." Seryoso siya habang nagsasalita at ramdam ko ang kaba sa pagsasalita niya. Tssk. Ano namang pakialam ko. Nagbingi-bingihan ako hanggang sa makaalis siya.
Pumikit ako upang makatulog. May narinig akong nagbukas ng pinto. "Kailangan ang isang manggagamot" iyon lang ang narinig ko bago makarinog ng ilang mga yabag palabas. Ano naman kaya ang nangyari?
Nanatili akong nakapikit ng ilang sandali.
Subalit...
Asaar! Bigla akong napabangon. Napangiwi ako nang maramdaman ang sakit sa buong katawan. Hindi ko maitatangging hindi biro ang mga natamo ko. Bumangon ako at naglakad patungong pintuan.
"Aalis ka na" tanong ng isa pang manggagamot. "Kaya ko na, babalik na lang ako doon upang manood mg iba pang mga laban" sagot ko. Hindi ko na pinakinggan ang iba pa niyang sasabihin.
Nakapasok ako sa loob at agad humanap ng pwesto.
"Ikaw yung kanina hindi ba?"
BINABASA MO ANG
WILDAMA
FantasyIsang kaharian sa isang mundo na tinatawag na Elesia, kaharian kung saan makakakita ng mga nilalang na may pambihirang lakas at abilidad. Ito ang WILDAMA kung saan may isang prinsesang walang ibang hangad kung hindi ang kabutihan ng iba at isang lal...