Kabanata 5

142 52 9
                                    

-Wilyen-

     Ilang sandali na rin ang nakalipas simula ng umalis ang binata at malayo-layo na din siya subalit gamit ang aking kakayahan kitang kita ko pa din siya ng malinaw. Mabilis niyang pinatatakbo ang kabayong pinahiram ko.

     Noong una ko pa lang siyang makita, nakuha na niya agad ang atensyon ko. Alam kong may kakaiba sa kanya. Nagawa ko siyang manmanan ng hindi niya napapansin gamit ang aking espesyal na mga mata. Lalo pang nadagdagan ang kuryusidad ko nang makita ko siyang nagtutungo sa iba't ibang panig ng hilaga. Tila may hinahanap siya. Idagdag pa ang engkwentro niya kay Asul.

     Nang mapadaan siya sa aming tindahan, nagkaroon ako ng pagkakataong makausap siya. At dahil sa pakikipag-usap kong iyon, nabuo ang pasya kong gabayan ang binatang ito.

     "Marami kang iku-kwento sa susunod nating pagkikita... Argo".

     Sinabi niya ang pangalan niya. Isang matibay na katunayan na nagtitiwala siya sa akin.

     "Ama!" nabaling ang atensyon ko sa boses na aking narinig. Sigurado akong sa anak ko iyon kaya't mabilis akong lumingon para hanapin ang pinagmulan ng tawag. Nakita ko ang aking anak na si Mino na papalapit sa kinaroroonan ko.

     "Nandito lang po pala kayo ama. Kanina pa namin kayo hinahanap ng asawa ko. Ano po bang ginagawa niyo dito?" tanong niya agad nang makalapit siya sa'kin.

     "Ah wala naman. May kinausap lang ako" sagot ko.

     "Sino naman po? At tungkol saan? Para sa kanya ba iyong binili niyo daw na mga gamot para sa sugat at pananakit ng katawan?"

     "Isang kaibigan" tipid kong sagot.

     "Edi para sa kanya nga yung gamot? Nag-alala kaya kami kanina. Akala namin kung napano kayo kasi bumili kayo ng mga ganun."

     "Wag kang mag-alala ayos lang ako. Pinadala ko lang sa kausap ko ang mga gamot na iyon para sa isa pang kaibigan" wika ko. Tingin ko hindi naman na kailangan ni Argo ng gamot kahit pa may mga natamo siyang pinsala sa katawan.

     Haaay. Ano naman kaya ang ibig sabihin ng mga nangyari kagabi?. Nag-aalala ako dahil sa kagimbal-gimbal na mga balitang naririnig ko. Napapaisip tuloy ako kung panahon na ba upang bumalik ako sa palasyo? Matanda na ako ngunit may maitutulong pa naman ako.

     Iginawi ko ang aking paningin sa direksyon kung saan ko nakita si Asul kanina at sinubukang gamitin ang talas ng aking paningin upang makita muli si Asul. Subalit hindi gumana ang aking paningin. Napailing na lamang ako. Tumatanda na nga talaga ako, noon umaabot ng dalawampung beses ko pwedeng magamit ang kakayahan ko sa isang araw ngunit ngayon, halos limang beses na lamang, mas malayo pa ang naabot ng aking paningin noon kumpara ngayon.

     "Ano naman po ang tinitignan ninyo diyan ama?" untag na tanong ng aking anak. Kaya naman napalingon ako sa kanya. Bago pa ako makapagsalita ay naunahan na niya ako.

     "Baka naman po kung anu-ano na ang tinitignan niyo ama? Nagdududa na ko sa kakayahan niyo. Baka naman namboboso pala kayo. Sige kayo isusumbong--..." Hindi ko na siya pinatapos.

     "Haaaaay! Tumigil ka nga. Baka may nakarinig sa'yo. Anak ba talaga kita at bakit tila wala kang tiwala sa akin?" Naglakad ako patungo sa aming pwesto.

     "Halika na nga" utos ko. Agad naman siyang sumunod. Hindi lingid sa aking pamilya ang nakaraan ko. Subalit simula noong mapagpasiyahan kong mamuhay bilang ordinaryong mamamayan na lamang, itinago ko na ang katauhan kong iyon.

     "Nagtatanong lang naman po eh" bulong niya na narinig ko naman. Naalala ko tuloy si Argo. Nakakatawa ang hitsura niya kanina. Akala niya siguro makikita ko siya ng walang saplot dahil sa kakayahan ko.

WILDAMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon