Kabanata 4

163 48 3
                                    

-Argo-

     "Paanong?!" nagtatakang bulong ko sa isip habang tinititigan si Asul sa aking harapan na matamang nakatingin din direkta sa akin. Hindi ko lubos maisip kung paano niya nasalag ang aking tira. Kahit pa sabihing nakapagpigil pa ko bago tuluyang tumama sa pinagdikit niyang kamay hanggang siko na siyang ginawang pananggalang sa sarili, sigurado akong malakas pa rin ang pwersang pinakawalan ko. Tunay ngang napakalakas niya. Kahit pa bakas sa kanya ang panghihina at kahit kitang-kita na malaki na rin ang kanyang pinsalang natamo, nagagawa pa din niyang dumepensa at baka pati ang makipagsabayan. Ni hindi nga siya natinag o napaatras man lang sa kinatatayuan nang sanggain niya ang aking kamao.

     Pero paano kung hindi ko pinigilan ang sarili sa pagpapakawala ng malakas na tira? Maari kayang natalo ko siya o baka naman hindi din? Bakit ko pa ba iyan naiisip? Tssk. Dapat hindi na ko nagpigil pa. Maaring nasa harap ko na ngayon ang isa sa mga may kagagawan ng pagpaslang ng aking pamilya't ka-nayon... at ang sumira sa tahimik naming tahanan... ang sumira ng buhay ko at kumuha ng lahat ng mahalaga sa akin...

     Bumabalik na naman ang matinding galit na naramdaman ko kanina. Nagngingitngit ako sa galit kanina nang nagsitakasan sa iba't ibang direksyon ang mga kahina-hinalang lalaki.Gusto kong mahuli kahit isa sa mga nilalang kanina. Pinili kong sundan ang lalaking may tatak sa braso na siyang direksyon din ni Asul at si Asul na lamang ang naabutan ko. Nawala ako sa sarili, ang tanging natira ay galit, at ang gusto ko lamang sa mga oras na iyon ay ang talunin ang nilalang sa aking harapan.

     "Ano bang problema mo?! Nakatakas tuloy ang lalaking iyon dahil sa'yo! Sino ka ba talaga!?" sunud-sunod niyang tanong na nagpabalik sa'kin sa sarili. Napalitan siguro ng pagkamangha ang namumuong galit dahil sa nagsalita siya. Sabi nila, wala pa daw nakakarinig sa boses niya. Hindi daw kasi siya nag-uusal ng kahit na ano sa kahit na sino. Kung pakikinggan, hindi mahuhulaan kung pambabae ba o sa lalaki ang kanyang boses dahil maaring babae na may pagka-lalaki kaya'y lalaki ma may pagkababae. May bagsik din sa tono ng tinig niya. Ngunit isa lang sa mga tinuran niya ang nagpakunot ng aking noo.

     "Anong ibig mong sabihin sa nakatakas iyong lalaki? HINDI BA'T KASABWAT KA NILA!"

     Ibinaba niya ang mga kamay at nagsalita.

     "Hindi" sabi niya. Nakatingin lamang ako sa mga mata niyang tanging hindi natatakpan sa buong mukha niya. Wala akong makitang takot o kahit na anong senyales na nagsisinungaling siya. Dapat ba kong maniwala sa simpleng pagtanggi lamang niya?

***
-Asul-

    

     Tss. Hindi ko inaasahan ang mga nangyayari ngayon. Inipon ko na ang lahat ng natitira kong lakas sa pagsangga kong iyon. Mabuti na din at bago pa tumama sa akin ang kanyang mga kamao, nabawasan niya ang pwersa ng kanyang pagsuntok. Nakita ko pang nawala ang tila apoy sa pagliyab nito bago muntik tumama sa akin. Nakita ko din ang bahagyang pagbago ng ekspresyon niya. Tila biglang kumalma mula sa matinding pagkagalit. Hindi ko alam kung ano ang pinaghuhugutan ng binatang ito ngunit hindi makakabuti ang pagpapairal niya sa galit na nararamdaman lalo pa at mukhang napakalakas ng kanyang natatanging kakayahan. Maaaring puro o kalahating maharlika ang Elesian na ito.

     Parang napakadali na niyang kontrolin at nagagamit na niya ng matagal ang kanyang kakayahan. Hindi katulad ko na nanghihina ng husto kapag nasobrahan sa paggamit.

     Nang mapansin kong bumabalik na naman ang galit sa kanyang sistema, minabuti kong magsalita na. Iniba ko ang aking tinig sa abot ng aking makakaya. Wala dapat makaalam kung sino ako at kahit pa sa tinig lamang ay kailangang mag-ingat pa rin ako.

     Kasabay ng pagbaba ng aking mga kamay ay siyang pagbaba din niya ng kanyang nakakuyom pang kamao.

"Anong ibig mong sabihin sa nakatakas iyong lalaki? HINDI BA'T KASABWAT KA NILA!?" naghihimutok niyang tanong.

WILDAMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon